Chapter 6: The Car

47.4K 1K 47
                                    

Chapter 6

Roussanne Shelkunova

Humihikab na bumangon ako sa kama at tinignan ang buong paligid ng kwarto. Nakita ko ang bulaklak sa tabi ng computer ko pati ang jacket ni David.

Last night we talked. Lahat ng tungkol sa akin, kung paano ako nagsimula at kung paano ako napunta sa Exquisite. He stayed here last night and we just cuddled. Walang nangyari. Hindi niya raw gustong isipin ko na iyon lang ang gusto niya.


"Good morning, beautiful." Pumasok siya sa kwarto, suot pa rin niya ang dami niya kagabi, isang maong pants at puting v-neck shirt, may nakapatong lamang doong apron na may design na aso and he looks cute wearing that. "Breakfast in bed."


I cringe. Ayokong kumakain sa kwarto dahil kakalat sa buong kwarto ko ang amoy ng pagkain at hindi ako sanay.


"This is really sweet but I don't eat here. Kakalat ang amoy sa kwarto," paliwanag ko. Napakamot siya sa batok at tumango. Tinulungan niya muna akong bumangon sa kama 'tsaka kinuha ang tray na may lamang pagkain.


Matapos naming kumain ay hinintay niya akong mag-ready papuntang clinic. Hinatid niya ako doon at pinaalala sa akin na susunduin niya ako mamayang alas-nueve at magdidinner kami. Late dinner.

Saktong alas-diyes ng umaga ako dumating sa clinic, David just kiss me on my cheek and left. Kaagad na naabutan ko si Lucy — isa sa empleyado ko — na paparating pa lang.


"Good morning, Doktora." Maligayang bati niya at dumako amg tingin sa papaalis ng sasakyan ni David. "Boyfriend niyo po?"


Hindi ako sumagot at ginawaran na lang siya ng ngiti dahil hindi ko naman alam kung anong meron sa amin ni David. Umamin siya na gusto niya ako at ganon din ako sa kanya, pero hindi ko pa rin sigurado kung ano na nga bang estado ng relasyon namin. Hindi ko alam kung kapag ba sinabi niyo na gusto niyo ang isa't isa ay nangangahulugan na iyong mag-boyfriend at girlfriend na kayo. Minsan pa lang akong nakapasok sa ganitong relasyon and I was young back then, hindi ko sigurado kung sa ganong paraan pa rin ba umiikot ang relasyon ngayon.

Tinulungan ko si Lucy na ayusin ang mga gamit sa klinika at ganon din sa shop at habang inaayos namin ang mga gamit ay binuksan niya ang radyo at laking tuwa ko na ang isang paborito kong kantang pambata ang tumunog mula dito. Madalas kasi namin iyong kantahin ni Mama noon at palagi ko rin iyong pinaparinig sa mga kapatid ko.


"Boyfriend niyo nga siguro 'yung lalaki kanina, Doktora. Ang saya niyo po ngayon, eh." Puna ni Lucy habang inaayos ko ang mga dog food sa pinaglalagyan nito.

"Naku, ikaw talaga, Lucy. Ayusin mo nga ang mga ito at may gagawin pa ako sa opisina."


Kinakanta ko pa ang children's song na iyong habang naglalakad papuntang opisina at habang nagbabasa ng ilang eMail at ang report sa inventory ng mga empleyado ko ay hindi pa rin nawawala ang kantang iyon sa utak ko.

Mga bandang lunch nang tawagan ako ni David at sinabing nagpadala siya ng lunch ko dito dahil hindi niya raw ako mapupuntahan, busy siya sa site nila. Engineer si David at kasalukuyang may malaking project siyang hawak ngayon. Nasa Tagaytay pa siya ngayon dahil naroon ang trabaho niya. Kalahating oras lang ang naging pag-uusap namin at may kumatok sa opisina ko. May isang lalaki ang nagsabing empleyado siya ni David at may dalang isang bulaklak at pagkain na para sa akin. Isang lunch at cake. Nagpasalamat ako sa lalaki at umalis na din ito. Nakangiting nagtext ako kay David at nagpasalamat sa cake na pinadala niya. Nabanggit ko kasi sa kanya kagabi na mahilig ako sa cake.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaWhere stories live. Discover now