Chapter 11: The Dilemma

37.8K 969 23
                                    

Baka po walang update next week. Thanks!

---------------------------------------------------------

Chapter 11

Roussanne Shelkunova

May Salmon at kung anong gulay sa plato, may lettuce sa gilid na may sauce at potato. Hindi ko alam kung anong tawag sa niluto niya pero maganda ang itsura at mukhang masarap. Ang tagal na rin nang huli akong kumain ng salmon. Naglapag ulit siya ng isa pang plato sa harap ko, iyon siguro ang sa kanya. Natakam ako sa amoy ng pagkain. Kumuha siya ng wine mula sa mas maliit na refrigerator na nasa kusina.


"Roussanne," ngumiwi ako, siya naman ay grabe kung makangisi sa akin. Nagsalin siya sa kopita. "Let's eat."


Nakayukong kumain ako, pilit na iniiwasan ang titig niya but it's just too strong. Ramdam na ramdam ko ang tinging niya sa akin, ang mata niya na halos silipin na ang buong kaluluwa ko. Tumingala ako at tinignan siya, sumisimsim siya ng wine habang ang mata niya ay nakatuon pa rin sa akin. His eyes are glistening with playfulness. Nakipasukatan ako ng titig sa kanya pero sa huli ay ako ang sumuko, nakaka-intimidate ang mata niya.

Tinawanan niya ang naging reaksyon ko. Hinayaan ko na lang siya, in-enjoy ko na lang ang masarap na pagkain. Nauna pa akong matapos sa kanya dahil sa gutom at dahil sa sobrang sarap talaga ng niluto niya. Uminom ako ng wine at pinanood siyang kumain. Hindi siya naiilang kahit na bawat kilos niya ay sinusubaybayan ko. Ako lang ata ang may kakaibang reaksyon sa kanya.

Nagpaalam ako sa kanya na lilibot muna ako sa bahay niya, hinayaan naman niya ako. Ang bagal niyang kumain, nakakainip maghintay. Pumunta ako sa may sala, wala namang espesyal, bukod sa may fireplace rin ang bahay niya -- dahil malamig dito sa Tagaytay. Isang mahabang puting sofa at dalawang single sofa ang meron, sa pader ay may nakakabit na TV, sa ibaba non ay may DVD at sa giliid ay may malaking speaker.  Sa tabi ng bawat speaker ay may maliit na rack kung saan nandoon ang mga DVDs niya. I scanned it all, puro mga classic movies at documentaries -- Count Monte Cristo, To Kill a Mockingbird, 1930s version ng Anne Frank. Ang pinaka-recent niyang DVD ay documentary about kay Fred Leuchter. 


"Kaya pala ako ang ginagawa source of entertainment, boring pala ang life. Ang malas ko naman." Binalik ko sa pinaglalagyan ang DVD pero nang mapansin ko wala sa pagkakasunod-sunod ng date ang movies ay pinakielaman ko na iyon. Inalis ko ang lahat ng DVD sa rack at inayos according to date. Hindi magandang mangielam ng gamit ng iba pero hindi ko kayang hayaan ang gamit niya na ganon. Things should be organized, mas madali ang buhay kapag organisado ang lahat

"What are you doing?" Nilingon ko si Alastair, may dala siyang tray na may lamang teapot at dalawang tea cups. Nilapag niya iyon sa coffe table at naupo sa sopa.

"Inaayos lang. Hindi naka-order..." Tinuloy ko ang ginagawa ko. Nasa pangalawang lalagyanan na ako ng DVDs at prenteng nakaupo pa rin sa lapag.

"Ibalik mo sa dati." Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi niya. Dahan dahan ko siyang nilingon, naka-dekwatro siya sa sopa at komportableng nakasandal. Mukha siyang modelo sa pwesto niya. He looks great without trying so hard and I hate myself for saying that. "I appreciate your effort but I like how it was organized."

"It's not even organized." Protesta ko. Inulit niya ang sinabi niya at sa huli ay wala rin akong nagawa. Nanginginig ang kamay ko habang binabalik sa hindi pagkakaayos ang mga DVDs, halos hindi ko maangat ang kamay ko. Kung gaano ako kabilis kanina ay ganon naman ako kabagal sa pagsalansan pabalik nito sa dati. Nang matapos ako ay nakayukong umupo ako sa sopa na malayo kay Alastair Delacroix. Ang weird ng pangalan niya, ano kayang lahi niya? Siguro ay Pranses siya, base sa apelyido niya.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon