Chapter 1: The Show Girl

74.9K 1.4K 43
                                    

Hi! Salamat po sa mga naghintay. Sana po ay magustuhan niyo!
PS: Para sa mga katanungan, mag-join lang po kayo sa group (JhasMean's Stories: https://www.facebook.com/groups/JhasMeanStories/ ) and kung gusto niyo pong magpa-dedic, i-PM niyo lang po ako sa FB account ko: JhasMean Lib. Thanks!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1

Roussanne Shelkunova

"Roussanne, ayos ka na ba diyan?" Lumagok ako ng isang bote ng emeperador bago ako kumatok mula dito sa loob ng cake upang sabihing ready na ako. Napasinok pa ako dahil sa naging tama sa akin ng alak. Hindi ako umiinom ngunit ito ang kailangan ko ngayon. Ang magkaron ng lakas ng loob para susunod kong gagawin.

"Boys, are you ready?" Rinig kong saad ni Lily mula sa labas, gamit nito ang malandi at mapang-akit na tono na ikinahiyaw ng mga lalaki sa labas. Mariing napapikit ako at bumuga ng malakas na hangin na kanina ko pa kinikipkip.


Unti unting lumiwanag sa loob nitong box at nakita ko na wala na ang takip sa itaas. Hinagis ko ang bouquet na hawak at nilabas ang aking isang kamay na may puting lace gloves. I slowly get up at kahit hilo ay nagawa kong tumayo ng diretso. I heard all of them shout. Saying praises on how delicate my body is. Nagsimula ang isang pamilyar na tugtog, mabagal ito at tila nang-aakit ang tono, nagsimula akong sumayaw ayon sa tinuro sa akin ni Lily kanina. Bawat kumpas ng aking bewang ay naririnig ko ang hiyawan ng mga lalaki at nang tuluyan akong humarap sa kanila ay tila hindi sila makapaniwala.


Sino nga ba naman ang maniniwalang ang isang babaeng may napakaamong mukha ay ganito ang trabaho?


My grey-blue eyes landed on the guy Lily pointed. Siya ang kliyente namin. Ang groom na kailangan kong aliwin. Habang sumasayaw ay unti unti akong lumapit sa kanya. Nawala ang kaba sa aking sistema at nanatili ang mata ko sa lalaki. Kulay abo ang mata niya na bakas ang pagkaaliw  dahil sa ginagawa ko. I traced my fingers on his chest, down to his belt buckle. Kumapit ako dito at mas diniin pa ang sarili sa kanya, at ilang saglit ay naramdaman ko ang kamay niyang pumalibot sa aking bewang. Ang dalawa kong kasamang si Lily at Anna ay umalis na kasama ang dalawa ding kaibigan ng lalaking nasa harap ko ngayon.


"Magkano ang binayad sa iyo ng mga gagong iyon?" Hindi ako sumagot, imbis ay ngumisi ako sa kanya at kinagat ang aking labi. "I think it's enough for a night, right?"


Ilang beses kong sinisigaw sa aking isip na layuan siya ngunit sa tuwing maaalala ko ang kalagayan ng mga kapatid ko at ng Mama ko ay naitikom ko na lang ang aking bibig at pinaubaya ko na ang sarili ko sa lalaking kahit ang pangalan ay hindi ko alam.


"Doktora Barbie!" Napabalikwas ako nang may tumawag sa akin. Si Elizabeth pala iyon, hinihingal siya habang nasa braso si Ghost – ang Siberian Husky niyang aso – na walang malay. "Bigla na lang po siyang nanghina. Kaninang umaga naman masigla siya pero pagdating ko galling school, wala siyang gana. Sinubukan ko na siyang pakainin at laruin pero wala pa rin. Tapos bigla na lang siyang parang nagsuka."

"Sige, don't panic. Halika, iche-check ko siya." I gave her an assuring smile at kinuha sa kanya si Ghost, dinala ko ito sa exam room one at nilapag sa operating table. "Sit down, ako ng bahala."


Tumango si Elizabeth ngunit hindi naman niya sinunod ang aking sinabi kaya naman ay napapailing na pinuyod ko na lang ang mahaba kong kulay mais na buhok at sinuot ang stethoscope. Sinimulan kong pakinggan ang pagtibok ng puso ni Ghost, I already have a diagnosis ngunit kailangan ko muna itong gawin dahil kailangan kong makasigurado. Kinalas ko na ang earpiece ng stethoscope at pinalibot ito sa aking leeg. Kumuha ako ng gamot sa mahabang medicine cabinet, binasa kong muli ito at siniguradong ito ang gamot na hinahanap ko. I carefully measured the needed dose at saka lumapit kay Ghost, dahan dahang inangat ko ang ulo niya niya at pinainom sa kanya ang gamot.


Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon