Bodyguard-35

61.1K 1.3K 73
                                    

Isang buwan na ng huli niyang makita si Dwayne.

The pain is still there pero pinili niyang magpatuloy sa buhay.

Caius?
Hindi niya alam kung saan ang bagong assignment ng lalaki, halos magkasabay lang itong nawala at si Dwayne.

Palabas na siya sa restaurant kung saan siya nagtake-out ng pagkain para sa hipag na si Harmony ng bigla siyang may mabangga.

"I'm so---" nalaki ang mga mata niya ng mapagsino iyon

"Ate Deena, hi." Bati niya dito.
It's Dwayne's sister.

"Oh my-- Ap, Gmgood to see you" Hinalikan siya nito sa pisngi.

"Good to see you too ate, I dropped by bumili kasi ako ng pagkain para sa hipag ko." Nakangiting paliwanag niya dito

"Oh I see, kakatapos ko lang makipag-meeting sa isang designer para sa wedding ni Dwayne "

Deym!

Wedding?

Ikakasal na pala siya.

Kaya pala biglang nawala.

Parang may sumakal sa puso niya

"Wow, ganun ba ate.
Uhmm sige ate, I have to go!"

Paalam niya dito.

Deym!

She will not cry!

Not infront of his sister.

"You sure? Don't you wanna grab some coffee with me?"
Pigil nito sa kanya.

"Sorry ate, maybe next time." pinilit niyang ngumiti.

"Uh okay."
Nagpaalam siya ulit dito bago tuluyang umalis.

Nanlalabo ang kanyang paningin habang naglalakaad papunta sa kanyang sasakyan dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng kanyang luha.

Pagdating sa kanyang kotse nanghihina siyang napaupo.

He's getting married.

D*mn!

Pagkatapos umiyak kinalma niya ang sarili. Kailangan niyang makauwi agad para maibigay ang pagkain kay Harmony.

May sariling bahay ang mga ito ngunit dahil buntis ang hipag nakatira ang mga ito ngayon sa kanila. Ang mga magulang ay hindi muna bumalik sa ibang bansa. Excited din ang mga ito sa apo.

***

Inayos niya ang sarili bago bumaba ng sasakyan

Nanigas siya at muntik ng mahulog ang dala-dalang pagkain ng madatnan ang hindi inaasahang bisita.

Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan ng mga ito kasama ang kanyang kapatid at ama.

Sumikdo ang kanyang dibdib ng masalubong ang titig nito. Kasabay ng sakit hindi matatawarang pananabik ang kanyang naramdam.

The stubble on his face made him more handsome ngunit pumayat ito. Syete! hindi ba ito inaalagaan ni chaka doll?

Anong ginagawa nito sa kanilang bahay?
Marahil mag iimbita para sa kasal nito.
Oh great!
Napangiti siya ng mapait.

"Little sis, nandyan ka na pala" Anunsiyo ng kuya niya ng mapansin siyang parang itinulos sa pintuan.

Nagsalita siya ngunit walang lumabas na boses. Tumikhim siya.

"Yeah, whe--res Harmony?"
She stammered dahil ramdam niyang nakatitig ng matiim sa kanya ang kanilang bisita.

"Yan na ba yung pinapabili niya?"

I'm His BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon