Bodyguard-3

120K 2.2K 33
                                    

"Couz, tawag ka na ng photographer." sabay siko sa kanya ni Jenna.

Napakurap-kurap. "Ha?"

"Earth to Ap? You're spacing out."

Tumango siya at pilit na ngumiti.

"Bridesmaid and best man punta na po sa harap for the photo op." sigaw ng photographer.

Bigla siyang nanlamig.

Oh no!

Halos hindi siya makapag-lakad papunta sa harap dahil sa panginginig ng tuhod niya.

Bahagya siyang yumuko para hindi masalubong ang mga matang iyon.

"Puwesto po kayo sa magkabilang side ng newly wed."

Bahagya siyang nakahinga ng maluwag akala niya magtatabi sila.

Bumulong sa kanya si Harmony habang kinu-kuhanan sila ng litrato.

"You okay? Parang hindi ka mapakali."

Syet, halatang-halata ba?

Ginagap nito ang kanyang kamay. "Nanlalamig ka sissy."

Nasabi ko na ba? na si Harmony ang sister in-law ko.

I'm so t*ng* at hindi ko napansing may something sila ni kuya. Kaya nagulat ako ng malamanng ikakasal na sila.

Bumulong din siya dito. "I'm okay sis, jetlag lang ito."

Katat-apos lang kasi niya ng mission sa Spain. Limang buwan din siyang naging under cover doon.

Nagkibit balikat ito at hindi na sumagot. Alam niyang hindi ito naniniwala.

She's guilty, dahil hindi niya sinabi dito ang lihim niya.

Ang nangyari ng gabing yun.

"Okay Mr. best man & bridesmaid, sa gitna po kayo." muwestra ulit ng Photographer

Lalo siyang nanigas.

No, this can't be happening!

Nang mag-kalapit sila ay naamoy niya ang panlalaking pabango nito.

It makes her knees weaker. So hindi pa ito nagpalit ng pabango.

Hinamig niya ang sarili.

She tried to act normal.

"How are you?" Mahinang tanong nito sa kanya.

His husky voice, sends tingling sensation through her veins.

She bit her lips and chose to stay silent.

"Lumapit pa po kayo kaunti sa isa't isa. Hold her waist sir." Utos ng photographer.

Mahina siyang nagmura sa isip ng maramdaman niyang pumulupot ang braso nito sa bewang niya.

Remind her to kill the Photographer later.

He chuckled "Playing mute sweetheart?" pasimpleng bulong nito sa kanyang tenga at parang walang anumang ngumiti ito sa camera.

Sheyt, sheyt, sheyt.

Mura niya sa isip niya ng maramdaman niyang nagtayuan ang balahibo sa batok dahil sa mainit na hininga nito.

How could this man possibly affect her kahit dalawang taon na ang nakakalipas.

And deym!

Hindi niya makalimutan ito.

Ilang ulit ba niyang napanaginipang inaangkin siya ulit ng lalake?

Nakakasira ng lovelife.

She never had relationship after that night. Napakahirap paniwalaan, sa ganda niyang to.

But it's true.

Ilang flash lang ng camera niya pakiramdam niya tumagal na ng forever.

Nakahinga siya ng maluwag ng matapos na din sila.

Simbilis ng hanging lumayo siya dito.

Pagkalabas niya ng simbahan agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan at pinaharurot papunta sa reception.

Tsk kung pwede lang huwag na siyang tumuloy baka sakalin siya ng kuya niya pag nagkataon.

She was sipping a glass of wine ng magsi-datingan ang mga tao.

Nakailang hugot sa ng hininga, heto na naman nakikipagrambulan na naman ang puso niya lalo na ng pumasok ang amo ng kuya niya.

Pwede bang matapos na agad-agad? Ng makalayo na siya sa lugar kung saan malapit ito.

She doesn't trust herself.

Too bad magkakasama sa mesa ang mga abay sa kasal. Gusto na niyang iuntog ang ulo niya para magka-amnesia at makalimutan ang gabing iyon.

Bumuga siya ng hangin bago ipinasyang magpunta sa mesang naka-talaga sa kanila.

"Hey couz, ang daya mo. Bakit ka nauna? Hindi ma man lang nag-paalam." Tanong ni Jenna pagkaupong-pagkaupo palang sa mesa.

She saw from the corner of her eyes na tumingin ang boss ng kapatid sa kanya.

Si Thor ang kanyang pinsan ay busy sa pag-aasikaso sa kanyang kaibigang si Myrtle.

Sa lahat ng pinsan niya si Quen ang pinakatahimik at suplado ay walang pakialam sa mundo.

"Sumakit kasi ulo ko, couz." She answered casually trying to act normal. Humilig at yumakap kay Rose sa kanyang tabi.

"Eeww sistah, hindi tayo talo pleasee." Nandidiring sabi nito umi-ikot pa ang mata.

"Tsk napaka oa naman nito, kiss mommy." Pinatulis niya ang ngusong inilapit sa mukha nito

Tinulak tulak siya nito. "Ewwwww, papa Thor, help me. Ayoko sa kanya, ikaw nalang humalik sa akin keri ko pa." Baling nito sa kanyang pinsan.

Iniumang naman ng pinsan ang kamao.

Sinabunutan niya si Rose. "Huwag siya, baka ma-salvage ka ng wala sa oras."

"Shatap! huwag mo ako tawagin sa buong pangalan ko nakakaimbyerna kang bruha ka." Asar na sabi nito sa kanya.

Napahalakhak nalang siya na agad ding napawi ng mapansin ang walang bahid ng ngiting si Dwayne.

Wala sa sariling kinagat-kagat ang labi niya.
It was her mannerism kapag kinakabahan o nag-iisip.

Sana bumilis ang oras at matapos na ang lahat ng tuluyan na siyang makalayo.

She's in danger.
Dangerously affected by this man.


































I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now