Chapter 30: End

35.7K 883 22
                                    

JhasMean: Thank you po sa paghihintay, at salamat din sa mga nagtyaga sa mas mabagal pa sa pagong kong pag-u-updates. Salamat at nakaabot kayo sa chapter na ito. Next po ay epilogue na.

PS: I might make some changes sa book na ito, pero after na po na matapos ang buong book (or Saga hihi)

THANK YOU, (next)! Charot

————

Chapter 30
Roussanne Shelkunova

"Para kang buntis," komento ni Syrah pagkadating ng in-order kong Earl Grey na milktea.
"Wait, buntis ka ba?" Nanlalaki naman ang mata na tanong ni Chianti na medyo may umbok na ang tyan, buntis kasi ito sa pangalawang Anak nila ni Gaige, and as expected, kahit buntis ay maganda pa rin si Chi, and she looks even more beautiful dahil sa glow ng mga mata niya, obvious ang kasiyahan at contentment sa mga ito.
"Joke lang! Paano mabubuntis yan, eh nagsara na ata--" sinipa ko ang paa niya bago pa niya matuloy ang sasabihin. "Nananakit? Ganyan ba ang resulta ng walang sex life?"

Humagalpak ng tawa si Asti dahil sa sinabi ni Syrah, ganon din ang buntis na si Chianti na halos gumulong dahil sa kakatawa. Inirapan ko na lang sila.
Alastair and I decided to take things slowly. Napag-usapan namin iyon pagkagaling namin sa Quezon, we took it so slow na inabot ng halos anim na buwan bago kami maghalikan and it was only just a peck on the lips. It doesn't bother me, mas gusto ko nga iyon, ayokong magmadali, I don't think I'm ready to be physical with anyone right now, at kahit mahal ko si Alastair ay ayoko pa.
Syrah knows about it, siya lang kasi ang nang-usisa sa akin, at ginagawa niyang joke ang setup namin ni Alastair.

"Seryoso ba? Pero nag-kiss na kayo?" Tumango ako. "Like hot make out session?"
Umiling ako. "I think we're too old for make outs."
"Talaga naman! Dahil ang mga nasa edad natin, sex na ang ginagawa, maraming maraming sex. Sigurado ka, hindi mo na-mi-miss?" Na-mi-miss, gusto ko rin naman pero hindi pa ako handa ulit, besides, hindi rin naman nagsasalita si Alastair tungkol doon. "So waiting kayo? Hanggang sa ikasal?"
"Hindi ko alam... bahala na. Bakit ba sex life ko ang topic natin." Pag-iiwas ko sa topic.

Napag-usapan na namin ni Alastair ang possibility na magpakasal kami, kaswal na pag-uusap lang dahil may napanood kaming kinakasal sa telebisyon pero hindi pa namin napag-uusapan ng seryoso, hindi pa rin siya nagtatanong; hindi ko rin naman alam ang isasagot ko kapag nagtanong na siya ngayon, I feel like I would say, "yes" pero mahirap sabihin unless he ask me.

Sa bahay ko dito sa Cavite ako umuwi, dapat ay ibebenta ko iyon pero dahil sa malayo ang Quezon sa Cavite, I decided to keep it, lalo na dahil sa trabaho ni Alastair. Sumasama kasi ako sa kanya tuwing kinakailangan niyang bumalik sa Cavite, we also bought a condo sa Manila — dahil din sa trabaho niya.
One year, three months, and five days after kaming magkaayos ni Alastair ay naayos na ang annulment niya, lagpas isang taon na rin siyang hindi na kasal. Wala namang sama ng loob si Amanda, she is actually happily engaged right now sa isang Scottish man na nakilala niya sa trabaho niya sa New York, doon na rin siya magsesettle lalo na ngayon na buntis na siya sa una nilang anak.
I'm happy that everyone's finally have the peace they were asking, ang saya at gaan lang sa pakiramdam na lahat ng taong nasa paligid ko ay kuntento na at masaya, dahil lahat naman sila ay deserving na maging masaya at malaya sa mga bagahe na siyang dahilan kung bakit hindi nila marating ang lugar na gusto nilang puntahan; I'm happy that I'm not the only one who was able to let go of that baggage but also them.

"What do you want for dinner?" Tanong ko kay Alastair na kausap ko ngayon mula sa kabilang linya. Nasa byahe siya ngayon galing ng Manila; lumuwas siyang kaninang umaga, I wasn't able to come dahil nakipagkita ako kila Syrah.
"Steak, please. Well done. How was your lunch with your friends?" Nilabas ko ang steak na galing sa freezer at hinayaang ma-defrost sa sink.
"It was great. Wala naman masyadong i-cacatch up dahil halos araw araw naman kaming nag-uusap thru social media." Kumuha ako ng maliit na pot at nilagyan iyon ng tubig para sa gravy ng steak. "By the way, are you driving? I told you not to call me while you're driving."
"It's fine, It's on loud speaker."
"Still," Binuksan ko ang stove at pumamewang, at kahit hindi nakikita ni Alastair ay sumimangot dahil sa ginawa niya. "It's not safe."
"Okay, okay..." Tumawa siya, I immediately smile because of the way it sounded, napaka-puro at sinsero. "I'd probably be there in two hours, since the traffic is not good."
"Okay, take care."

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon