Chapter 22: Rafael

30K 762 9
                                    

           

Chapter 22

Roussanne Shelkunova

"Pusa!" Sigaw ko nang makita na alas-nueve y media na ng umaga. Bastang iniwan ko ang kama at dumiretso sa banyo, hindi ko nagawa pang itiklop ang marumi kong dmait madaling naligo. Mag-a-alas tres nan g madaling araw na ako nakatulog dahil sa schedule ko ngayong araw.

"'Wag ka ng mag-isip, Roussanne, late ka na!" Saad ko sa sarili at nagbanlaw.


Sobrang late na ako sa trabaho. Paano ko ipapaliwanag sa kliyente ang pagkansela ko sa schedule nila ng wala man lang pasabi?

Hindi ko na bi-n-low dry pa ang buhok ko dahil lalo lang akong ma-le-late. Kinuha ko lang ang gamit ko at nagmadaling pumunta ng shop. Hindi ko alam kung nasunod ko pa ang speed limit dahil ang usual na travel time ko mula sa bahay papunta shop ay mas maaga ngayon ng labing-limang minuto.

Hindi ko na inabala pang i-park ng maayos ang sasakyan ko at nagmamadaling pumunta sa shop. Si Marites ang sumalubong sa akin at mukhang nagulat pa siya sa itsura ko. Kahit hindi ko tignan ang sarili alam kong sobrang gulo ng itsura ko, basa pa ang buhook ko at ramdam ko rin na nabasa na ang likuran ko.


"Doc, nasa examine room na po si Viola at Legolas." Tumango ako sa kanya at inabot ang bag ko. Binigay naman niya ang coat ko sa akin. Tinali ko rin ang basa kong buhok.


Ilang beses akong bumuntong hininga bago pumunta sa examine room na sinabi sa akin ni Marites, at sa loob nito ay nandon sila Legolas at Viola, kasama ang asawa ni Alastair.

As it turns out, Amanda bought Legolas, the day that I first met her husband.


"Mrs. Delacroix," bungad ko habang hinihingal pa.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at ngumiti, "You're late. Ang sabi sa akin kahit kailan ay hindi ka na-le-late."

"Sorry. Somethin—"

"You don't have to explain," nakangiti pa rin siya. "Si Legolas kailangan lang maypa-checkup kasi noong isang araw may nakaaway na ibang aso, he got bitten by the dog. Habang si Viola naman, sobrang tamlay and Al told me that she probably just miss you."

"Ah, madalas kasing pumupunta rito sila Mr. Delacroix, nasanay siya masyadong nakikita ako." Nilapitan ko ang dalawang aso; mukhang nakilala ako ni Legolas at agad na nanlambing.

Mahinang tumawa si Amanda, "Gaya nga ng sabi sa akin."


Ang una kong inasikaso ay si Legolas. May pilay at may sugat siya sa may bandang tyan. Pinalitan ko lang ang benda ng sa binti niya at inayos ang dressing ng sugat niya. Matapos ay pinaupo ko siya sa isang tabi at kinuha naman si Viola.

Masyadong tahimik si Amanda. Nakaupo lang siya sa tabi at nagbabasa ng dyaryo.


"Oo nga pala. Salamat pala sa pagbili m okay Legolas." Saad ko. Abandoned dog kasi si Legolas, may edad na rin kaya walang bumibili sa kanya.

"Well, I needed a dog and Rafael told me about this place. You know Rafael, right?"

"Rafael?"

"Yes. Siya ang nag-suggest ng lugar na 'to sa akin. Isn't he a client?" Pumiksi ako sa salitang 'client'

"He was..." Tanging nasagot ko. "Paano mo nga pala siya nakilala?"

"Ex-fiancé siya ng kaibigan ko," 'yung dapat pakakasalan ni Rafael pero iniwan niya para sa akin. "I hated him, dahil iniwan niya ang bestfriend ko but he's a good business man so I remain civil with him."

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaWhere stories live. Discover now