Chapter 50: Consequences

1.6K 67 23
                                    

"Uy, Thalia. Kami na bahala dito, sa labas ka na kumain. Estudyante ka parin naman ng Western Heights." Sabi sa akin ng isang kasamahan ko sa cafeteria.

Ngumiti ako, "Ay ate, okay lang. Dito na lang po ako kakain, mas gusto ko pa yung ambiance dito eh." Dahilan ko.

Tumango siya, "Sige, hugasan ko na muna to." Sabi niya sabay nguso sa bitbit niyang tray na punung-puno ng maruruming pinggan.

*bzzzt*

Missed you at lunch today! Where are you?

Ibinaba ko ang kutsarang hawak ko at hinawakan ang cellphone ko ng maayos, "Sa cafeteria. Enjoy niyo nalang ni Elle moment ninyo." Reply ko kay Seb.

Habang nagsesend yung text ko kay Seb, muli nanamang nagwala ang phone ko, "Hello?"

"Thalia?"

"Oh? Brent? Bakit?" Tanong ko.

"Can we see each other later?"

"Ha? Oo naman. Sa cafe din naman diretso ko after class." Sabi ko habang tumatayo at nililigpit ang pinagkainan ko. "May itatanong lang ako sa adviser namin, tas papasok na kaagad ako sa shift."

"No, I meant like just the two of us. Can we talk?"

Bumuntong hininga ako, "Okay lang naman." Sagot ko, kahit pa ang totoo niyan, ayaw ko naman talaga. Pero dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit nagkakaganito si Brent, pumayag ako. Kahit pa ayaw ko nang ulit-ulitin pa yung nagawa ko, utang ko na yun sa kanya. "Pero sige, babye na ah? Bell na eh." Paalam ko.

"Okay. See you later."

Ibinaba ko na yung tawag.

Kinuha ko yung baunan ko at isinabit ang strap nito sa balikat ko. "Te! Pasok na po ako!" Paalam ko sa kasama ko sa shift ko ngayon.

Pagbukas ko ng pinto, kaunti nalang ang tao sa cafeteria. Iilan na lang, at halos ang mga natira ay nag-aayos na at patayo na.

Kung bakit inilibot ko pa ang tingin ko sa kabuuan ng cafeteria ay lingid sa kaalaman ko. Basta ang alam ko, nang sandaling magtagpo ang tingin namin ng dalawang napakapamilyar na mga mata, pinagsisisihan ko na kaagad ito. Sunod kong tinagpo ang tingin din ng kasama niya, dalawang napakaganda at mapupungay na mga mata.

Iniwas ko kaagad yung tingin ko, at mabilis na lumabas mula sa cafeteria.

At sa pagmamadali kong iyon, hindi ko na tuloy namalayan na may tao na pala sa harapan ko.
"Aray!"

"What the hell?" Galit na bulalas niya. Tapos ay, "Wait, you're Lia, right?"

Tinignan ko siya, at laking gulat ko nang makitang si Elle pala yun. "V-volleyball babe?"

Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon pero parang may nakita akong panandaliang ngiti sa mukha niya. "Please do not call me that. Seb alone is enough to piss the hell out of me." Sabi niya.

Tumango ako, "S-sorry nga pala sa pagbunggo ko sayo." Tapos ay naalala ko yung tinawag ko sa kanya. "Sorry, ngayong mga nakaraan kasi yun na yung tinatawag sayo ni Seb. Nasanay lang."

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now