Chapter 23: Advice

30.3K 816 23
                                    

           

Chapter 23

Roussanne Shelkunova

Kagagaling ko lang ng palengke nang makita ko si Alastair na nakatayo sa harap ng gate ng bahay ko at may dalang bulaklak.

Mag-iisang buwan na simula nang huling beses niya akong puntahan sa bahay, hindi ko maipaliwanag kung paano ko nagawang hindi siya kausapin sa loob nang isang buwan na iyon — given the fact that I'm almost always with him.
I've missed him so much. I always see him but I still miss him so much.
Gusto kong tumakbo palapit sa kanya kagaya nung huling beses na nandito siya sa bahay ko at yakapin siya, pero hinigpitan ko na lang ang hawak kong plastic at kinagat ang aking labi para pigilan ang sarili.

Alam ko sa sarili kong mali ang ginawa ni Alastair pero bakit kahit anong pigil, anong gawing pagbawal ko na gustuhin pa siya ay hindi ko magawa. Para bang natutuwa pa ang puso ko na bawal ang mahalin siya.


"I told you not to come here again." I told him, stoic, trying hard not to rush towards him and hug him. For the last month, I wasn't able to sleep peacefully. Puno ang utak ko ng imahe niya at sobrang ingay nito sa pagsigaw na hindi ko na dapat siya iniisip pa, dahil hindi dapat. Dahil mali. "Sinabi ko naman na sa'yo, 'di ba? I'll be civil. Pero hanggang doon na lang 'yon. We're over."

"I can't be civil, Roussanne, when all I ever want to do is hug you tightly. To be with you. Just listen to me, please, at pagtapos no'n, tsaka ka magdesisyon." Ayoko. Ayokong makinig. Dahil sa oras na makinig ako sa kanya ay lalambot na naman ang puso ko, hawak na naman niya ito, and I can't keep doing that. Hindi ko pwedeng ialay na lang parati ang puso ko sa kanya, dahil mali. Mali na isaalalay ang ang kasiyahan at kapayapaan ng puso ko sa ibang tao.
"It's months too late, Alastair." Naglakad ako patungo sa gate. "Alam ba ng asawa mo na nandito ka?"

"Yes. That's w—" I cut him off. Pinalilibutan ng galit ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Magkahalong sakit at galit. Proud pa siyang niloloko niya ang asawa niya.

"Leave or I'll call the security." Iyon lang ang sinabi ko at pumasok na sa loob ng bahay.


MARIING pumikit ako habang nakasandal sa pinto. Pilit na pinakakalma ang puso ko, hindi dahil sa bilis ng tibok nito kung hindi dahil sa hindi maalis-alis na sakit na nararamdaman ko dito. Gusto kong umiyak, para mabawasan ang sakit pero ayaw lumabas ng mga luha. Nanghihinang napaupo ako sa lapag.

Buti na lang ay naisali ko na sa schedule ko ang emotional breakdowns dahil kay Alastair. Dahil sa loob ng isang buwan, bigla na lang akong maiiyak nang walang dahilan, tuwing maiisip ko siya.

Isang oras matapos kong makita si Alastair ay umalis na ako ng bahay. Ngunit paglabas ko ay nandon pa rin siya, kung paano ko siya iniwan kanina ay ganon pa rin ang pwesto niya. Hindi ko na lang siya pinansin at iniwan siya sa harap ng bahay ko.

Bago ako makalabas ng subdivision ay sinabihan ko ang guard na h'wag papasukin ang sasakyan ni Alastair kahit kailan.


"Good morning, Roussanne." Bati sa akin ni Erika. Siya ang bagong vet sa shop. Three weeks na siyang nagtatrabaho dito, kaibigan ko mula sa Veterinary school ag nagbigay ng information niya sa akin.

"Good morning din," ngiti ko at nilapag ang gamit sa table ko.


Naghahati kami ngayon ng opisina dahil pinapaayos ko pa ang sa kanya. Sabin g nag-gagawa ay pwede na iyong gamitin in two more days.

Alastair wasn't the only reason why I was so out of focus for the last month. Sobrang dami lang talagang nangyari, especially with Chianti. It was a disaster. I was so worried that I couldn't function properly. Good thing she's fine now, physically nga lang. Kung okay siya emotionally, iyon ang sigurado kaming hindi. What happened almost a month ago ruined Chianti, at hindi namin alam kung paano namin siya matutulungan.



Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon