Bodyguard-31

59.4K 1.3K 26
                                    

"I'll go first." ani Ap kay Dwayne.

Pagliko nila sa medyo madilim na parte hindi inaasahan ni Ap ng biglang may humablot sa kanya.

"F*ck you Morales sabi ko sayo ikaw lang!"

Galit na sigaw nito habang nakatutok sa ulo ni Ap ang hawak na baril

"Dahil matigas ang ulo mo pasasabugin ko ang ulo ng babaeng ito!"

Nanlilisik ang mga matang sigaw ni Ong.

Akmang lalapit si Dwayne ng umiling ang dalaga.

"What are you doing? he got Ap." nag-aalalang saad ni Dwayne ng makita niyang nasa paligid na ang pamilya ng dalaga.

Ngumisi lang ang kapatid nitong si Zeus.
Tila wala lang din sa mga pinsan ni Ap ang sitwasyon.

Samantalang si Dwayne ay nanginginig na tuhod sa takot na baka may mangyaring masama kay Ap.

Nanlaki ang mga mata ni Dwayne ng paglingon ulit niya sa direksyon ni Ap ay nasa sahig na si Ong at nakatutok na ang baril sa matanda.

Napamura ulit Dwayne, ngayon ay dahil sa pagkamangha.

Hindi nga pala basta-basta ang babaeng mahal niya.

Nakangising umiling-iling si Ap.

"Ong-goy, nagkamali ka ng binangga!"

Sinipa ni Ap ang matandang lalaki sa gitna ng mga hita nito. Namilipit ito sa sakit.

"Ganti ko yan sa pagsampal mo sa akin." May mabalasik na ngiti na ang nakapaskil sa labi ni Ap.

Maya-maya ay nag peace sign ang dalaga. "Ma, pa, I'm sorry. Tinuruan niyo kaming gumalang sa matatanda ngunit hindi kagalang-galang ang isang ito."

"P*tang *na mo! Papatayin kayo ng mga tauhan ko!" Sigaw nito at parang baliw na tumawa.

Lumabas sa pinagtataguan ang kapatid at mga pinsan ni Ap kasama na din ang sampung agents nila.

 "Sila ba ang mga tauhan mo?" natatawang saad ni Ap.

Namimilog ang mga matang iginala ni Ong ang paningin.

Pagkuway nilukob ng takot ang mga mata nito.

Humalakhak naman ang dalaga "Well, na wow mali ka. Ang papanget ng mga tauhan mo."

Lumapit si Zeus, sa ibabaw ng katawan ni Ong ito naglakad

"Enough, little sis." Saway nito.

Ngumisi ito ng mapanganib ng mapatingin kay Ong. "Tanda, ang gaganda at ang ga-guwapo ng lahi namin. Huwag mo kaming pagkamalang tauhan, baka sumabog ang bungo mo ng wala sa oras." Asar na ikinas nito Zeus ang baril.

Napangisi si Quen, humalakhak naman ang magkapatid na Thor at Jenna sa sinabi ng pinsan. Samantalang nag-ilingan ang mga agents.

Sanay na ang mga ito sa kanila.

Itinayo ni Quen at Thor si Ong at hinawakan sa magkabilang braso. 

Bigla namang lumabas si Caius habang kinakaladkad si Noah.

Agad na lumapit dito si Ap "Caius, let him go." Utos niya dito.

"Let him go? kasabwat ito ni Ong!"

Magpapaliwanag sana si Ap ng biglang lumapit si Dwayne at inundayan ito ng suntok

"Hayop ka!"

"Dwayne, stop!" Awat ni Ap.

"Stop? Ipinagtatanggol mo pa ang hayop na to?" Madilim ang mukhang turan ni Dwayne

"Kasabwat nga siya ni Ong pero tinulungan niya ako. He gave me knife para makawala ako sa pagkakagapos ko." Paliwanag ni Ap.

Hindi na umimik si Dwayne ngunit halatang galit parin ito.

"Mission, accomplished." ani Zeus sa amang si Zion.

"Congrats guys, but you need to get out of there. The cops are coming sila na ang bahala. Umuwi na tayo " Ani Zion.

"Copy!" Sabay-sabay nilang sagot.

Di nga nagtagal at dumating na din ang mga Pulis. Kusang sumama si Noah sa mga ito.

"Noah, wait." pigil ni Ap ng akmang sasakay na ito sa mobile.

Ngumiti siya sa binata. "Thank you."

Umiling ito at ngumiti "No Ap, thank you. You knocked some sense into my head. Wanna hang out when I came out?" Natatawa nitong tanong.

Tumawa din siya "Yeah sure, why not." Tumango bago pumasok sa mobile.

Napatingin siya ng maramdamang may tumapik sa balikat niya.

"Hi little sis." Ginulo ni Zeus ang buhok niya.
"Job well done. Hindi mo na kailangang pumasok bukas. May bago ng secretary si Morales."

Biglang parang may dumaklot sa puso ni Ap pagkarinig sa sinabi ng kapatid.

What now Ap?

Tapos na.

Tapos na din sila ni Dwayne.

Napangiti siya ng mapait.

In the first place, wala palang sila. 

A/N

Kaunti nalang, medyo may liwanag na ang paglilinis ko dito sa story.

My mga typos parin.

Pero atleast medyo may sense na.

2021 may nandito pa ba?

Balik sa pagiging newbie hihi

Este hindi pala nakaalis sa pagiging newbie.

-Shy Seven







I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now