Chapter 15: Desperate Measures

1.8K 43 3
                                    

"Ate? Ate!"

Kumunot man ang noo ko, nanatili namang nakapikit ang mga mata ko. Alam kong boses ni Tom-tom iyon, at alam kong kanina pa niya ako sinusubukang gisingin pero dahil sa pagod ko hindi ko na siya magawang asikasuhin pa.

"Thalia?" Ang boses na iyon naman kaagad ang nanggising sa akin. "Thalia, anak." Pagkakita ko sa mukha niya, isang napakalawak na ngiti ang bumungad sa akin.

Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko upang matiyak na hindi lamang ako nananaginip. At nang mapatunayan ko na ito, sinunggaban at niyakap ko kaagad si Papa. Doon ko na nailabas lahat ng kinikimkim ko: tampo dahil hindi sinabi kaagad ni Papa ang kalagayan niya, pagod dahil sa pagoover time ko sa Coffee Shop pati narin ang pagod na nadudulot ng Western Heights sa akin di lamang sa pag-aaral pati narin ang ginagawa sa akin ng mga kaeskwela ko at ang huli, lungkot- lungkot dahil may cancer ang Papa ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog ng nakaupo sa tabi ng kama ni Papa, pero nang masilayan kong gising na siya, nawala lahat ng antok at pagod ko. Dito kasi ako dumiretso pagkatapos ng shift ko, pagkatapos naming linisin ang ginawang kalat ni Asher.

Hinawakan ni Papa ang ulo ko, "Tahan na Thalia. Pagpasensyahan mo na si Papa."

"Okay lang naman po e, okay na kasi gising na kayo." Humahagulgol kong sabi sa kanya.

Naramdaman kong may maliliit na kamay din na bumalot sa akin, mga braso ni Tom-tom na yumakap din sa akin, ang kaninang iyak ng lungkot ko ay napalitan na ng iyak ng tuwa. Tuwa dahil kahit ang hirap ng buhay, heto at matatag pa kaming tatlo.

"Kumusta ka anak? Nag-alala ka siguro ng sobra ano?" Tanong ni Papa nang tumahan na kaming lahat. Kagaya ng dati, hindi maalis ang napakagandang ngiti sa mukha niya yung tipong kapag nakita mo siya, hindi mo aakalaing may sakit siyang iniinda.

"Ang totoo niyan Pa..." Paninimula ko. Tapos ay napaisip ako, naisip ko lahat ng pinagdaanan ko sa tatlong araw na walang malay si Papa. Una kong naisip ay ang pagod na naramdaman ko, tapos naalala ko din yung mga gabing umiiyak ako bago matulog pati narin ang pagiyak ko sa tuwing nabibigo ako sa mga inapply-an ko.

Tapos bahagya akong napangiti nang maalala ko yung nangyari kahapon. Naalala ko yung malakas at walang tigil na tawanan ng mga kaibigan ko.

Kaibigan?

Tinuturing ko na ba talagang kaibigan si Asher?

E ako kaya, ano nang tingin niya sa akin?

Pero ano namang pakialam ko kung anong tinuturing niya sa akin?

"Thalia?"

"Ay ano po, Pa?" Wala ko sa sariling tanong. "Ay oo nga pala- Basta yun na nga Pa. Hayaan nalang natin, tapos narin naman na yun. Ang mahalaga ngayon, wala akong ibang maramdaman kung hindi ang saya, kasi gising ka na." Pagrarason ko sa kanya.

"Hindi ka nagtatampo sakin?" Nakabusangot niyang tanong.

Umiling ako, "Hindi na, matitiis ba kita Pa? Naku naman."

Natawa si Papa sa sinabi ko, "Hindi mo nga ako matitiis." Pilyo niyang sabi. "Magpahinga ka na ah? Ako na bahala dito."

"Pa naman."

"Thalia, ako nang bahala." Maikli at pinal niyang sinabi, kaya napatango nalang ako.

Hindi ako marunong magsinungaling, lalo na kay Papa. Pero may mga oras lang talaga na kailangan kong gawin iyon, at sa mga oras na nagsisinungaling ako, iisang tao lang ang may alam nito.

Tumingin ako kay Tom-tom na nakatingin na kaagad sa akin. Hindi ko na siya kailangang senyasan pa, kahit bata pa siya, alam kong nagkaintindihan na kami sa simpleng tinginan lamang.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now