Bodyguard-5

106K 2.1K 130
                                    

Hindi parin siya maka-getover si Aphrodite sa nangyari sa kasal ng kuya niya.

Pakiramdam niya nakadikit parin ang labi nito sa balat niya.

Taimtim siyang nanalangin na sana huwag ng mag-krus ang kanilang mga landas.

Baka hindi na niya mapigilan ang sarili.

Abala sila ni Harmony sa page-empake ng mga gamit nito para sa honeymoon nito at ng kanyang kuya Zeus.

"Sissy, may hindi ka ba sinasabi saken?"
Alam niyang bago pa magtanong ang bestfriend ay may hinala na ito. Her best friend just want confirmation from her.

"Anong hindi sinasabi?" huli na nga pero nagpapalusot pa.

Umupo ito sa harap niya at hinawakan siya sa kamay. "sissy tell me----"

Naputol ang sasabihin nito ng pumasok ang kuya niya.

"Little sis." humalik ito sa noo niya.

Hinalikan naman nito sa labi ang asawa.
Bumaling ulit sa kanya ang kapatid.

"Little sis, pwede humingi ng favor?"

Ngumiti siya dito "Of course, basta ikaw kuya, malakas ka saken eh. Ano ba yun?"

Tumingin muna ito sa asawa bago ito sumagot sa kanya
"You knew we're going to our honeymoon, right?" pasakalye nito.

Napairap siya. "Obviously brother, ano nga?"

Bumuntong hininga ito bago magsalita.

"Pwede mo ba akong palitan sa trabaho ko? one-month lang naman sis, gusto ko lang masolo ang asawa ko."

Napamulagat siya. "What? Palitan?"

"Can you be Mr. Morales secretary for the meantime?"

"Bakit ako kuya? Nandiyan naman mga ibang pinsan natin."

Syetness!

"They're busy with their own missions' sis. Ikaw lang ang libre, pleaseeeee bubuo pa kami ng pamangkin mo."

Napa-aray ang kapatid ng sapakin ito ng asawa.

Nagpapadyak siyang parang bata. Pero hindi naman kaya ng konsensya niya na hindi masulit ng mga ito ang kanilang honeymoon.

"Fine kuya, may magagawa pa ba ako?"

"Anong gagawin ko sa inyo kapag bumalik kayong wala pang nabuong pamangkin ko?"

"Hihiwalayan ko ang kuya mo." biro ni Harmony.

Napanguso ang kuya niya at yumakap dito
"Hon, wala namang ganyanan."

Seryoso itong tumingin sa kanya. "Labas ka muna sis, maga-advance lang muna ako, para sure na sure na."

"Ewwww, you're gross."

Napatakip si Ap sa kanyang tenga. "Bahala na nga kayo sa buhay niyo."

Nagtungo na siya sa pinto at pabalibag na isinara ito.

Tinuruan siya ng mga dapat gawin ng kuya niya bago ito umalis. Aside from paper works, she needs to keep an eye on him. Dwayne receives threats, kailangan niyang malaman kung sinong nagpapadala dito.

Huminga siya ng malalim at pinasadahan sa salamin ang itsura niya. Pinatungan niya ng Black Blazer ang kanyang puting sleeveless top. Itinaas niya ang kanyang black skirt upang ayusin ang holster ng kanyang maliit na baril. Pagkatapos isinuot at kanyang pulang stiletto then grabbed her red purse. Lumabas na siya at nagtungo sa kanyang sasakyan.

7:50 am sa relo niya ng makarating sa sa Morales Corporation

"Good morning po mam." Bati sa kanya ng guard.

Sinuklian nalang niya ito ng ngiti. "Good morning manong."

Nagtungo siya sa receptionist. "Good morning, I'm Aphrodite Sarmiento, bagong secretary ni Mr. Morales."

Ngumiti siya at muling nagpakilala sa receptionist. "Kayo ho yung kapatid ni sir Zeus?"

"Ako nga, Ap nalang nalang." Mukhang ka-edad lang naman niya yung babaeng receptionist kaya hindi na siya gumamit ng po.

"Nabilin na po kayo ni sir, 5th floor ma'am. Yung kanang elevator ho ang gamitin niyo." Turo sa kanya ng receptionist.

Muli siyang ngumiti at nagpasalamat siya dito bago umalis.

Napakagat siya sa labi ng makalulan sa elevator.
Hindi niya alam pano paki-kisamahan ang binata na ngayon ay magiging boss niya. Hiling niya magka-magic at matapos agad ang isang buwan.

Pinilit niyang kalmahin ang ang sarili. Ayaw niyang ipahalata na naapektuhan parin siya ng presensiya nito.

Ilang beses siyang bumuntong hininga bago katukin ang pinto sa harap niya.

"Come in." anang baritonong boses na kailanmay hindi niya makakalimutan.

Pakensyet!

Mura niya sa isip bago tinulak pabukas ang pinto.


Para siyang itunulos sa kinatatayuan deym!

Ang gwapo talaga ng koyang Dwayne na ito.

There he is, nakakunot ang noo nito at abala sa pagtingin sa papel na hawak.

No doubt, he's one of the well-known businessman in Asia.

"Done eye raping me, Ms. Sarmiento?" Seryosong tanong nito. May split personality ba ito? Ibang-iba sa pilyong Dwayne noong kasal ng kapatid niya.

Namula siya sa pagkapahiya ngunit hindi niya pinahalata.

Tumikhim muna siya bago magsalita.
"Good morning sir."

"Good morning, please have a sit."
Tumayo ito at pinasadahan siya ng tingin bago nagpatuloy magsalita.

"Ipinaliwanag naman siguro sa iyo ng kapatid mo ang mga gagawin mo?"

Kinuha nito tablet sa mesa nito.

"These are my schedules."

At ini-abot sa kanya.
Pinigilan niya ang sariling huwag mapasinghap ng malanghap niya ang mabangong amoy nito.

"Nasaan ang isang bodyguard na request ko kay Zeus?"

Napataas ang kilay niya "Are you insulting me sir? Do you think I can't protect you?"
Bigla siyang nainis.

Napangisi ito. "Woah take it easy Ms. Sarmiento, Nagtatanong lang ako."

She smiles sarcastically
"Look here Mr. Morales. Kung wala kang tiwala sa kakayahan ko hindi ko na problema iyon. All you have to do, is tell me. Madali lang naman akong kausap." May diin ang bawat salitang binitawan niya.

Malakas itong tumawa.

Syete, parang tinangay ng hangin ang inis niya.

Isa kang marupok, Ap.

"Okay chill lang, Ms. Sarmiento. I trust your brother and he trust you. So why not give it a try."

"Let's go, I'll tour you around."

Parang balewala lang ang inis na pinakita niya dito kanina.

Napairap nalang siya sa likod nito. Pasalamat ito dahil mahal niya ang kuya niya at gusto na niya ng pamangkin. Dahil kung hindi, kahit magmaka-awa pa ito, hindi niya tatanggapin ang misyong ito.

Never!

A/N

Guys, please bear with me.
Nage-edit ako para medyo malinis ng kaunti.

2021, sino pang nandito?











































I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now