Chapter 25: Theme Park

1.7K 62 6
                                    




"By the end of this trip, I expect you to answer all the questions I've sent in your e-mails. Deadline is next week. That would be all, enjoy this trip!" Anunsyo ng Physics professor namin.

Tinignan ko yung buddy-buddy ko sa bus, ang nag-iisang Asher Ynarez. "Ganito lang din pala kayo magfield trip sa Western Heights no?" Tanong ko sa kanya.

"What did you expect? A bunch of limousines, helicopters or personal jets?" Sarkastiko niyang sabi. Nang makita niyang hindi ako natatawa sa sinabi niya, "Well, before our time, ganoon sila each student had their own means of transportation. But the board of educ thought that fieldtrips like these would be more effective as an outlet for learning."

"Totoo. Chaka mas nakaka-enjoy yung ganito."

"Masikip, kamo."

Natawa ako, "Di ka lang sanay. Palibhasa Noble."

"Yeah right, whatever." Sabi niya sabay suot sa mga earphones niya at nagsimula na siyang paglauran yung iTouch niya.

Kung hindi ko lang siguro alam na Noble si Asher, iisipin kong isang normal na bata siya. Ang laki kasi ng pinagkaiba niya kumapara sa ibang estudyante ng Western Heights. Masungit siya, oo. Mayabang, oo pero sa sarili lamang niyang paraan. Hindi siya nangmamata ng ibang tao, tulad ng iba dito. Siguro may mga pagkakataong ganoon siya, pero hindi iyon dahil sa masama ang ugali niya. Siguro dahil narin ito sa kinalakihan niyang kapaligiran. Bata palang siya, ganito na siya kayaman. Naninibago lang siya sa nakikita niyang estado ng ibang tao... kagaya ko.

At isa pa, si Asher, kahit papaano marunong humingi ng tawad. Paunti-unti, pakonti-konti, natutunan na niya itong gawin. Tapos, masipag siya. Sa cafe, ang akala ko noon, wala siyang gagawin kung hindi ang magpa-pogi. Pero taliwas sa inaasahan ko yung ginawa niya. Madalang lamang siyang nasa staff room, kasi lagi siyang nasa labas, nagttrabaho.

Pero kahit naiiba siya sa kanila, napansin kong hindi niya ito pinapahalata sa iba. Na hangga't kaya niya, yung Asher na may pagka-cold at hindi palakaibigan yung pinapakita niya. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, kung dati na ba siyang ganyan o simula lang nung maghiwalay sila ni Hyacinth o kung ano mang pangyayari sa buhay niya. Kaya naman kinatatakutan siya sa Western Heights, kasi may pagka-authoritative siya, bukod pa sa Noble siya.

Nasaksihan ko yun mismo, nung nagbalik kami sa Western Heights ng magkasama. Wala siyang sinabi, wala siyang ginawa. Pumasok lang kami ng magkasama, pero sapat na iyon para makuha ng lahat na wag akong lalapitan. O baka ako lang ang nag-iisip non?  Pati ngayon sa bus, walang nakaupo sa katapat naming row dahil ayaw daw niyang may katabi. E anong tawag niya sa akin? Multo?



Inilabas ko yung camera ko, itinutok ko sa amin ni Asher na nakapikit na ang mga mata at malalim na ang tulog. Hindi naman siya nakanganga, pero nakakatawa pa rin yung itsura niya.

*flash*

Lumabas yung film. Ipinatong ko yung camera ko sa desk na nakaattach sa likuran ng mga upuan ng bus. Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko sa malakas na pagtawa nang luminaw na yung picture namin.

Nang bigla na lang magising si Asher, "Andito na ba tayo?" Inaantok na tanong niya.

Itinago ko kaagad sa wallet ko yung film at nilagay ito sa bag ko. Kunut noo akong tinignan ni Asher, "Napano ka?" Nagtataka niyang tanong.

"H-ha? Wala naman."

Nanlaki ang kanyang mga mata, at nagpanic, "Wag mong sabihing nasusuka ka ah!"

"Hindi ako, baliw. Matulog ka na nga lang ulit diyan." Sabi ko sa kanya.Sinunod naman niya ako at muli niyang nilagay ang mga earphones niya sa tenga niya.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now