Chapter 16: The Choice

38.6K 892 24
                                    

Chapter 16

Roussanne Shelkunova

"Hayy! Asti, tubig nga!" Nakabukakang umupo sa sopa si Syrah pagdating namin sa apartment ni Asti. Galing kaming mall para mamilinng ilang gamit naminnpapuntang Hong Kong. Wala naman kaming ginastos dahil kumupit kami sa pocket money na binigay ni Gaige Hendrix. Sosyal nga 'yun, may plane ticket kami papuntang Hong Kong tapos may pocket money pa kaming tatlo, hindi lang bastang pocket money dahil fifty thousand each kami. Bukod ata sa coffee beans ay may taniman din si Gaige ng pera.

"Ito na po mga senyorita." Sabay naming kinuha ang baso ng tubig kay Asti at inisang inom iyon. "Bukas babayaran ko na ang renta ko para sa susunod na dalawang buwan." Nagniningning ang mata ni Asti habang sinasabi iyon.

"Ano pang ipanggagastos mo sa Hong Kong?" Tanong ni Syrah habang inuusisa ang mga plastic bag na nasa lapag, hinahanap ang chocolates na binili namin.

"Sa inyo na lang 'yung ticket, wala naman akong gagawin sa Hong Kong." Hindi na ako nagsalita pa, hinayaan ko na lang si Syrah na talakan si Asti kahit alam naman niyang hindi na magbabago pa ang isip nito. Para kay Asti, kapag pumunta siya ng Hong Kong ay hindi siya magkakaron ng kita. Kakailanganin niyang mag-leave sa trabaho, at kapag wala siyang kita, wala siyang pambayad sa lahat ng gastusin niya, kaya nga ang laki na lang ng inis niya nang malaman niyang kinausap ni Gaige ang Exquisite at halos dalawang linggo kaming off.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Chi, tinanong ko kung may nangyari na sa kanila ni Gaige. Hindi naman siya nagreply. Kahapon ko pa siya kinukulit sa messenger pati sa iMessage pero hindi siya sumasagot. Baka meron na nga, tapos hindi na sila umalis ng kama. Humagikgik ako sa naisip.

"Anong meron? Baliw ka na," puna ni Syrah.

"Naisip ko lang, simula kahapon ay hindi pa nagpaparamdam si Chi, baka na-stuck na sila ni Gaige sa kama." Nanlaki ang mata ni Syrah at pumalakpak, si Asti naman ay tumango at kumain ng tsokolate habang nakaupo sa lapag, nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil basta na lang niyang kinagat ang tsokolate, hindi by block.

"Magkaka-little Chianti at little Gaige na! Isip na tayo ng pangalan." Bastang tumalon si Syrah mula sa sopa pababa at kinalkal ang drawer sa patungan ng TV ni Asti, may kinuha siya roong papel at iba't ibang kulay na sharpie. Naupo na siya sa lapag at pinatong ang panulat sa coffe table, inabutan niya kami parehas ni Asti ng papel at tig-isang sharpie. "Brainstorming!"

"Pass. Kayo na lang," Ani Asti at pinagpatuloy ang pagkain. Dumila sa kanya si Syrah na ngising asong lumingon naman sa akin. Natatawang tumango na lang ako.

"Maganda kung kapangalan din natin." Suhestyon ni Syrah.

"Loka loka! Anak mo?" Nagsulat ako ng mga pangalan mula sa mga librong nabasa ko. Nakahanay ang mga panlalaki at pambabae, at maayos ang pagkakasunod-sunod.

"Angel Clare ang magandang pangalan. Kapangalan ng bidang lalaki sa librong hiniram ko sa'yo." Tumango ako. Nakasulat din iyon sa listahan ko. Umayos ako ng upo, sa may armrest na lang nakapatong ang papel dahil umunan sa binti ko si Asti at natulog. Tahimik kaming naglilista ni Syrah nang mag-ring ang telepono ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Chi. Sinagot ko ang tawag at bumungad sa akin ang iritadong mukha ni Chi.

"Anong problema?" Tanong ko. Nagising si Asti at dinungaw ang phone ko habang si Syrah ay nagsumiksik sa aking tabi. "Si Gaige?"

"Malay ko. Kamusta?"

Sabay kaming sumangot. "Okay lang. Kamusta ang honeymoon?" Mapang-asar pang tumili si Syrah.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon