Chapter 27: Free

31.5K 883 20
                                    

JhasMean: Nanonood ako ng 'Halik' inis na inis ako kay Ace kaya na-da-divert kay Alastair, kahit na hindi naman kasing damuho ni Al si Ace hahahahahaha

Salamat po sa paghihintay. Enjoy reading.

Here's my twitter account: JhasMean_

Use this official hashtag if ever mag-tweet kayo about Exquisite: #ExquisiteSaga

THANK YOU ULIT! Love you, guys. 💕

————
Chapter 27
Roussanne Shelkunova


Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Amanda habang nanlalambing sa akin si Viola at Legolas. Hindi ako makakilos sa pagkakaupo ng dalawang naglalakihang aso sa binti ko, hindi dahil sa bigat nila kundi dahil sa pagkailang ko sa tingin ni Amanda.

Ang tagal na nang huli ko siyang makita — noong pina-checkup niya sa akin si Viola.


"Lagpas isang buwan na nang huling nakita ka nila, so I brought them here." Paliwanag niya.


Nasa opisina ko kami — ayos na ang espasyo ni Erika dito sa shop kaya naman kaming dalawa lang ni Amanda ang nandito. Kung noon ay minamadali kong matapos ang opisina ni Erika, ngayon naman ay napaphiling na lang ako ng tahimik na ibalik ang oras at na-extend ang pag-aayos doon.

I feel uncomfortable with just the two of us. Sumasakit ang ulo ko.


"Nakakakain ba sila ng maayos?" Tanong ko para kahit papano ay mawala ang awkwardness sa paligid.

Tumango siya. "Yes, they're both doing great."

"Buti naman..." Ano na? Sumasakit talaga ang ulo ko.


Bumitaw ako sa dalawang aso at nag-alcohol bago kunin ang gamot na nasa drawer ng lamesa ko — for my headache — at ininom ito.

Pumikit ako na para bang makakatulong itong mapabilis ang epekto ng gamot.


"I see you're having headaches as well..." as well? Stressed din ba siya? Ngumisi siya sa akin. "Al's having headaches too. Ayaw naman magpa-checkup. Masyado kasing in-over work ang sarili."


Nag-iwas ako ng tingin at muling binalikan sila Viola.

Ano ba talagang gusto ni Amanda, bakit nagpunta siya dito?


"By the way, sinabi na ba sa'yo ni Al na we're getting an annulment?" Hindi ako kumibo. Totoo pala na mag-a-annul na sila? "So you two are free to be together. Siguro ay aabutin lang ng halos isang taon, ayaw kasi ipa-rush ni Al, baka raw ay tignan ng korte during the tr—"

"I don't care," mariin kong saad. "Why are you here, Mrs. Delacroix?"


Bumuntong hininga siya at may kinuha sa bag niya; nilapag niya sa lamesa ang maliit na sobre doon.


"To give you this." Tinitigan ko lang ang papel. "I know that your situation bothers you, but you've suffered for a long time, Roussanne, don't you want to be happy?"


Hindi ko siya sumagot; hindi na rin naman niya hinintay ang sasabihin ko, tahimik na umalis na lang sila nila Legolas at Viola at iniwanan akong nakatitig sa sobre na binigay niya.

Happy... am I still deserving to have happiness? Sa dami ng nangyari, sa mga lalaking nakasama, mga babaeng walang malay na niloko ko nang dahil sa trabaho ko... do I still deserve happiness?

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon