Chapter 12: The Lie

37.3K 923 22
                                    

Pasensya na po kung matagal akong hindi nakapag-UD, naging busy lang po sa work. Salamat po sa paghihintay!
------------------------

Chapter 12

Rooussanne Shelkunova

Bumalik kami ni Alastair sa bahay niya, hinandaan niya ako kagad ng tsaa. Lemon balm daw iyon, makakatulong daw para kumalma ako, at parang magic naman ay pakiramdam ko ay bumuti ang lagay ko. Tumigil na ako sa pag-iyak, hinahabol ko na lang ang hininga ko dahil sa sunod sunod kong paghikbi.

"Are you alright?" Tumango ako at muling humigop ng tsaa. Matamis tamis nag tsaa na binigay niya ngayon, nilagyan niya kasi ng honey. "Are you sure?"

"Oo. Ano nga palang ginagawa mo sa subdivision?" Umawang ang bibig niya at umiling.

"May sasabihin sana ako pero hindi naman importante. Do you want more tea?" Kinuha niya ang pot at sinalinan ang tasa ko.

Ayoko na ng tsaa. "May cake ka?"



Tumango siya at umalis. Mabilis naman siyang nakabalik, may dala siyang isang box ng cake at may nakapatong sa box na dalawang platito, tinidor at pang-cut ng cake. Naglagay siya ng cake sa isang platito at inabot iyon sa akin, pero hindi ko iyon pinansin at kinuha ang mismong cake at doon kumain. Nagulat siya sa ginawa ko, nagkibit na lamang ako at tumayo. Umupo ako sa lapag, sa tapat ng malaking bintana, sa harap ng magandang view. Medyo madilim na at mukhang magsisimula nang lumubog ang araw dahil sa kulay kahel na kalangitan.

Napatitig na lamang ako sa mga ulap habang kumakain, inaalala ang mga nangyari kanina.

Dumating si Papa... After nine years ay bumalik siya. Galit ako pero hindi ko maikakaila na namiss ko siya, at iyon ang mas masakit na tanggapin, na kahit siya ang may dahilan sa lahat ng ito. Kung bakit ako nandito... Kung bakit ako naging ganito... Ay may parte sa akin na gusto siyang yakapin kanina nang sobrang higpit. I want to just have him wrap his arms around me and make feel secure and safe. I want him to hug me.

"Are you sure you're alright?" Naupo si Alastair sa tabi ko, nilapag niya ang pot at tasa sa tapat naming dalawa.

"Oo. I've experience worse, kaya ko 'to." Ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagkain. "Salamat nga pala, huh?"

"May kapalit 'yan," ngumuso ako sa sinabi niya at awtomatikong umirap. Nanlaki pa ang mata ko sa nangyari.

"Nakita mo 'yun? Umirap ako?" I tried doing it again pero hindi ko na magawa ulit. Bumuntong hininga na lang ako. "Nevermind. Ano naman ang kapalit ngayon?"

"answer me truthfully, are you alright?" Saglit na natigilan ako tapos ay tumango. "I said truthfully. Kung nasa korte tayo ay pwede kang makulong sa pagsisinungaling."

"Ang dami kayang nagsisinungaling sa korte!" Pagrarason ko.

"Witholding an information is not lying." I snorted. Anong pinagkaiba non? Witholding an information means you're not telling the truth, and that's how lie works. By not telling the truth. Anong pinagkaiba non? "Are you alright?" May diin na sa kanyang boses pero bakas pa rin ang pag-aalala doon.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinaling ang mukha ko sa kanya, nagtama ang mata namin, and just by looking at his eyes, it feels like I already handed him the truth, every truth about me. Every deepest and darkest secrets, I surrendered to him by just one glance. Pumatak ang luha mula sa mata ko kasabay ng aking pag-iling. Niyakap niya ako kaagad.

I felt secured and protected. He keep saying "shush" habang hinahaplos ang buhok ko. Ang init sa bisig niya, ang komportable sa pakiramdam, and for ten years, ngayon na lang ulit ako naging komportable sa ibang tao, bukod sa pamilya ko ay ngayon na lang akong naging ganito kakomportable.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon