Chapter 46: Mission Accomplished

1.6K 56 11
                                    

Hinigpitan ko ang kapit ko sa braso ni Big Ben ng sandaling makita ko na ang pinto papasok nung venue. Bahagya siyang natawa, "Don't be nervous, dear."

Syempre, lalo lamang akong kinabahan nung sabihin niya yun.

May dalawang lalaki sa magkabilang side nung pinto. Pagkakita nila sa amin na paparating, sila na ang nagbukas ng dalawang pintuan para sa amin.

Ang daming tao.

Hindi mailaw katulad nung nakaraang party na ginanap dito pero mas magagara ang mga damit ng mga tao ngayon. Wala na yung mga mesang mababa kung saan may kanya-kanyang pagkain ang mga bisita. Napalitan ito ng mga matataas na lamesang tanging mga iba't ibang klase lang ng inumin ang nakalapag.

Nagsimulang maglakad si Big Ben at Mama Tori papasok kaya maging ako ay napasunod na lamang. Dahil nagsimula na kanina pa ang ball, abala na ang mga tao sa iba't ibang bagay. Mabuti na lamang at hindi naging agaw pansin ang entrada namin dahil kung hindi, baka bumagsak na ako sa sahig sa sobrang panginginig ng mga tuhod ko.

Subalit hindi rin nagtagal ay napukaw na naming tatlo ang atensyon ng mga bisita. Oo nga pala, sina Big Ben at Mama Tori ang kasama ko. Hindi lang sila basta-basta. Mga Nobles.

"Good evening Madam." Bati ng isang babae sa kanya. Kung titignan mukhang mayaman rin yung babae, pero 'Madam' parin niya kung tawagin si Mama Tori. Bakit nga ba nawala na sa isip ko na pamilya ng isang Noble ang nakakasalamuha ko nitong mga nakaraang araw?

Kumalas si Mama Tori mula sa pagkakahawak kay Big Ben at bineso yung babae. "Good evening, Susan. How are you?"

"I'm good, of course. You Madam?"

"Never been better." At nagpatuloy sila sa pag-uusap. Sa kabilang banda naman, kinakausap ni Big Ben yung asawa nung Susan at malakas silang nagtatawanan. Hindi nagtagal, sumali narin yung ibang mga bisita sa usapan, palaki na ng palaki ang bilog ng mga taong nagsasalita.

Pakiramdam ko, isa akong bata na nawala sa mall. Hindi alam kung saan titingin, hindi alam kung anong gagawin. Hindi ko rin naman masisi sina Big Ben at Mama Tori dahil event ito ni Uncle Albert, isang charity ball at hindi nila responsibilidad na alagaan at bantayan ako dahil lamang nanliliit ako sa mga taong nandito.

Wala akong kilala, at hindi ko alam kung saang lupalot na ng mundo nagpunta itong si Asher.

"Lia?"

Para ko naring nakita ang liwanag ng makarinig ako ng pamilyar na boses. "Seb!" Masayang bati ko sa kanya, sabay ng maikling pagyakap.

"What are you doing here? Para kang nawawalang pusa." Natatawa niyang tanong.

"Ewan ko nga rin eh. Ininvite ako nina Asher, pero wala naman akong kakilala at hindi ko alam kung anong gagawin." Sabi ko. "Wala kang kasama? Di mo inaya si Elle?"

"Si Elle? As if sasama dito yun. She's busy reading a book somewhere out there."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ano to? May LQ na kahit di naman kayo lovers?"

"Nagpapamiss lang ako." Pilyong sagot niya. "How about you? Where's your boyfriend? I'm surprised na hindi siya bantay sarado sayo tonight. Lalo na't you look amazing."

"WEH?!" Di ko mapigilang bulalas, na sa sobrang lakas ay napatingin ang ilan sa mga tao sa akin. Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko.

"Oh dear, your Peasant behavior is showing."

Western Heights: Casanova's PropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon