Chapter 10: The Call

42K 1K 21
                                    

Salamat sa paghihintay!

----------------------------------

Chapter 10

Roussanne Shelkunova

"Ate Roussanne." Yugyog sa akin ng isang pamilyar na boses. I shrug her away at nagpatuloy sa pagtulog. Maaga pa, hindi pa tumutunog ang alarm clock ko. "ATE!" Yumugyog ang kama at dahil sa nahihilo na ako ay bumangon na ako at minulat ang mata ko.

Kumunot ang noo ko at hinanap ang gumising sa akin. "Juliet?"

"Ay, hindi na ako kilala? May naghahanap sa'yo sa baba. Lalaki." Iyon lang ang sinabi niya at umalis na ng kwarto ko. Mabilis ko siyang sinundan.

"Juliet, may pasok ka pa ngayon ah? Anong ginagawa mo dito?"

"I flunk physics. Hindi na lang ako papasok, hindi rin naman ako gagraduate ngayon taon." Juliet's my youngest sister, and she have a habit of intentionally flunking her subjects dahil lang sa bored siya rito.

"Juliet naman..." Pagsuko ko sa kanya.

"Magtatrabaho na lang ako, ate. Ayokong mag-aral. Hindi ako matalino katulad niyo ni Rosalind." Paliwanag niya habang pababa kami ng hagdan.

"Walang taong hindi matalino ta--"

"Tamad lang. Alam ko. Pero sa kaso ko, ate, hindi talaga ako matalino. Magtatrabaho na lang ako." Sinimangutan ko siya.

"Anong makukuha mong trabaho? Kung iyong mga naka-graaduate nga ay hirap makahanap ng trabaho, eh. Juliet, naman. Pasasakitin mo ang ulo ni Mama dito, eh."

"Magaling akong mag-english. Mag-ca-call center agent ako. Diba si Ate Asti ganon ang trabaho? Pwede niya akong ipasok. O kung hindi pwede, maganda naman ako, mag-g-gro na lang ako." Tumawa siya sa joke niya pero hindi ako natuwa. Mahigpit na hinawakan ko ang braso niya at hinarap siya sa akin.

"Juliet, is this a joke to you?" Napangiwi siya sa ginawa ko, I saw how her arm turn red. Niliwugan ko ang pagkakahawak ko sa kanya at ngumiti. "I'm sorry. We'll talk about this later. You said someone's here?"


Tanging tango ang naging sagot niya sa akin at inunahan akong maglakad. Nang makarating kami sa sala ay hindi ko in-expect kung sinong nandoon. I thought it was just David pero mali ako. Nakaramdam agad ako ng irita nang ngumiti siya sa akin.


"Anong ginagawa mo dito?"

"I'm here to collect your payment. I'm free today." Ngitig ngiti pa siya habang sinabi iyon tapos ay nilibot ang tingin sa buong bahay. Naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Juliet.

"Ate, ang gwapo niya. Boyfriend mo?"

"Hindi. Pumunta ka sa kwarto. Hindi pa tayo tapos mag-usap." Nakangising umalis siya. Nakatakas na naman sa sermon. Hinarap ko si Mr. Delacroix. "Busy ako ngayong araw. Bukas ako free."

"I'm not free tomorrow." Nilibot niya ang paningin sa buong sala. "For a veterinarian, you have too many taxidermy."

"Wala kang pakielam, bahay ko ito at trip ko sa buhay ito. Bukas nga ako free."

"Hindi nga ako free bukas." Panggagaya niya sa akin. I stomp my foot in frustration at dinuro siya.

"Isang beses pa na sirain mo ang schedule ko, sisirain ko 'yang gwapo mong mukha! Maghintay ka diyan, maliligo lang ako!"


Sa loob ng dalawang linggo ay may dalawang araw akong libre, but he's always busy during those days, na para bang sinasadya niya lang magpaka-busy para lang magulo ang schedule ko. Padabog na pumunta ako sa banyo at naligo, gustung gusto kong tagalan ang paliligo para mairita siya but it will just add to my irritation too kaya hindi ko na ginawa pa. Twenty minutes lang ang kinunsumo ko sa paliligo at mabilis na bi-nlow dry ang aking buhok. Nagbihis ako sa kaswal na puting shirt, faded blue jeans, and white sneakers then I tie my hair into ponytail.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon