Chapter 9: Instant

1.8K 62 5
                                    

Pagkasabi ko noon, nangibabaw ang isang napakahabang katahimikan sa loob ng room namin. Wala kang maririnig na kahit sino na nagsasalita o kahit bumubulong man lang. Bagkus, lahat ay sa akin nakatoon ang pansin. Bukas pa nga ang bibig ng iba sa kanila dahil narin siguro sa gulat.

Sinamantala ko ang pagkagulat nila, at umupo na. Inilabas ko ang isang notebook ko, at nagkunwari na lamang ako na nagsusulat. Kahit wala naman akong gagawin sa pangalan ng prof namin at sa contact number na ibinigay niya, sinulat ko ng ilang beses para lang maiwasan ko kung gaano kabigat ang ere dito sa classroom.

Subalit hindi narin nagtagal, ay may humablot ng bigla sa notebook ko. "Peasant? Anong ibig mong sabihing peasant?" Tanong ng isang babaeng hindi ko natandaan ang pangalan. Magkakamukha lang kasi sila, para sa akin. Mapuputi na sobrang unat ang buhok, kung hindi man, yung buhok nila, maganda ang pagkakakulot.

"Peasant, as in peasant. Renaissance period?" Sagot ko sa kanya ng isa pang tanong.

"I know what it is, b*tch. Tinatanong kita kung anong ibig mong sabihin na peasant ka? You think you can just drop a bomb like that and act as if nothing happened?" Taas kilay niyang tanong. "Wow, you really are an attention seeker." Naiinis pa niyang dagdag.

Ako naman, napakunot lamang ang noo sa mga naririnig ko. Ano bang malabo dun sa sinabi ko? Kung alam nila kung ano ang Renaissance Period, hindi ba dapat naiintindihan na nila ako? Tsaka ano bang sinabi kong masama para tawagin niya akong b*tch, at alin ba sa sinabi ko ang tunog attention seeker sa kanila?

Tinignan ko sila, "Hindi ako mayaman, yun." Madaliang paliwanag ko sa kanila.

"Then why the hell are you here?!"

"Scholarship."

"What? Walang scholarship ang Western Heights, duh. Unless you're rich, you'll never go in. Plus, i don't like the tone you're using. Kung peasant ka nga, matuto kang lumugar."

Natameme na lamang ako ng sabihin ng isa sa mga kaklase ko iyon. "True. Matuto kang lumugar. You think you can just talk to our Nobles like you're someone in their level? Oh please." Dagdag pa bigla ni Rachel.

Sa sinabi niyang iyon, tsaka ko nalang naalalang nanunuod ang lahat sa amin. Na nasasaksihan ni Seb at ni Asher, ang dalawang Nobles ang nangyayari sa akin ngayon. At sigurado akong pareho silang natutuwa na pinagkakaisahan ako ng mga kaklase kong babae.

"Okay class, that's the bell. Enjoy your lunch!" Nagmamadaling anunsyo ng professor namin, na tila ba tinatakbuhan niya ang eskandalong nangyayari ngayon sa klase niya. Ni hindi ko man nga narinig yung bell, at hindi ko na namalayan ang oras.

Akala ko tapos na, akala ko lalabas na sila katulad ng ginawa nila kaninang recess. Pero hindi pa pala. Bagkus ay inilapit ng isa sa mga kaibigan ni Rachel and mukha niya sa tenga ko at bumulong, "Narinig mo yun? Lunch palang. We still have three hours to show you that you are not supposed to be here."

"Laters." Maarteng paalam sa akin ni Rachel, na tumalikod na rin at umalis pagkatapos kasunod ang mga alipores niya.

Nagsisilabasan na rin ang iba pa naming mga kaklase, pero hindi lingid sa kalaaman ko na kahit palabas na sila ng classroom, ako parin ang pinag-uusapan nila.

Huminga ako ng malalim, at pumikit. Tatlong oras. Tatlong oras na lang at makakalabas na ako mula dito.

Laking gulat ko na lang ng pagmulat ko, isang nakakabwisit na mukha na ang nasa harapan ko. "I heard that." Masaya niyang sabi. "So they'll make your life a living hell, huh?" Tanong ni Seb sa akin kahit alam na rin naman niya kung ano ang sagot.

Pinili kong wag na lamang siyang pansinin, tumayo na lamang ako at tumungo sa locker ko sa may likuran ng classroom. Binuksan ko ito, at hinablot ang lunch box ko mula roon. "Make sure I enjoy the show, okay?" Pahabol na sigaw ni Seb habang palabas ako ng classroom.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now