Chapter 19: The Calm

1.8K 49 0
                                    

I got you.

I got you.

I got you.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa salamin. Sampung minuto ko na sigurong sinusubukang pakalmahin ang sarili ko dito. Nagawa nang makaalis ni Tom-tom para pumasok sa school, eto parin ako hindi pa handang pumasok sa school.

Pakiramdam ko tuloy unang araw nanaman ng klase. Parehong-pareho kasi sa kabang naramdaman ko noon ang nararamdaman ko ngayon. Baka nga mas malala pa. Kasi ngayon, alam ko na kung anong dapat kong asahan na magiging pakikitungko sa akin ng mga kaklase ko. Kasi ngayon alam kong may gulong mangyayari sa school.

Tumingin ako sa isang picture sa ibabaw ng mesa malapit sa salamin dito sa sala. Family picture, yun nga lang, kami lang tatlo nina Papa at Tom-tom yun. Kelan lang kasi nakuhanan iyon gamit yug camera na bigay ni Brent.

Sa kasalukuyan, unit-unti nang umaayos ang kalagayan ni Papa. Pero kasabay noon, lumalaki rin ng lumalaki ang gastusin sa ospital. Pinagbabawalan pa siyang umalis ng doktor dahil kailangan pa siyang obserbahan ng mabuti. Hindi ako nawawalan ng pag-asang gagaling siya kaya naman hanggat kaya ko, gagawin ko para magawa sa kanya ang lunas na kailangan para gumaling siya. Mabuti nalang at hindi pa naapektuhan ng mga trabaho ko ang pag-aaral. Hindi pa. Hindi ko pa alam ag magiging epekto sakin ng bago kong trabaho dahil ngayon pa nga lang ang first day ko.

Sabi ni Asher "I got you." Ibig bang sabihin non, kasama ko siyang haharapin ang lahat? Corny mang sabihin, at OA mang pakinggan, pero sobrang laking pressure kasi talaga ng nararamdaman ko ngayon. Isa akong peasant, isang Noble si Asher. Magkaibang reaksyon ang matatanggap namin. Ibang mga pakikitungo ang mararanasan naming dalawa.

"Basta, Thalia. Isipin mo yung matutulong nito sa mga bayarin. Yun lang, doon lang ang focus mo." Sabi ko sa sarili ko sa salamin. "Kay Papa lang."

"Kaya mo to." Dagdag ko pa, pilit na sinusubukang mapalakas ang loob ko.



***

*plok*

*plok*

*plok*

Pangsingkwentang bato na ata iyon na sinipa ko. Nandito na kasi ako sa isang kanto na medyo malapit sa Western Heights. Dito yung napagdesisyunan namin dahil ayaw ni Asher na may makakitang sinusundo niya ako kapag malapit na sa Western Heights lang. Hanggang ngayon, pinipilit parin niyang sunduin na ako mula na mismo sa bahay, kaso nga hindi parin ako pumapayag. 

Sabi niya, ayaw niya ng late. Kaya heto ako ngayon, may kalahating oras na atang naghihintay. Hindi naman ako nagrereklamo. Ayaw ko parin naman kasing pumasok, kinakabahan pa kasi ako. 

Natigil ako sa pagsisipa nang maramdaman ko ang pagtigil ng isang sasakyan sa harapan ko. Ito yung sasakyan na ginamit namin noong pumunta kami sa bahay nila. Si Asher. Lumapit ako, hinintay kung anong gagawin niya. Hindi ko kasi tiyak kung ano ang dapat kong gawin. Papasok na ba ako? Saan? O hihintayin ko muna siyang buksan ang pinto o kaya ang bintana, para sensyasan ako. 

Mabuti na lang at may bumabang lalaki sa harapan, tumungo sa sidewalk at pinagbuksan ako ng pintuan.

Bumungad kaagad sa akin ang isang relaks na relaks na Asher. Nagp-psp pa nga at parang di man niya nararamdaman ang mga nangyayari sa paligid niya.

"Salamat po." Sabi ko sa driver niya na mukhang labis niyang ikinagulat. Nagbow ito, tapos ay isinara na ang pinto at sumakay na rin.

Isinandal ko ang ulo ko sa upuan, ngayon lang ata ako pumunta sa Western Heights na komportable sa pakiramdam. Ang init kaya sa jeep at sobrang mahangin at maalog, tapos palagi pa akong kinakabahan na baka may masamang loob na sumusunod sa akin sa paglalakad. Wala naman kasi pinipiling oras ang mga ganoon.

Western Heights: Casanova's PropOnde histórias criam vida. Descubra agora