Bodyguard-29

62.3K 1.3K 28
                                    

"Psssst, pogi anong oras na?"

Tanong ni Ap sa isang bantay niyang mukhang isang linggo ng hindi naliligo.

Brown na ang suot nitong maong na pantalon.

Maluwang ang ngising tumingin ito sa kanya. Lumabas ang naninilaw na ngipin.

Gustong masuka ng dalaga dahil sa tanawin.

Mukhang gustong-gusto nitong matawag na pogi.

Uto-uto.

"Mag-aalas siyete na, ganda." Lumapit ito sa kanya at pasimple siyang hinawakan sa hita.

Pasalamat ito at nakagapos siya dahil kung hindi, kanina pa putol ang braso nito.

She faked a smile.

"Salamat."

"Oisst anu yan? Tado ka pare, uunahan mo pa si boss. Bitawan mo, malilintikan tayo niyan eh." saway dito ng isang kasama.

"Iwanan niyo muna kami."

Lumingon si Aphrodite sa pinto ng marinig ang pamilyar na boses. Agad na dumilim ang kanyang mukha.

Mukhang nag-alangan pa ang mga bantay dahil hindi agad sumunod ang mga ito.

Bumalasik ang anyo nito.

"Ang sabi ko iwanan niyo muna kami!"
Ikinasa ng lalake ang hawak na baril at inuumang sa mga bantay niya.

Parang mga asong bahag ang buntot na nagsi-alisan ang mga ito.

"Anong kinalaman mo kay Ong?" matigas na tanong niya sa lalake.

"Hindi ko alam na kaya mong gawin ang bagay na to."

Hindi makapaniwala, may pinagsamahan ito at si Dwayne.

"I thought you we're a good man."

Umiiling-iling siya at napangiti ng mapait.

"This is the first time my instinct failed me."

"Hindi ko alam na aabot sa ganito. Gusto ko lang makaganti kay Dwayne sa ginawa niyang pang-aagaw kay Zoe."

Zoe?

Zoe na naman?

Oh di wow.

"He was your best friend right? Tinapon mo ang pagka-kaibigan niyo dahil lang sa isang babae?"

Gigil siya nito promise.

"Wala kang alam!"
Sigaw nito.

"Wala kang alam." Ulit nito sa mahinang boses.

"T*ng*na, ako ang nauna." Napasabunot si Noah sa buhok.

"She's everything to me. Ibinigay ko lahat sa kanya. Pero nagbago lahat when she met Dwayne. Sana hindi ko nalang siya ipinakilala." Nagsising saad nito.

"Kung talagang mahal mo si Zoe, why not let her be happy with Dwayne?" Mahinang saad niya.

Kung talagang mahal niya si Dwayne, why not let him be happy with Zoe?

Mashakeet besh.

"You are good looking and rich. I'm sure maraming nagkaka-kandarapa sayo."

Dumilim ang mukha nito.
"Let them happy? Samantalang ako nasasaktan? That's unfair!"

"Look Noah, where do you think revenge takes you? Are you satisfied now na naka-gapos ako?"

Naiintindihan niya ang lalake, pareho silang nasasaktan, dahil nagmamahal lang sila. But he was wrong. At hindi pa huli ang lahat.
"Any moment, darating si Dwayne. Ni hindi ko alam kung makakalabas siya dito sa lugar na ito ng buhay. Do you think Zoe will love you again after this? Will she love you again kapag nawala si Dwayne?"

Napasabunot ulit ito sa buhok "Madali lang sabihin sayo yan, dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!"

Napatawa siya ng mapait
"You think so? Wala ako sa sitwasyon mo? Then why I'm here, risking my life for Dwayne?"

Hindi makapaniwalang tumitig ito sa kanya.

"Kahit alam kong may mahal siyang iba, I still love him. Kahit nasasaktan ako, mahal ko parin siya. Kahit ilang beses pa ako magpaka-t*ng* o tawaging t*ng* wala akong pakialam. Mahal ko siya."

Love is love.

Kung mahal mo dahil mahal ka, that's not love.

Kung mahal mo dahil maganda siya o pogi siya that's not love.

If you love with reason that's not love.

Mahal mo dahil mahal mo.

Period.

Napa-awang ang labi ni Noah.

Magsasalita sana ito ng may mga yabag na papalapit.

Lumapit sa kanya at may inilagay itong kung anong bagay sa kanyang kamay.

"Mamatay ka din kasama ni Morales! Pakialamerang babae!"

"Noah my boy relax ka lang." tumatawang singit ni Ong.

"Inalerto ko na ang mga tauhan ko. Ibabaon natin ng buhay dito Morales."

"Dapat lang Mr. Ong."

Tinapunan niya ang mga ito ng masamang tingin.

"Mga walang hiya kayo!"

Humalakhak ang dalawa.

"Matalas din talaga ang dila mo, iha. Noah my boy, halika na we need to celebrate."

Bago lumabas ang mga ito ay tumingin ng makahulugan sa kanya si Noah.

Her instinct, never disappoints her.

Pipi siyang nagpasalamat.

May natitira pa ding katinuan sa isip nito.

Sinamantala niya ang pagkakataon. Habang nagto-tong its ang mga bantay.

She skillfully cut the rope na nakatali sa kanya gamit ang maliit na kutsilyong ibinigay sa kanya ni Noah.

Lagot kayo sa akin ngayon, mga pangeet kayo.

Alam niyang nasa labas na ang kanyang pamilya base sa berdeng ilaw sa kanyang relo.

Ngunit kailangan parin niyang mag-ingat.

Buhay ni Dwayne ang naka-salalay.

Pinulupot niya ulit sa maluwag na paraan ang tali sa mga kamay Yung tipong hindi makakahalata ang mga ito.

Naisip niya si Noah, naawa siya sa binata at kanyang sarili.

Pero ganun talaga.
Hindi mo naman malalaman na mahal mo ang isang tao kung hindi ka masasaktan.

In love, kahit hindi ka manalo ang mahalaga sumugal ka.
Kesa sisihin mo ang sarili mo sa huli. Manalo o matalo, ang mahalaga sinubukan mong ipaglaban.

A/N

Ang pag ibig daw ay parang imburnal.

Nakakatakot mahulog.

Dahil kapag nahulog ka,

It's either by accident o tanga ka lang talaga.

- Bob Ong!

Hahaha

Shy Seven












I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now