Chapter 5: Kulay Tae

1.9K 62 4
                                    

"Teka nga, Brent. Bitawan mo nga muna ako." Naiinis na utos ni Boy Putik kay Sir Brent.

Sinunod ito ni Brent, at dahan-dahan na niyang binitawan si Lance. Ibinalik niya ang tingin niya sa akin, at nagmamadaling pumunta sa tabi ko. "Okay ka lang ba? Masakit pa ba yung paa mo?"

Tumingin ako sa paa ko, na ngayon ay nilalapatan na ng yelo ni Caitlin. Maging siya ay ramdam ang tensyon sa ere, at halos hindi siya kumikibo. Hindi ko naman siya masisisi, lalo pa't ngayon lang namin nakitang uminit ang ulo ni Brent. Bahagya akong umiling bilang sagot. "Hindi na. Okay na ako."

Tapos ay tinignan ko ulit si Lance, "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, kasabay rin ng tanong niyang, "What the f*ck are you doing here?"

Hindi ako natutuwa sa pagkakapareho palagi ng mga sinasabi namin.

"Insan, will you please calm down? Kita mo nang nasaktan mo na yung tao e." Awat ni Brent sakanya.

"Insan? Pinsan mo siya?" Hindi ko makapaniwala at hindi ko mapigilang tanong. Hindi ko rin iyon tanggap. Ang layo ng ugali nila sa isa't isa. Sobrang layo ng personalidad nila sa isa't isa! Parang langit at lupa, ganoon kalayo ang pagkakaiba. "Paano?"

Tumawa si Brent at hinawakan ako sa ulo, "Mukha ngang okay ka na." 

"Wait, Brent, how do you know this dirt?"

Aba't- "Watch your words, Lance."

Lumuhod ako at pinulot ang mga natirang tissue na hindi na nagawang pulutin ni Caitlin at tumalikod na sa kanila. "Sa staff room lang po muna ako, Sir Brent." Paalam ko sa kanya. Hindi ko na hinintay kung ano pang isasagot niya, nagmadali na lamang akong pumunta sa likod. 

Pagsara ko ng pintuan, kaagad kong niyakap si Caitlin na hinihintay ako.

Hinawakan niya ako sa likod at hinimashimas, para patahanin ako. "Sino ba yung walang modong yun?"

"Hindi ko rin alam. Basta nagkabungguan kami nung piyesta. Ganyan din yung ginawa niya halos nun e. Pero kasi ngayon-" Hindi ko magawang ituloy pa ang sasabihin ko, dahil sa hagulgol na lumabas mula sa bibig ko. 

Hindi naman kasi ako sanay na ipahiya at insultuhin sa harap ng maraming tao. Hindi rin ako sanay na sobrang hapdi ng paa ko dahil sa pagkakapaso habang nagyayari iyon. Tapos nakita pa lahat ni Sir Brent ang lahat ng iyon, kasama ng iba pa naming customer. Nung piyesta kasi, napakaraming tao at napakaingay, kaya hindi kami maririnig kahit gano pa kalakas ang bangayan namin. Pero dito sa Coffee Shop kanina, sobrang tahimik, pwera na lamang sa sagutan nila Lance at Brent pati narin ang mga tunog ng mga camera ng mga cellphone ng mga taong nanunuod.

"Ssh. Naiintindihan ko. Sino ba siya para mangmata ng tao? Sige.. gwapo siya. Oo na sige, saksakan siya ng gwapo, pero di ba? Anong karapatan niyang-"

Naputol ang sasabihin niya dahil sa pagpalo ko sa likod, "Kanino ka ba kampi? Ha?"

"Sayo, syempre. Pero ang gwaping naman kasi talaga e." Pagdadahilan niya.

Napailing na lamang ako habang pinupunasan ang mga luha ko sa mukha ko. "Alam mo, dapat hindi ako umiiyak dahil lang sakanya e. Hindi siya deserving sa mga luha ko."

"Aba't para naman talaga tayong ex-girlfriend magsalita ah? Pero true naman." Alam ko, mahirap talagang intindihin tong si Caitlin. Hindi man halata kung kanino siya kampi, sigurado naman akong sa akin. "Tsaka, alam mo, yung Thalia na kilala ko, mas matapang kaysa diyan sa inaasta mo. Kaya tama lang na narealize mo, na hindi siya dapat iyakan."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Dala lang siguro ng pagod to. Emotional daw kunwari." Biro ko, habang nanamlay parin ang boses dahil sa pag-iyak.

"Uy, kung may kailangan ka, lapit ka agad sa akin ah. Wag kang mahihiya." Sabi niya kaagad. Isa si Caitlin sa iilang nakakaalam sa estado ng pamilya namin. Hindi naman sa namumulubi na kami, nandun lang kami sa puntong nagkukulang na ang pera namin para sa aming tatlo sa bahay. Pero nagagawan ko naman ng paraan. "O ano? Masakit pa ba yung paa mo?"

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now