Chapter 20: The Downfall

31K 847 39
                                    

Note: SOBRANG SORRY PO. Busy po ako mag-adulting. 

Chapter 20

Roussanne Shelkunova

"Nasa ospital na raw si Chi sabi ni Gaige." Paliwanag ni Asti. Sumakay kaming tatlo sa sasakyan ko, Sa passenger seat naupo si Asti habang si Syrah ay may galit sa mukhang naupo sa likuran. Ako na ang nagmaneho papuntang ospital dahil sa aming tatlo ay ako lang ang kalmado, Asti's so worried while Syrah's mad. Hindi ko alam kung galit ba siya sa dumukot kay Chi o kay Gaige na pinagmumura niya kanina sa telepono.


Tatlumpung minuto ang tinagal bago kami makarating ng ospital. Tinakbo naming tatlo ang room number na binigay ni Gaige sa amin. Sa labas ng kwarto ni Chi ay may dalawang lalaki ang nakabantay sa may pinto na hinarang kami nang akmang bubuksan ni Syrah ang pinto.


"What the fuck?" Asik ni Syrah sa lalaki. "Kaibigan kami ni Chi."
"Ano pong pangalan niyo?" Magalang na tanong ng lalaki.
"Bakit kailangan pa? Kaibigan kami ni Chi."
"Syrah, kumalma ka nga." Saad ko. "Pakisabinkay Mr. Hendrix na nasa labas sila Asti, Syrah at Roussanne. Salamat."
"What the hell?"
"Syrah, calm down." Mahinahon na saad ni Asti at bahagyang lumayo kay Syrah. "We're all worried, Syrah but you don't have to panic. Besides, ligtas naman si Chi."
"Hindi dapat siya napapahamak. This is all Gaige's fault. Baka pinababayaan niya si Chi!"
"Sa tingin mo pinababayaan niya si Chi? If it wasn't for him, Chi wouldn't have been saved."


Lumabas si Gaige ng kwarto ni Chi at maynilang masasakit na salita pang sinabi sa kanya si Syrah bago kami pumasok sa loob kung saan tahimik na nanonood ng pelikula si Chi. Kahit namumutla ay nginitian niya kami, si Asti ay tumakbo patungo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.


"Anong sabi ng doctor?"
"She's doing well. The doctor's talked to her and fortunately she's taking everything well. Thank God she does..." bakas ang galit at takot mula sa mukha ni Gaige.
"Of course she's taking it so well." Mapait kong saad.


Iniwan kaming apat ni Gaige, pinaliwanag naman sa akin ni Chi ang nangyari sa kanya. Mula sa pagtatago ni Gaige ng mga pinadadalang sulat ng stalker niya hanggang sa pagha-hire ni Gaige ng bodyguards niya. Mula sa nangyari kay Chi ay nalipat ang usapan kay Syrah at sa trabaho niya, at sa kanina pa niyang tine-text ma hindi namin kilala, wala kaming nakuhang sagot mula sa kanya at nilipat niya rin ang usapan sa akin, kaya naman ay sinabi ko na sa kanila ang tungkol kay Alastair.


"Paano si David?" Concern na tanong ni Asti. "Edi ititigil na niya ang pagbabayad sa Exquisite?"
"Hindi. Ang sabi niya ay itutuloy niya 'yun hanggang sa matapos ang kontrata ko."
"And that's how you get shot at Luneta. Ang dakilang martyr ng henerasyon natin." Humagalpak pa ng tawa si Syrah sa sinabi niya, habang ako ay walang ibabg nagawa kundi ang ngumiti na lang. Alam ko namang unfair kay David pero siya ang may gustong tulungan ako... I can never say 'no' to that.

Nagpaalam ako na pupunta ng starbucks sa tapat ng ospital para bumili ng kape, wala kasing kape sa kwarto ni Chi dahil pinagbawal muna ito sa kanya ni Gaige.


"Rous, wait!" Nilingon ko si Asti ma siyang tumawag sa akin. "Gusto ko rin ng kape, eh."
"Bibilhan na lang kita. Ano bang gusto mo?"
"Sasama na ako." Kumapit siya sa braso at sabay na naglakad pababa ng hagdan.
"Ano nga pala ulit ang pangalan ng bo-- wait, is that Gazel?" Biglang tanong ni Asti pagkarating namin sa lobby at may tinuro gamit ang kamay niya.
"Huh?" Sinundan ko kung saan nakatingin si Asti, at nandoon nga si Gazel. Nakauniporme ito ng pang-nurse at may kausap na batang pasyente. "Lapitan natin?"
"Tara."

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon