Chapter 8: The Lawyer

41K 1K 23
                                    

Chapter 8

Roussanne Shelkunova

"Patingin ako!" Sumingit ako sa pagitan nila Asti at Syrah para makita ang litrato ni Gaige Hendrix – ang lalaking pakakasalan ni Chianti. Sinundan kasi ni Syrah si Chianti noong isang araw nang malaman niyang magkikita si Chi at iyong Gaige, tapos kinuhanan niya ng litrato ang lalaki.

Kinuha ko ang cellphone at halos maglaway ako sa itsura ni Gaige. "JUSMIYO!"

"Diba? Ang gwapo? Hindi ko maintindihan ang inaarte ni Chi." Komento ni Syrah at inagaw ang cellphone niya, tinitigan niya ulit ang litrato ng lalaki.

"Nagkakasala ako kay David." Panloloko ko. "Dapat sa kanya lang ako kinikilig. Pero jusmiyo, litrato pa lang iyan. Paano kapag nakita ko siya?"

"Gaga ka, Roussanne. Baka may balak ka pang lokohin si David at maging kabit ni Gaige." Tumawa naman si Syrah sa sarili niyang joke habang kami ni Asti ay hindi nag-react. Wala talagang reaction si Asti habang ako ay sinadyang h'wag mag-react para asarin lang si Syrah.

"Bakit hindi? Kung magiging kabit ka naman ng ganyang kagwapo, keri lang."


Lumayo ako sa pakikipag-asaran sa kanilang dalawa -- isa nga lang talaga ang kaasaran ko dahil si Asti ay wala namang pakaielam kay Gaige -- nang makatanggap ako ng tawag kay Jade. Pumasok ako sa kwarto ni Asti at doon sinagot ang tawag.


"Roussanne, may client ka." Tinakpan ko ang kabila kong tenga upang marinig siyang maayos.

"Ano iyon? Mali ata ang narinig ko."

"You have a client." Parang awing awa si Jade habang sinasabi iyon. "I tried telling them that someone's already bought you, pero..."

"Then I decline it." Kalmadong sagot ko. Mariing pumikit ako dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako sa hindi malamang dahilan.

"Hindi pwede, nagbayad na siya. He quadruple your amount." Then I just feel like bursting out.

"ANO? Wala na rin akong karapatang tumanggi sa kliyente? Nasa kontrata iyon, 'diba? Na pwede akong tumanggap ng kliyente? And David already bought me. Bayad na. One client per night, Jade. Iyon ang nakasaad sa kontratang pinirmahan ko." Sigaw ko kay Jade. Alam kong wala siyang kasalanan dito pero inis na inis na ako. Ang dami nilang arte para lang magawan ng paraan ang setup namin ni David. They insist to double the payment para magawa akong bilhin ni David hanggang sa date ng tapos ng kontrata ko, David didn't care about the money at pumayag, tapos ngayon ay ganito?

"Roussanne, the Bosses have already decided. Half of the payment will be yours. The dress that you ha—"

"I don't care about the money. Jade, maayos na ako. Naayos na. Nakalaya na ako. Someone already freed me."

"I'm so sorry, Roussanne." Padabog na binaba ko ang telepono at lumabas ng kwarto ni Asti. I shut the door loudly at binato ang aking cellphone sa sahig.

Syrah and Asti looked so surprise. Syrah called someone on the phone habang si Asti ay mabilis na hinatak ako papuntang kusina at hinainan ng cake na hindi ko naman pinansin. I feel my heart thumping loud and fast, my breathing's shallow at nanginginig ako sa sobrang galit.

"Ilang araw ang pinroseso para magawa akong bilhin ni David. Wala sa trabaho ko ang ganon but they considered it because David gave a huge amount of money. I get it; it's all about the money. Pero lintek! Ano? Ibebenta nila ako sa ibang kliyente dahil sa nilakihan niya ang bayad? Ang ayos ayos, nakalagay sa kontrata, dalawang gabi ang pasok ko, bawat gabi ay isang kliyente. ISANG KLIYENTE! Bwisit naman nila!"

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon