Bodyguard-42

63.6K 1.3K 44
                                    

Nakangiting kinapa ni Ap ang kanyang tabi ngunit agad siyang napasimangot ng wala si Dwayne.

Naiwang ammoy lang ng lalake ang nandoon.

Inis siyang bumangon.

Dumiretso siya sa banyo para maligo. 

Nagpapasalamat siya dahil hindi naman siya ganun kaselan sa pagbubuntis. Hindi katulad ni Harmony na halos araw araw atang nagsusuka nong nglilihi pa ito.

"Nak, lagot saken ang daddy mo. Ni hindi man lang nagpaalam." Aniya habang hinahaplos ang kanyang tiyan.

Napatulala siya at umakyat lahat ng ng dugo sa kanyang mukha ng mapagmasdan mabuti ang saliri sa salamin. 

Napasimangot siya. "Booset na Dwayne yan, kalahi ata ni Dracula." Bakas ang halik ni Dwayne sa kanyang buong katawan. 

Magmula leeg hanggang sa dibdib.

Napatampal siya sa noo at napangiwi. 

Paano niya tatakpan ang mga ito? Tiyak mamapansin ito ng mga kasama niya sa bahay.

Sa huli nagdisisyon siyang magsuot ng cotton tshirt at short. Inilugay niya ang buhok para matakpan ang kanyang leeg.

Nadatnan niya sa sala si Harmony na pilya ang pagkakangiti. Agad itong tumayo at inikutan siya.

"What?" Naiinis na tanong niya sa bestfriend.

Humalakhak naman ang baliw na besfriend/hipag niya

"Blooming, tsek!" 

Itinaas nito ang kanyang buhok na tumatakip sa kanyang leeg

"Hickies, isang malaking tsek."

Hinawakan nito ang magkabilang braso niya at tinagtag.
"Oh myyy sissy congrats! Nadiligan ka kagabi." Tili nito.

Agad niyang natakpan ang bibig ni Harmony at kinurot

"Naku kung hindi ka lang buntis binalibag na kita." Namumulang saad niya dito.

"Huwag kang maingay, marinig ka nila kuya. Baka masakal ako ng mga yun."

Tumawa naman ito  "Well sissy, too late." Nakangising saad nito

Nanlaki ang mga mata ni Ap "What do you mean?"

Ngumuso si Harmony   "Nandoon ang prinsepe mo sa kusina, kanina pa ginigisa ni Papa at ng asawa ko."

Hindi pa nito natatapos ang sinasabi nito ng agad siyang kumaripas ng takbo papunta sa kusina.

Nanlaki ang mga mata ni Dwayne ng makita si Ap na humahangos ng marating sa kusina

"What the—Ap why are you running?" Nag-aalalang sinabulong siya ni Dwayne.

"Anong ginawa sayo ni papa at kuya?"

"What? Wala naman." Aniya at agad na pinaupo ito

"Sigurado?" Nakangusong saad nito.

Hindi napigilan ni Dwayne ang sarili. Tinawid niya ang pagitan ng kanilang mga labi and he give her a peck on the lips.

He felt someone jerk kaya lihim siyang napamura sa isip. 

He can't get enough of her. Pero kailangan niyang pigilin ang sarili baka hindi na siya makalabas ng buhay sa bahay ng mga ito.

Hinaplos niya ang mamula mulang pisngi nito. "I'm so sure. Nagugutom ka na ba?" Masuyong bulong niya

Mas lalo pang namula ang pisngi nito.
"Anong niluto mo?" Ap pouted.

"Woohh ang tamis, aray. Bakit ba umagang-umaga ang daming langgam sa kusina?" Biglang singit ni Harmony.

Nakaakbay dito ang asawang si Zeus na katabi ang mga magulang nitong mag magkaakbay din.

Ap threw a glare on Harmony. Mamaya ka lang sasabunutan kitang buntis ka  Ginood time siya ng mahaderang hipag.

Natawa naman si Harmony mukhang naintindihan nito ang ibig niyang sabihin. Sumiksik ito sa asawang si Zeus.

"Dito ka ba natulog kagabi iho?" Nanunuring tanong ni Althea habang palapit ang mga ito sa hapag.

Halos pagpawisan ng malapot si Ap ng marinig ang tanong ng ina. Wala kasi ang mga ito ng dumating sila ni Dwayne kagabi.

While Dwayne coolly smiled "Yes po tita ayaw ko naman po kasing iwanan mag-isa si Ap kagabi."

Umiling iling si Zeus  "Palusot pa more Morales."

Tinawanan lang ito ni Dwayne. Hanggang ngayon nagtataka si Ap sa pagtanggap ng mga ito sa binata. Nagkaroon ng napakalaking milagro.

"Anong niluto mo para sa agahan Morales? Siguraduhin mong magugustuhan ko yan kung ayaw mong bala ko ang magiging aagahan mo" seryosong saad ni Zion na agad naming napangiwi ng batukan ito ng asawang si
Althea

"Love naman nagtatanong lang ako eh." Reklamo nito.

Pinanlakihan ito ng mata ni Althea. "May ganyan bang nagtatanong? Sayo ko kaya ipalamon yang bala mo?"

Niyakap naman ni Zion ang asawa.
"Love naman, kung makapagsalita ka parang ayaw mo ng bala ko ah. Katatapos mo lang kaya kanina." Pilyong saad nito.

Agad namang namula si Althea at hinampas ito. 
"Isa pa Zion, at permanente ko ng isasara ang bibig mo." Banta nito

Napakamot ito sa batok.
"Sabi ko nga love, tatahimik na ako."

Inikot ni Ap ang mga mata. "Teenagers lang ang peg?"

"Tsk wag niyong sabihing balak pa ninyo kaming bigyan ng kapatid? Magkaka-apo na nga kayo oh, dalawa pa." Naiiling na usal ni Zeus.

"Bah kung gusto ng mama niyo, willing pa naman ako." Pagyayabang nito

Mahinang sinuntok ito ni Althea "Dalawa!"

Sumusukong itinaas ni Zion ang mga kamay .
"Hindi na love, gustong-gusto lang kitang asarin dahil mas gumaganda ka sa paningin ko kapag galit." Lambing nito.

Sabay napangiwi ang magkapatid na Ap at Zeus samantalang natatawa lang sina Dwayne at Harmony.

Bumaling si Zion kay Dwayne "Ikaw iho, may isang rule na sinusunod ang pamilyang ito. Tayong mga lalake ang batas."

Madiing salita nito  "At silang mga babae, ang taga gawa ng batas." Natatawang dugtong nito

"Habang maaga pa, pwede ka pang umatras baka magsisi ka sa huli."

"Ah ganun, nagsisisi ka?" Asik ni Althea

"Hindi love."

Napuno ng tawanan ang kanilang hapag ng mga Sarmiento.

A/N

Woohh ang sarap naman magmahal ng isang Sarmiento

hahaha

Shy__

I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now