Chapter 24: Kilabot

1.6K 47 2
                                    

"So... the two of you fought?" Tanong ni Mama Tori.

Hindi ko alam kung bakit, pero biglang naging sobrang nakakamangha ang juice sa harapan ko kaya iyon ang pinagtuunan ko ng pansin at hindi ang katanungan ni Mama Tori. "My god, the first time I will see you together, sa ganitong situation pa?" Maktol niya.

Pati si Asher hindi sumagot, kaya nagpatuloy na lang si Mama Tori sa pagsasalita. "Whose fault is it?"

"Sa kanya!/Thalia's." Sabay naming sambit ni Asher. Pagtingin ko sa kanya sa kauna-unahang pagkakataon mula noong dumating siya dito, nakaturo pa ang hinlalaki niya sa akin.

Halos mapanganga ako sa narinig at sa nakita. "Ako?! Bakit ako?!" Hindi ko makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"You won't even let me talk to you!"

"Wow ha? As if sinubukan mo sa school?!" Hindi ko na mapigilang sumbat.

"I did!"

"Sinong niloloko mo? Kung totoo yon, edi sana-!" Hindi ko naituloy yung sasabihin ko. Alangan namang palakihin ko pa yung issue tungkol sa mga pasa ko? Mamaya, lalong hindi lang ako tantanan ng mga ex ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Enough." Awat ni Mama Tori. Tumigil naman kami kaagad ni Asher. "That question wasn't supposed to be asked. My mistake. See, what matters more is how you cope up with your mistakes. Magbati na kayo." Sabi niya.

Tinignan ko kaagad siya, pero itinaas niya ang kamay niya upang pigilin kung ano man ang sasabihin ko. "But before anything else. Kumain muna tayo. In peace, if I may request." Pagpaparinig niya sa amin ni Asher na magkaaway ngayon.

Sinubukan namin kumain ng mapayapa. Pero sa tuwing magtatagpo ang mga tingin namin ni Asher, hindi ko mapigilan na kumulo ang dugo ko sa pagkainis. Nakuha pa talaga niya akong sisihin sa nangyari sa bahay nila? Siya nga itong nagsabi ng mga masasakit na salita!

"So, Thalia. I've been meaning to ask you this question. Who were you visiting in the hospital again?"

Ramdam kong tumingin sa akin si Asher, "Someone po?"

"Sinong someone?" Kaagad na tanong ni Asher. Gustuhin ko man siyang batukan ngayon dahil sa pageksena niya, hindi ko magawa dahil nasa harapan ko ang lola niya.

"Well someone's jealous." Pabirong bulong sa akin ni Mama Tori, pero dahil katabi ko si Asher, malamang at sa hindi, rinig ito ni Asher. "Sinong someone raw?" Mapang-asar pa niyang tanong.

Ayokong nagsisinungaling sa mga tao lalong lalo na sa mga taong malalapit sa puso ko. Alam kong dalawang araw palang kaming magkakilala ni Mama Tori pero sapat na yun para maging malapit siya sa puso ko kaya, "Relative po." Pagpapalusot ko.

Kumunot ang noo ni Asher sa hindi ko malamang dahilan. Si Mama Tori naman, napanganga. "Relative? Oh dear... are they okay?" Nag-aalalang tanong niya.

"Okay lang naman po." Sagot ko.

"That's very nice to hear." Kumento niya. "Can you pass me the soy sauce please?" Pakiusap niya habang ini-islice yung pagkain niya.

Iniangat ko ang braso ko upang kunin yung soy sauce na nasa gitna ng mesa, pero hindi ko nagawa dahil sa biglang pagsakit nito pati narin ang pagbangga ng kamay ni Asher na binalak ring kunin yung toyo "You get it." Sabi nalang ni Asher pagkatapos ng mahabang tensyon na dulot ng nangyari.

Ginawa ko naman ang sinabi niya at pilit na kinuha ang soy sauce, nagawa ko namang hawakan ito at iangat hanggang sa...

"What the f*ck?!" Napatayong sigaw ni Lance/

"Language, Lance!" Sita kaagad sa kanya ni Mama Tori.

Naramdaman kong umagos din ang toyo sa tyan ko, pero hindi ako kaagad nakaimik nang dahil sa pagkagulat sa nangyari.

Western Heights: Casanova's Propحيث تعيش القصص. اكتشف الآن