Chapter 7: Asher Lance Ynarez

1.8K 57 3
                                    

"Sagot na!"

"You're wasting our time here."

"Grabe, she's such  an attention seeker."


Maktol ng iilan sa mga kaklase ko nang wala paring kasagutan na lumalabas mula sa bibig ko. Lahat sila nakatingin sa akin, lahat ng mga kaklase ko liban na lamang doon sa isang lalaki sa likuran na nakatakip ang mukha at sa palagay ko ay mahimbing ang pagkakatulog. 

Habang tumatagal, pakiramdam ko lumiliit ang mundo. Naninikip ang dibdib ko, hindi ko alam kung dahil ba sa kaba, o dahil sobrang naiilang ako na lahat sila ay nakatingin sa akin.

"You've been hit by, you've been hit by, a smooth criminal!" Lahat kami sa lalaking kakadating naman ngayon tumingin. Nakasuot siya ng malaking headphones, at naka-cap na kulay red. Nagpatuloy pa siya sa pagkanta, habang papasok siya ng classroom.  Pero hindi ako nagrereklamo sa bigla niyang pagdating. Ang totoo pa nga niyan, nagpapasalamat pa ako.

Nang maliwanagan na siguro siya sa mga nangyayari, tinanggal niya ang earphones niya. "Oh I'm sorry, am I disturbing the class?"

"You do know na second subject na to, right Seb?" Tanong ng babaeng sobrang ginigisa ako kanina dito sa harapan.

"Is it? I thought I just heard the bell ring just now?" Nagtataka at tila nawawala niyang tanong.

"OMG, nagbell na? My god, it's recess already? We didn't even hear it ring ah." Sa itinanong ng isang babae sa likod noon, nagsipagtayuan ang lahat at nagmamadaling nagsipag labas sa pinto. Na pra banag nakalimutan na nilang nandon ako, at kani-kanina lang ay tinatadtad nila ako ng mga katungan.

Napatingin ako kay Seb na ngayon ay nagkakamot ng ulo niya. Ang akala ba niya, first bell yung narinig niya? Nakita ko siyang nagkibit balikat, at lumabas nalang din, kasunod ng iba pa naming mga kaklase.

Subalit hindi pa ako nakakahinga ng maluwag, ay may bigla nanamang nagsalita. "So, Thalia. You haven't answered my question yet?" Nakangisi parin na tanong nitong babaeng gustung-gusto ata akong nakikitang nagdurusa. Hindi pa pala siya umalis.

"Ka-kailangan ko ba talagang sagutin yang tanong mo?" Ang tanging naisip kong isagot sakanya.

Napatayo siya sa tinanong kong yon. "Wow ha, who do you think you are?" 

"Running round leaving scars?"

"Ha-ha? You think you're being funny now? Hey, transferee, know your place. If you can't even answer a simple question as the Hierarchy, I'm pretty sure you're hiding something." Sabi niya sa akin.

"Rachel, that's enough."


Natigil kaming dalawa nang marinig ang boses niya. Pero kaagad namang naka-recover itong si Rachel, at kaagad na napalitan ng ngiting pabebe ang mukha niya. "Asher."

Napakunot ang noo ko ng ibang pangalan ang sinabi niya. Tumingin ako doon sa nagsalita, upang siguraduhing tama ang pagkakarinig ko sa boses niya. "Asher?" Nagtataka kong tanong, na kaagad na sinagot ng isang matalim na tingin mula kay Rachel, na para bang pinagbabawalan niya akong sabihin ang pangalang iyon.

Asher?

Bakit parang pamilyar ang pangalan na iyon?

"Let's go." Maikling tugon ni Lance.

Pagkasabi niya non, lumabas na kaagad siya ng classroom ng hindi man lang ako tinitignan o pinapansin at hindi man lang hinhintay si Rachel. "Asher, wait!" Natatarantang sigaw nito.

Paglabas nila, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Naghanap ako ng upuan na wala pang bag na nakalagay, at doon ako umupo. Pag-upo ko, napahawak na lang ako sa noo ko. Mas mahirap pa ito kaysa sa inaasahan ko. Mas magulo pa ito kaysa sa inaakala ko.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now