Chapter 17: The Night

37K 862 15
                                    

Chapter 17

Roussanne Shelkunova

"Hey, what's the problem? You haven't touched your food." Puna ni David, nasa isang restaurant kami sa may Dasma. Dito kami dumiretso nang sunduin niya ako at simula pa kanina na magkasama kami ay panay ang pananahimik ko, wala rin akong ganang kumain. Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Pagod lang ako. David, may kailangan akong sabihin sa'yo." Kagat kagat ang labi kong saad, nakita ko ang pagtiim ng bagang niya at tumango sa akin. Binayaran na niya ang pagkain namin at umalis na kami sa restaurant, hindi siya nagsasalita at hindi rin ako nagtatanong. Umalis lang kami ng mall at nagmaneho siya, hindi ko naman alam kung saan kami papunta. Tahimik lang kami parehas. Takot akong kausapin siya dahil alam kong alam niya ang gusto kong sabihin.


Makikipaghiwalay na ako kay David. Ayoko ng magsinungaling, ayoko rin siyang paasahin. Alam kong posibleng dumating ang panahon na matutunan ko rin siyang mahalin pero hindi sa ganitong sitwasyon, iyong ang dami na niyang in-invest sa akin, dinadala na niya ako sa pedestal, ang dami na niyang binigay sa akin habang ako ay nagdadalawang isip pa sa nararamdaman ko, ayokong paasahin siya sa bagay na walang kasiguraduhan.

Tumigil ang sasakyan dahil sa bagal ng traffic, ang dalawang kamay ni David ay nakakapit sa manibela at tutok ang mata niya sa harap. Malalim akong huminga at hinawakan ang braso niya, lumingon sa akin nang nakangiti.


"I'm sorry, David." Tumango siya at inalis ang kamay ko sa braso niya para hawakan ito, pinisil niya iyon at hinalikan.

"It's alright, Roussanne, I still love you." Umiling ako, bumagsak ang luha mula sa mata ko at paulit ulit na nag-sorry sa kanya. "Ihahatid na kita sa bahay mo."


Hindi niya binitawan ang kamay ko habang nagmamaneho, at gumaan ang pakiramdam ko dahil doon, pero mas lalo rin akong nasaktan. He's assuring me that what I did was alright eventhough I know it's painful for him. David has always been a gentleman, kahit ang paghalik sa akin ay tinatanong pa niya kung okay lang, ipagpapaalam pa niya ang paghawak sa kamay ko, malambing ang pagyakap niya... He's a nice guy, at ewan ko ba kung anong problema sa akin kung bakit hindi ko minahal ang lalaking kasing buti niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto pagbaba niya ng sasakyan, madilim na at tanging ang pagkahol ng aso ng mga kapitbahay ang nagbibigay ingay sa buong subdivision. Nakatayo kami sa tapat ng gate ng bahay ko, hawak pa rin ni David ang kamay ko habang magkaharap kami.


"I'm really sorry, David." Muli kong saad, hinaplos niya ang pisngi ko at malungkot na ngumiti. Parang pinipiga ang puso ko sa ginawa niya.

"It's okay. I'm okay." He assured me again. Umiling ako.

"Maiintindihan ko kung ititigil mo na ang pagbabayad sa Exquisite, oka--" he kissed my lips, dampi lang iyon at halos hindi ko naramdaman.

"I'll continue paying them until your contract ends. I want you out of that hell hole, Roussanne." Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at magaang pinisil iyon.

"Why are you doing this? I hurt you..."

"Because hurting me won't change the fact that I love you. I care for you, Roussanne, and I'll protect you." Parang ulan na sunud sunod na bumuhos ang luha sa mata ko. Why did I hurt a person like him? Why didn't I just fall in love with him? Kung natuturuan lang ang puso ay si David ang pipiliin ko, hindi ko siya sasaktan. Kung may iba lang na paraan para hindi ko siya masaktan... "But promise me one thing, Roussanne."

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon