Chapter 3: The Buyer

54.6K 1.2K 29
                                    

Inagahan ko ang UD, baka kasi hindi ako maka-UD sa Thursday. Thank you!

------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 3

Roussanne Shelkunova

"Viola," tawag sa akin ni Jade gamit ang pangalang gamit ko dito sa Exquisite, may bakas ng pagtataka sa mata niya pagdaan ko sa lobby, nag-iwas ako sa kanya ng tingin at hindi pinansin ay pagtawag niya at tuluyan ng umalis.


Kaagad na pumara ako ng taxi at sinabi dito ang address ng bahay ko.


"Paano na 'to?" Kabadong tanong ko sa hangin habang nakatitig sa maskarang suot ko kagabi.


Kanina ay nagising ako na wala na ang lalaki sa tabi ko. Breaking our rule na hindi pwedeng magstay sa hotel room na kinuha ng kliyente. Tapos ay pagkagising ko, ang maskarang suot ko ay wala na sa akin at nakalagay na sa bedside table.


"K-kuya, saglit lang po, ah?" Paalam ko sa taxi driver at pumasok sa loob ng bahay ko, dumiretso ako sa ikalawang palapag, sa dulo nito ay ang kwarto ko at kumuha ng pera na sobra pa sa rate ko sa taxi, mabilis na bumaba ako at binayaran ang taxi driver. Tipid na ngumiti ako dito at nagpasalamat bago pumasok muli sa bahay. Sinara ko ang pinto at bumuntong hininga, sumandal ako sa pinto at tinitigan si Rajah, ang tigre na isa sa taxidermy collection ko, sa tabi niya ay nandoon is Diablo na isa namang uwak  na nakapatong sa isang maliit na punong pinadisenyo ko talaga para sa pwesto niya. "Kamusta ang gabi niyo? Ang akin kasi..."


Pumikit ako at bumilang ng hanggang sampu. Inalis ko ang suot kong coat at tumakbo papuntang fireplace – na sinadya kong ipagawa sa bahay ko – binuksan ko iyon at tinapon doon ang coat. Tumakbo ako papuntang CR at nanginginig na binuksan ang shower, pumwesto ako sa tapat nito at binabad ang sarili habang inaalis ang damit na suot ko – kung matatawag nga bang damit ito. I grabbed my luffa and rub it on my skin, namumula na ang balat ko sa diin ng pagkakakuskos ko dito. Pinatakan ko ito ng maraming sabon at kinuskos ang sarili, pulang pula na ang balat ko ngunit hindi pa din ako nakukuntento. Isang oras akong nagtagal sa banyo hanggang sa kumalma na ako.


Balot balot ang sarili ng roba ay tinapon ko sa apoy ang sinuot kong damit. Nilakasan ko pa ang apoy at siniguradong walang kahit anong bakas ang matitira doon ng damit na sinuot ko. Tinitigan ko ang apoy na lamunin ang mga damit ko at naupo sa sahig. Pinagdikit ko ang aking binti at pinatong ulo sa tuhod.


"Malinis ka na..." Bulong ko at pumikit. Ilang saglit akong nanatiling nasa gano'ng posisyon nang biglang tumunog ang telepono, tumayo ako at umupo sa sofa bago ito sinagot. "Hello?"

"Roussanne, anak, kagabi pa kita tinatawagan..." Bumuntong hininga ako. Si Mama pala.

"Sorry po, naiwan ko ang cellphone ko sa clinic, tapos may pinuntahan pa kami nila Chianti kagabi," pagsisinungaling ko. Ayokong nagsisinungaling, lalong lalo na kay Mama, pero mas mabuti na ito, kesa naman sasabihin ko nga ang totoo, pero masasaktan ko naman sila. Ang paggamit naman kay Chianti sa pagsisinungaling ko ay ayos lang, kahit tawagan pa siya ni Mama para kumpirmahin iyon ay siguradong maiintindihan nila. Dahil higit sa kahit kanino, sila Chianti ang makakaintindi kung bakit ko 'yun ginawa.

Narinig kong tumawa si Mama sa kabilang linya. "Buti naman at nagawa niyong palabasin si Chianti." Ngumiti ako at pinatong ang paa sa sofa, pinagdikit ko ang aking binti at pinatong ang ulo sa aking tuhod.

"Oo nga po. Kamusta na kayo diyan? Sila Juliet at Rosalind?" Tanong ko habang nakapikit. Namiss kong kausap si Mama. Miss ko na din na makita siya. Siguro sa susunod a linggo ay uuwi muna ako sa Maynila para bisitahin sila.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon