Bodyguard-33

59.8K 1.2K 19
                                    

"Look, I'm sorry for being rude too." 

Nanlaki ang mata ni Ap sa narinig.

Humihingi ito ng tawad?

In the first place siya naman ang may kasalanan.

Siya ang trespasser sa tahimik nitong lugar.

"Luh, ako naman talaga ang may kasalanan. Tama lang saken yun. I have to go" Paalam niya dito

"Wait!" pigil ulit nito

"You can stay here if you want. Gabi na, delikado sa babaeng kagaya mo ang magbyahe ng ganitong oras. That's my rest house!" Turo nito sa bahay di kalayuan.

Hindi niya napansin kanina, maybe because she was occupied by her grief

Sa totoo lang, tinatamad na din naman siyang mag-drive.

"Hindi ako masamang tao." Akala marahil nito ay nag-aalangan siya dahil sa pananahimik niya.

Natawa siya. "I maybe look weak, pero kaya kung ipagtanggol ang sarili ko."

"Is that a yes?" 

"Uhmm yeah, in one condition."

Kumunot ang noo nito. "What condition?"

"May pagkain ka ba diyan? Nagugutom na ako."

Close sila agad?

"Noodles."

"Pwede na."

Ng makapagsalang ito ng tubig sa kalan ay pumasok ang lalake sa isa sa mga kwarto.

Paglabas ay may dala na ito at ibinigay sa kanya.

"Here, magbihis ka muna."

Mabait naman pala ang lalake eh.
Na highblood lang siguro kanina kasi ang akala nito ay magpapakamatay siya.

Agad naman siyang tumalima dahil giniginaw na siya.

***

Nagising siya kinabukasan ng masakit ang ulo.

Nasobrahan siguro niya ang pag-iyak.

Pinilit niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Sh*t hindi pamilyar sa kanya ang lugar na namulatan.

Itinaas niya ang kumot na tumatakip sa kanyang katawan.

Napamura siya ng makitang nakasuot siya ng hindi pamilyar na damit at boxer ng isang lalake.

Saka niya naalalang nakitulog pala siya sa lalakeng ang pangalan ay Caine Dela Merced.

Paglabas niya ay nadatnan niya ang lalakeng nagkakape.

"Morning." Bati nito ng mapansing gising na siya.

"Goodmorning."

"Your clothes are dry." Sumulyap ito sa sofa.

Nakita ni Ap na nandun ang kanyang damit at maayos ang pagkakatupi.

"Salamat." Lumapit siya sa kanyang damit at kinuha ito. Ipinasya niyang magbihis muna.

Napamura siya ng makitang 10:00 am na. Baka nag-aalala na ang pamilya lalo na at naka off ang tracker niya.

Mapapatay siya ng mga magulang.

"Thank you, for letting me stay."  

He nodded. "Welcome, you sure you don't wanna eat breakfast?"

"Nah, okay lang."

Inabot niya ang kamay niya sa binata. "Aphrodite Sarmiento." Ngayon lang niya naalalang magpakilala sa binata. 

Napangiti ito. "Caine Dela Merced at your service " yumukod pa ito.

Sabay silang natawa "Can I have your contact number? Baka ako naman ang maligaw sa lugar niyo makabawi ka man lang." Biro nito.

Ibinigay naman niya sa binata ang numero.

Matapos magpasalamat ulit nagpaalam na siya sa binata.

Binuhay niya ang kanyang cellphone.

Napamura siya ng sunod sunod na mensahe ang dumating galing sa kanyang pamilya.

Maya maya at tumatawag na ang kanyang ina

"Aphrodite Sarmiento! Where have you been? Hindi mo ba naisip na may nanay kang nag-aalala sayo? Ni hindi ka man lang tumawag!" Galit na galit na bungad ng ina sa kabilang linya.

"Ma I'm sorry, I'll explain later." 

"You better be, young lady." Anito at pinatay na ang linya.

Parang may sariling isip ang kanyang kamay at dina-ial ang number ni Dwayne.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso ng mag-ring ito

"Hello?" Babae ang sumagot hindi si Dwayne. It's Zoe.

Napamura siya. Mabilis niyang pinutol ang linya.

It's confirmed.

Magkasama nga ang mga ito.

Parang hiniwa ng napakatalim na bagay ang kanyang dibdib. 

T*ngeney naiiyak na naman siya.

 D*mn, when will this pain end? 

When? 

A/N

Huhu guys masyado na bang madrama?

Ano kayang reason ni Dwayne?

Hindi ba niya talaga minahal si Ap?

Shy__











I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now