Chapter 28: His Family

1.7K 49 2
                                    

"No."

"Asher-"

"No."

"Sige na..."

"I said, NO."


Ilang araw nang ganito ang mga pag-uusap namin ni Asher. Sa school o sa trabaho man. Bakit ba naman kasi sa akin naibigay itong trabaho na makumbinse si Asher na pumunta dun sa party ng tatay niya?

Oo nga pala, 'girlfriend' niya ako.

Huminga ako ng malalim, "Please? Nangako ako kay Big Ben na papasamahin kita." Pakiusap ko sa kanya.

"Thalia, sinabi ko nang hindi di ba? Don't push it." Inis niyang pagtatanggi.

"Pero bakit ba kasi? Party lang naman yun eh. Sumaglit lang tayo, tapos alis na. Gusto ka lang siguro nilang makita. Tapos kakain lang naman, hindi naman mahirap yun di ba?" Pilit ko pa rin sa kanya, subalit hindi niya ako pinansin. "Wala namang masama dun di ba? Magpapakita ka lang tapos kakain lang, tapos... tapos!"

Hindi niya ako pinansin.

"Asher..."

Wala pa rin.

"Dahil ba hosted ng Daddy mo yung party kaya ayaw mong magpunta?" Sa totoo lang, wala akong alam kung ano ang istorya sa likod ng away na nasaksihan ko noon kay Asher at ng Daddy niya. Hindi naman siguro ganoon kalala, hindi ba?

Napansin kong humigpit yung hawak ni Asher sa cellphone an kanina pa niyang kinakalikot. "Baka naman ito na yung chance niyo na magbati? Sandali lang naman eh, pero malay natin-"

"Will you shut up?!" Gigil na sigaw ni Asher. "Do you even know what kind of party he's hosting?! Do you even know the reason why I don't want to go?! Kung hindi, you better shut your mouth, Thalia. You may be my girlfriend, but it's all an act. So stop acting like you f*cking have the right to interfere with my private life!"

"Gusto ko lang naman-"

"Well don't." Putol niya sa sasabihin ko. "Pwede bang isaksak mo sa kokote mo na binabayaran kita para magbalikan kami ng ex girlfriend ko at hindi para pakialaman mo ang buhay ko? Ayan, tinagalog ko na para maintindihan mo." Galit niyang sabi.

Ang akala ko, sanay na ako sa lutong ng pananalita ni Asher.

Pero laking gulat ko nalang ng maramdaman ang pagbabadyang paglabas ng luha sa mga mata ko. Kaagad akong tumalikod, at naglakad palabas ng staff room.

Paglabas ko, napahawak ako kaagad sa counter kung saan naroroon yung mga pastries namin. At gamit ang isang kamay, napahawak ako sa puso ko. Nagawa ko mang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko, subalit hindi ko magawang pigilan ang pagsakit nito.

Bakit ka nasasaktan?

Sinuntok ko yung kaliwang dibdib ko.

Hindi ka dapat nasasaktan.

Sinuntok ng isa pa.

Si Asher lang yan.

At sinuntok ng ulit.


Hindi dapat ganito.


***


Maraming eksena ang pumasok sa isip ko noong nagsink-in na sa akin na mapapakilala ako sa pamilya ni Asher bilang kanyang girlfriend.

Isa na rito ang mga eksena sa teledrama, na kapag nalaman ng pamilya ng bidang lalaki na saksakan ng yaman na isa lamang akong hamak na peasant sa isang prestihiyosong Western Heights, naisip ko nang itataboy ako palabas, o ang tatapunan ng tubig, pati na rin ang pagsabi sa akin ng isang sikat na linya, 'You're nothing but a second rate, trying hard copy cat!'.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now