Chapter 15: The Talk

35.1K 871 21
                                    

Jhas: Hello! Since Chapter 15 na po ang story ni Roussanne ay anytime now ay i-a-update na rin ang book 3 *hiyawan* here's the link po: https://www.wattpad.com/130066270-exquisite-saga-3-syrah-krish-korkmaz-prologue kung hindi niyo po ma-click just search: Exquisite Saga #3: Syrah Krish Kormaz by modernbinibini. Thank you po and happy reading!
-----------------------------------
Chapter 15

Roussanne Shelkunova

"When I met you after the night we spend together, inalam ko ang lahat ng tungkol sa'yo pati sa pamilya mo." Pag-amin niya. "It's considered stalking but I didn't care. I just want to know everything about you. I probably know more about your family than you do."

Kumunot ang noo ko at muling uminom ng wine. "Anong ibig mong sabihin?"

Nilapag niya ang hawak na wine glass at kinuha ang sa akin. He held my hand and gently caress it. "Nakulong ang Daddy mo, Roussanne."

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa kanya ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak niya rito, nawalan na rin ako ng lakas para magpumiglas. I can feel my heart thumping so loud and fast. "Ano..?"

Hinawakan niya ang pisngi ko. "You should ask him. List--"

"Tell me now or I swear I'm going to punch you in the face!" Sigaw ko, kumikirot ang mga mata ko dahil walang humpay na naman ang pagtulo ng mga luha ko. Gamit ang isa kong kamay ay hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya. "Alastair, tell me what you know, please?"

He mutter something in a different language before he let go of me, tumayo siya at nagpabalik balik ng lakad until he reach his hand to me. Tinanggap ko ang kamay niya at tumayo. Dinala niya ako sa ikalawang palapag ng bahay niya at lumiko kami sa kaliwang pasilyo, sa dulo non ay may double doors, he open the door for me and let me enter. Napapalibutan ng libro ang buong kwarto, it's like the wall is made of book cases. May malaking office table sa kaliwang parte ng kwarto tapos ay may dalawang upuang nakalagay sa harap noon, opposite of the study table is a color beige sofa at kulay puting coffee table. Sinabihan ako ni Alastair na umupo sa sofa na ginawa ko naman, pinanood ko lang siyang may hinahanap sa sangkaterbang papeles sa ibabaw ng lamesa niya. Mukhang na-realize niyang wala roon ang hinahanp niya kaya napatango siya at lumuhod sa sahig, hindi ko siya makita mula sa kinauupuan ko pero naririnig ko ang pag-punch niya ng code, maybe, it's a safe.

Tumayo siya na may hawak nang makapal na papeles, ini-scan niya ang papeles habang naglalakad papunta sakin and when he stopped in front of me ay inabot niya sa akin ang manipis na papel. "It's you Father's files. Tungkol sa kaso niya."

Nilapag ko sa hita ko ang papel at tinitigan ang papel. Nakasulat sa unang pahina ang case number at kung ano ang kasong meron doon, my Father's name was written under the case number and his lawyer, nandon din ang pangalan ng nagsampa ng kaso sa kanya - pamilyar ang pangalan nito - pati ang abogado nito. "Attempted murder?"

Binuklat ko ang pahina at sinimulang basahin ang nilalaman nito. Binasa ko ang statement nang nagsampa ng kaso. He explained how my Father shot him with a pistol, the date, the time and even the people who witnessed it but according to my Father's statement, it was self-defense, siya raw ang pinagtatangkaang patayin he just protected himself. Pero walang pruweba, walang witness si Papa na magpapatunay sa sinabi niya.

"Samuel Sarmiento..." Iyon ang pangalan ng nagsampa ng kaso kay Papa. Pamilyar ang pangalan pero hindi ko matandaan kung saan ko iyon narinig. "Saan kita narinig?"

"He was one of your company's board of directors." Si Tito Samuel? But... He was so nice to us. As far as I can remember ay halos taon taon namin silang kasamang magcelebrate ng pasko at bagong taon. He's a family friend. "Ayon sa private investigator na kinuha ko, sinundan ni Samuel Sarmiento ang ama mo sa Russia at binalak patayin dahil sa dami ng pera'ng nawala sa kanya dahil sa bankruptcy ng kompanya niyo, totoong self defense ang ginawa ni Leonid, I talked to the witness, pero binayaran ni Sarmiento ang nakakita sa insidente habang ang baril na ginamit ay fingerprint lang ni Leonid ang nakita."

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon