Chapter 57: Foolish Hearts

1.9K 71 10
                                    

Sa dungis naming dalawa ni Asher dahil sa pinaggagawa namin kanina, sinabihan kami ni Mama Tori na maligo na muna raw bago kumain. May stock ako ng damit dito sa mansion, at si Mama Tori ang may pakana noon. Kada alis niya kasi, pati ako binibilhan niya ng damit.

At dahil saksakan ng arte itong si Asher, nauna pa akong natapos na maligo at mag-ayos sa kanya, kahit na ako yung babae. Pagdating ko sa kusina, nadatnan kong nag-aayos ng lamesa si Mama Tori, habang nanunuod sa gilid yung mga kasambahay nila. Ganito talaga si Mama Tori, gusto niya siya yung nag-aasikaso, mas special daw kapag ganon.

"Oh, Thalia. You're here. Can you please call Asher upstairs? Tell him the food's ready." Sabi niya, habang inaayos ang mga kutsara at tinidor sa gilid ng bawat pinggan.

Tumango ako bilang sagot, at lumabas na ng kusina at umakyat sa napakataas nilang hagdan.

Yung huling beses na pumasok ako sa kwarto ni Asher ay yung gabing umiyak siya. Sobrang nakakatakot sa pakiramdam noon iyon, tila ba kahit may tao sa loob ng kwarto, sobrang empty pa rin sa pakiramdam.

"Asher?" Tawag ko sa kanya, habang papasok; subalit wala akong natanggap na sagot.

Kahit pa madalas akong nasa mansion nila upang samahan si Mama Tori, hindi ako pumapasok sa kwarto ni Asher. Ang totoo, iniiwasan ko pa nga iyon. Naiilang pa kasi ako, medyo nasasaktan. na kahit anong sabihin niya, kahit anong gawin niya, kahit anong lapit niya, hirap pa rin akong paniwalaang nasusuklian talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Pilit na napipigilan ng katanungang, 'Mahal din ba niya ako?'

"Ready na yung pagkain sa baba, kain na raw tayo sabi ni Mama Tori." Sabi ko, kahit pa hindi ko alam kung nasaan siya. Siguro ay hindi pa rin talaga tapos maligo yun.

Napakamot ako sa ulo ko, dahil panandalian kong hindi alam kung anong dapat na sunod kong gagawin. Ngayon ko lang kasi talaga napagmasdan itong kwarto ni Asher ng maliwanag. Nung huli kasi, gabi na at madaling araw iyon. Paggising ko, nagmamadali na akong lumabas at umuwi, at hindi ko na natignan ang kabuuuan ng kwarto niya.

Sasabihin ko nalang kay Mama Tori na hindi pa siya tapos na mag-ayos. Baba din naman siguro yun, at hindi ko na kailangan pang hintayin siya.

Nagdesisyon akong bumaba nalang ulit, para matulungan ko rin si Mama Tori sa pag-aayos niya.

Ang kaso lang, nung tatalikod na sana ako papunta sa pintuan, isang sulok ng kwarto niya ang pumukaw sa atensyon ko, at naging dahilan ng pagtigil ko mula sa paglakad palabas. Kunot noo akong lumapit sa isang desk malapit sa binatana niya, sa may entrance ng balcony niya.

Nang makalapit ako, nagulat ako sa nakita ko.

Inilahad ko ang kanang kamay ko upang kunin ang isa sa mga litratong nakadikit sa isang corkboard sa desk ni Asher.

08/20/16 Ugly when awake, uglier when asleep.

Nakasulat sa isa sa mga instax films ko. Kaya pala. Kaya pala kulang ng isa yung films sa loob ng camera ko noong pumunta kami sa theme park, nasa kanya pala yun. At oo, tulog ako sa kuha niyang iyon.

08/20/16 So ugly. Sabi pa niya doon sa picture naming dalawa na biglaan lang kinuha at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong ipaulit at mag pose ng maayos.

09/06/16 The idiot never notices that her films are being used.

Nakalagay naman sa isa pang film kung saan naroroon din ako, subalit nakatalikod.

09/07/16 With this one again.

Nakalagay sa isa pang film kung saan nagbabayad ako sa tindahan ng french fries sa mall.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now