Chapter 13: The Confusion

37.1K 905 19
                                    

Susubukan ko po ulit mag-update weekly. Pasensya na po talaga, busy lang sa work. Salamat po sa paghihintay! :)

PS: May dinagdag po pala ako sa last chapter. Isang line lang naman po. Salamat ulit. :)
----------------------------------

Chapter 13

Roussanne Shelkunova

"Ma'am," dumungaw sa pinto si Marites, puno nang pag-asang tinignan ko siya pero kaagad na bumagsak ang balikat ko ng umiling siya.

"Okay, salamat."

Napatitig ako sa digital sa lamesa ko, 10:30 na. Walang Alastair at Viola na dumating. Tatlong araw na ang nakalipas nang sabihin niyang gusto niya ako, at simula non ay hindi na siya pumupunta sa clinic katulad nang parati niyang ginagawa. Kumuha ako ng cake sa pantry at inis na kumain. Aayusin ko na naman ang schedule ko. Hindi ko na nga sinunod ang schedule kong off ngayong araw sa pagbabakasakaling dumating siya ngayon, pero hindi pa rin. He's maybe avoiding me.

Naubos ko ang isang buong strawberry cake at umalis na. Nagtext sa akin si Julietb at sinabing gusto ni Mama na mag-lunch kami ng sabay. Umuwi ako sa bahay at laking gulat ko nang may isang sasakyan na nakaparada sa tapat. I entered the house at naabutan kong nagtatawanan sila Mama, Juliet at Rosalind habang nasa kusina, nandon din si Leonid na siyang nagluluto at nagkukwento sa kanila.

"Akala ko ba buong pamilya? Anong ginagawa niya rito?" Umupo ako sa highstool katabi ng mga kapatid ko.

"Kasabay natin si Papa, Ate. Magaling pala siyang magluto!" Tuwang tuwa si Juliet sa nalaman, si Rosalind naman ay tipid na napangiti lamang. Walang alam si Juliet sa nangyari noon, sobrang bata pa niya, at siguradong kung may naaalala man siya, malabo pa ang lahat, kaya mas madali sa kanyang tanggapin ang sitwasyon. Habang si Rosalind naman ay gagawin ang lahat mapasaya lang si Mama, kaya ko rin namang gawin 'yun, pero mahirap para sa akin. Tanggap ko ng bumalik si Leonid, okay lang sa akin ang makita siya, pero hindi ko pa kaya ang makasabay siya sa hapag. I need more time.

"Gumawa ako ng Tempura, paborito mo iyon, 'di ba?" Nakangiting tanong ni Leonid. Gusto kong suklian ang ngiti niya, pero hindi ko magawa, namamayani sa akin ang galit. Umalis ako sa pagkakaupo ko at tinalikuran sila.

"Saan ka pupunta, Roussanne?" Tanong ni Mama.

"Kila Asti, may usapan na pala kami." Umalis na ako at habang nasa sasakyan ay tinawagan ko sila Asti at tinanong kung Aroma Cafe pa rin sila ngayon, kanina kasing umaga ay nag-aya si Chianti na pumunta sa Aroma para sa lunch - na pinagtaka naming lahat kasi bihira siyang mag-ayang lumabas - pumayag sila Asti at Syrah habang ako ay tumanggi dahil nga sa gusto kong hintayin si Alastair tapos ay nag-aya ng lunch sila Mama.

"Oo. Pupunta ka?" Naka-loudspeaker ang phone ko habang kausap sila.

"Oo. Pa-order na rin ako ng cake at chamomile tea. Salamat!" Wala pang kalahating oras ay nasa Aroma na ako, nasa usual spot silang tatlo at umupo kaagad ako sa palagi kong inuupuan at nagsalin ng tsaa sa tasa ko. Nilanghap ko kaagad ang amoy ng tsaa at medyo umayos ang pakiramdam ko.

"Roussanne, you wouldn't believe what she Chianti told us! Kikiligin ka lalo kay Gaige." Tipid na ngumiti ako at pinakwento ulit kay Chi ang nangyari kahit na wala naman ang atensyon ko sa kwento niya, ang alam ko lang ay tungkol iyon sa party at may sinuntok daw siya na pinsan ata ng lalaki.

Maraming kinwento si Chianti pero ang atensyon ko ay nasa tasa lang ng tsaa. Hindi ko gusto ang lasa ng tsaa dito sa Aroma Cafe, iba ang lasa sa pinaiinom sa akin ni Alastair at doon sa Cafe na pinuntahan namin dati.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon