Chapter 32: Tom-Tom

1.7K 62 19
                                    




Inilagay ko ang hintuturo ko sa may labi ko, upang senyasan si Asher na wag lumikha ng kahit anong tunog. Ngayon pa lang kami pinayagan na makita siya, pagkatapos ng walong oras na paghihintay. Hindi ko nga alam kung bakit nandito pa si Asher at kasama kong naghintay, pero kahit pa ganoon, malaki ang pasasalamat ko na hindi niya ako iniwan mag-isa. Kasi baka nabaliw na ako sa mga oras ngayon kapag nagkataon.

Tumungo ako sa lamesa sa tabi ng kama ni Tom-Tom, at inilapag yung mga binili kong pagkain.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko habang tinitignan ko siya. Sobrang nasasaktan akong makita siya na ganito, lalo pa't alam kong nagpabaya ako kaya nangyari sa kanya ito.

Hinawakan ko siya sa noo, at kaagad na hinalikan ito. Pinunasan ko rin kaagad yung mga luhang hindi ko na napigilan sa pagpatak. "Sorry." Ipit na bulong ko sa kanya. Nahihirapan kasi akong magsalita habang pinipigilan kong lumabas ang hagulgol na nagbabadyang kumawala.

Alam ko naman na malala yung naging tama ni Tom-Tom, pero ngayon nasa harapan ko na siya, hindi ko mapigilan ang magulat at maging emosyonal.

"You did nothing wrong, Thalia." Rinig kong biglang sabi ni Asher.

Oo nga pala, nandito nga pala siya sa silid kasama namin ni Tom-Tom. "Asher... salamat." Sabi ko. "Pwede ka naman nang umalis eh. Bumalik ka muna sa party-"

"No way." Tanggi niya agad. "You actually saved me from a terrible situation, Thalia. Thank you." Patukoy niya sa naalintanang pag-uusap nila ng Daddy niya at fiancè nito.

Inirapan ko siya, "Kailangan mo paring kausapin ng maayos yung Dad mo sooner or later." Sabi ko.

"What about you?" Pagbabalik niya ng tanong sa akin. "You have to tell you Dad about Tom-Tom as well; sooner or later."

"Alam ko. At gagawin ko naman yun, kung wala nga lang siyang sakit."

"Gagawin ko rin yun, kung hindi nga lang g*go yung Dad ko."

"Asher."

"Thalia." Panggagaya niya sa tono ko.

Bumuntong hininga ako, "Bahala ka." Natatawang sabi ko nalang. Tumingin ako sa relo sa may kisame. "Late na ah? Di ka pa uuwi?" Tanong ko sa kanya.

Pumwesto siya sa couch, at humiga. "Nah. I'll spend the night here."

"Ha?"

"I don't want to go home." Sambit niya, inilagay niya ang braso niya sa mga mata niya upang takpan ang mga ito, habang nasa may tiyan naman niya ang isa pa niyang kamay.

"Pero-"

Isang mahabang "Ssssh." Ang narinig ko mula sa kanya.

Hinayaan ko nalang siya tutal, mukhang napagod naman talaga siya. Napa-drive pa siya ng gabi ng di oras dahil sa akin. Alam ko ring napagod siya, dahil alam ko, na tulad ko, maraming klase ng emosyon rin ang naranasan niya ngayong gabi.

Binuksan ko na lang yung TV at nanood, para na rin makalimutan ko kahit papaano yung mga nangyari.

At habang tutok na tutok ako sa panonood ng teleserye, biglang nanlaki ang mgamata ko nang may ma-realize ako. Kung natutulog si Asher sa couch...


Saan ako matutulog?


***


"Si Spiderman."

"Si Spiderman? Siya yung favorite mo? Ayaw mo ba si Hulk?"

"Hulk?"

"Oo, yung malaking kulay green yung parang ganito: RAWR!!!!"

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now