Bodyguard-4

101K 2.3K 47
                                    

"I need single ladies out there. Puwede po ba kayo pumunta dito sa harap?"
Tawag atensiyon ng emcee sa lahat.

"The next part of our program is the throwing of bouquet ng ating magandang bride."

Napatuwid ng upo Aphrodite.

Pass. "Excuse me guys, comfort room lang ako." Pasintabi niya sa mga kasama sa table.

"Para namang hindi namin alam na tumatakas ka lang bruha." Ismid ni Rose.

"Anong magagawa ko? Naiihi nga ako." Palusot niya at nagmadaling umalis.

Pagkalipas ng sampung minuto, she decided to go back.

"Siguro naman tapos na."

Nakayuko siya habang nagla-lakad. Pina-pagpag ang duming dumikit sa kanyang gown, nang my maramdaman siyang palapit na bagay.

Mabilis ang reflexes na nasalo ang bagay na iyon bago pa tumama sa kanyang mukha.

Pakenteyp!

Gusto niyang ihagis ito pabalik ngunit huli na ang lahat dahil lahat ng mga mata sa venue ay nakatutok na sa kanya.

"There she is ladies and gentlemen. Nasalo po ng ating bridesmaid. Miss ganda lapit ka na dito sa harap."

"Go, Ap!"

"Couz, you're next."

Kung anu-ano pang cheer ang narinig niya mula sa kanyang mga pinsan.

Nakangiwing naglakad siya papunta sa harap.

"Tatakas-takas ka pa kasi bruha, sayo pa din naman pala ang bagsak." Kantiyaw ni Rose ng makatapat siya dito

"Mamaya ka lang baklita ka, swear hahalikan kita." panakot niya dito.

Nagtawanan ang mga nakarinig.

"Anong pangalan mo miss ganda?" Tanong ng emcee ng tuluyan na siyang makalapit dito

"She's Aphrodite my best friend slash sister in-law." Nakangiting sabat ni Harmony

Nagdu-dudang tumingin siya sa bestfriend. Malakas ang kutob niya.

"Sinadya mo no?"

Mariin niyang bulong dito.

Harmony giggled.

Napailing nalang siya. Ito ang napapala ng may best friend na luka-luka.

"Miss Aphrodite, upo ka muna." Turo ng emcee sa upuan sa harap.

Agad naman siyang tumalima dito.

" Groom lapit ka sa bride mo." sabi nito.

"You need to get the garter using your lips. Hindi mo pwedeng gamitin ang mga kamay mo. Maliwanag ba?

Tumango naman ang kapatid.

"Ready sir?"

" Sisiw,." mayabang na sagot ng kapatid niyang si Zeus.
Nasa isa palang ang bilang ng emcee ng sinimulan nito ang pagtatanggal ng garter kay Harmony.

Excited.

Sigawan ang mga nanonood.

"Bro, expert!" Sigaw ni Thor ng tuluyan ng matanggal ng Kapatid niyang si Zeus ang garter sa hita ni Harmony.

Winagayway nito ang garter at inikot ikot sa mga daliri.

Abot ang kaba ni Aphrodite ng ihagis na ng kuya Zeus niya ang garter na hawak nito.

Napakabilis ng pangyayari nakita nalang niyang palapit ang nakangising si Dwayne.

Nasa kamay na nito ang garter.

"No, this can't be."

"Are you both single?" Tanong ng intrigerang emcee sa kanilang dalawa.

Tatambangan niya talaga itong emcee sa labas mamaya.

"Yeah, single and available." Sabat ulit ni Harmony habang kinikilig pang nakatingin sa kanilang dalawa.

Her sister in-law is playing cupid.

Pinanlakihan niya ito ng mata at inirapan.

"So walang problema kung gamitin din ni sir Dwayne ang kanyang mga labi sa pagsuot kay Miss Aphrodite ng garter?"

"Mam, Sir okay lang po ba?" Hingi ng pahintulot ng emcee sa mga magulang niya.

Thumbs up lang ang sagot ng inang si Althea and ama at kanyang kapatid ay hindi maipinta ang mukha. Sinamaan ito ng tingin ng ina kaya walang nagawang napatango ang dalawa.

Pagkatapos ng bilang ng emcee ay sinimulan ni Dwayne ang pagsusuot sa kanya ng garter.

Napapiksi siya ng maramdaman sinadya nitong dumikit ang labi sa kanyang balat.

"Ano ba."

Pabulong na asik niya dito para pagtakpan ang init na gumapang sa kanyang katawan.

"Higher, higher, higher!" sigaw ng mga manonood.

Ngumisi naman ang binata at sinunod sa mga ito. Hindi siya nito hiniwalayan ng tingin habang patuloy na tumaas ang mga labi.

Kinagat niya ang labi para mapigilan ang ungol na gustong kumuwala dito.

Deym those lips.

Nanginig siya ng pasimple nitong hinalikan ang hita niya bago ito tumayo.

Isinumpa niya ito sa isip for torturing her like this.

Pinilit niyang ngumiti at sumunod na tumayo.

Nagpalakpakan ang mga tao may sumigaw pa.
"Kiss, kiss!"

"Kiss daw" Pilyong baling ni Dwayne sa kanya.

"Kiskisin mong mukha mo."

Syet pakipot pa more ateng.

Pakiramdam niya nakadikit parin ang mainit nitong labi sa kanyang katawan.

"Come on sissy, don't be kill joy. Kiss daw oh." susol naman ng mahadera niyang best friend.

"Pasalamat ka kasal mo, kung hindi sasabunutan kita."

Bumaling siya sa binata "Fine, sa pisngi lang. Baka bumulagta ka dito ng wala sa oras."

Ngumisi ito at dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya.

Napapikit siya ng dumapo ang mga labi nito sa gilid ng kanyang mga labi.

Gusto tuloy niya magsisi kung bakit sinabi niyang sa pisngi lang.

"Welcome back, sweetheart." mahinang anas nito bago lumayo sa kanya.

Itunulos siya sa kinatatayuan ng marinig ang sinabi nito.



I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now