Chapter 28: Interested

33.2K 862 16
                                    

JhasMean: 2 more chapters then Epilogue na. Ayaw ko nang pahirapan pa is Roussanne. Hahaha salamat po sa paghihintay ng UD. Sana po ay ma-enjoy niyo!

---

Chapter 28

Roussanne Shelkunova


Mahigpit ang pagkakahawak ko sa sumbrero ko habang naglalakad kami ni Alastair. We haven't said anything to each other, inaya niya lang akong maglakad and that's it.


Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.


I want to tell him that I went here because Amanda told me that he's  going to be here, pero pinangungunahan ako ng hiya. Pinagtuklakan ko siya, sinaktan gamit ang mga salitang sobra kong pinagsisisihan.


How I wanted to tell him how much I miss him, pero pinangungunahan ako ng takot. Hindi dahil sa pinagdududahan ko ang nararamdaman niya, alam ko, ramdam ko na mahal ako ni Alastair, pero paano kung malaman niya ang nangyari sa amin ni Rafael? Paano kung mandiri siya? Layuan niya ako? I don't think I can afford to see him walk away from me.





"What are you doing here?" Tanong ko na lang habang nakatitig sa lapag. Ang puti ng buhangin, hindi ko inakalang may ganitong lugar sa Quezon. Napakaganda ng lugar.


"Amanda made a reservation for me. Masyado raw akong stressed sa trabaho; she told me to relax a little bit." Pagdadahilan ko. Totoo naman, si Amanda naman talaga ang may dahilan kung bakit ako nandito.




I felt kind of ashamed because of what Amanda did, obvious na pinagsasama niya kami ni Alastair. Pero bakit? Hindi ba iyon masakit para sa kanya? Bakit hinahayaan niyang mapunta ang asawa niya isang katulad ko? Bakit hinahayaan niyang mawala ang asawa niya sa kanya, shouldn't she fight for him? Claim what is legally hers? Kasal sila... bakit?




"You? Why are you here?" Tanong naman niya sa akin. Tumigil kaming maglakad sa parte ng beach kung saan wala nang mga turista -- pero marahil ay may nakatira dito dahil hindi kalayuan sa dalampasigan ay may tatlong maliit na bahay ang nakatayo doon.


"Dahil kay Amanda," para akong tuod na pilit na tinititigan ang tanawin, hirap na hirap akong pigilan ang sarili na h'wag lumingon sa kanya; hindi ata kakayanin ng sistema kong matagal nang nananabik sa presensya niya.




I've missed him so much - so much that it hurts. Ngayon lang bumuhos ang pagka-miss ko sa kanya; sa tagal kasing iniwasan ko siya ay pilit ko ring inaalis sa isip ko ang imahe niya, ang boses niya, ang ngiti niya; something that I failed miserably. Sobrang hirap niyang kalimutan, ang hindi siya isipin, ang hindi alalahanin ang tila nangungusap niyang mga mata, ang maganda niyang ngiti - it was hell not to touch him everytime I see him.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon