Bodyguard-25

65.9K 1.3K 25
                                    

Naunang pumasok si Ap sa Hq. Maya-maya ay sumunod naman si Dwayne at Caius.

Sinalubong si Ap ng pagbati galing sa mga trainees nila.

Last year lang nila binuksan ang Olympus sa mga trainees. Sa dami ng misyon ay hindi na nila kayang magpi-pinsan ang mga ito.

Tinanguan lang niya ang mga ito.

Dire-diretso siya sa white room kung saan naroroon ang pinsang si Quen. 

Sa ngayon ay off-limits muna ito sa outsiders maliban nalang kung may pahintulot ang isa sa kanang magpi-pinsan.

"Kuya"

Lumingon si Quen, matapos siyang tanguan ay itinuloy ang pagtipa sa computer nito.

Umupo naman siya sa tabi nito at tinignan ang ginagawa ng binata. "Where's Caius and Morales?" nakakunot noong tanong nito.

Bumukas naman ang pinto at iniluwa ang dalawa.

Binilin na ni Quen ang agent na nagbabantay sa labas ng pinto ng white room na pwede nitong papasukin ang dalawa.

She rolled her eyes. "Speaking kuya."

Bumaling ito sa dalawa.

"Have a sit." agad namang tumalima ang mga ito.

Inilabas ni Quen mga tablet at isa-isang inilapag sa mesa.

Binuksan ang video sa laptop. Konektado ito sa mga tablet kaya pati dito ay nag-play ang video.

Pumasok si Thor at Quen sa White Room habang nakapikiring ang isang lalaki.

Ito ang lalakeng nahuli ni Ap na pumasok sa penthouse ni Dwayne.

Kung si Quen kalmado ang bawat kilos.

Her cousin Thor was short tempered.

Umuwi pala ang si kuya Thor. Ngayon lang niya nalaman.

Ikinasa ni Thor ang dalang baril.

Naalerto naman ang lalaki at agad na nagpapapasag.

"Sino kayo?"
Nagpumiglas ang lalake.
"Wala kayong mapapala sa akin patayin niyo na ako."

Thor smirked naging mabalasik ang anyo.

"Patayin pala huh." Pina-putukan ito ng kuya Thor niya ng sunod-sunod ngunit hindi pinatamaan.

Tinanggal nito ang piring ng lalaki.
"I have two bullets left. Kung mamatay talaga ang hiling mo, sisiguraduhin kong ang isa babaon sa ulo mo at isa sa dibdib mo."

Dumaan ang takot sa mata ng lalaki ng makita niya ang mabangis na anyo ni Thor.
"Now what? Magsasalita ka ba o magpapaalam ka na sa mundong ito? Sino ang gustong pumatay kay Sid Dwayne Morales?" Halata na ang pagkainip sa anyo nito.

Nang hindi umimik ang lalaki itinutok ni Thor ang baril sa ulo nito.
"Madali lang naman akong kausap."
Akmang kakalabitin na nito ang gatilyo ng baril ng sumigaw ang lalake.

"Magsasalita na ako. Magsasalita na ako." Naginginig nitong sabi.

"Isang minuto, baka tuluyan akong mainip." Thor

"Si Mr. Frederick Ong ang gustong magpapatay sa kanya." Nahintatakutang sigaw nito ng idiin ulit ni Thor ang baril sa noo nito.

"F*uck!" Marahas na mura ni Dwayne sa napanood.

"Bakit gusto nitong ipapatay si Morales?"

"Gusto nitong makuha ang kompanya nito. Kahit patayin niyo na ako ngayon, okay lang. Ipangako niyo lang na bantayan niyo ang pamilya ko. Baka balikan sila ni Mr. Ong." Pagmamakaawa nito. At doon na naputol ang video.

Bumaling si Ap sa nakakuyom ang kamaong si Dwayne.

She already had the idea, pero iba parin kapag confirmation na.

Sa kaunting panahong pagtratrabaho niya sa kompanya ng Dwayne, she witnessed how he treated him like his own father.

At ito ang COO ng kompanya ni Dwayne.

"Frederick Ong, accomplice." Ani Quen.

Another video played.

Muling nagmura si Dwayne ng lumabas ang mukha ni Noah.

"He is my best friend. Hindi ko alam na mahal din niya si Zoe." marahang bulong nito.

Mahal din niya?

Sh*t.

Tila muling may matalim na bagay ang humiwa sa puso niya.

Bakit ba kasi pauulit-ulit niyang nakakalimutan na may Zoe ito?

"How to catch them red handed?"
Pilit na pinakaswal ni Ap ang bose.

Quen looked at her and shook his head.

"Sorry Ap, from now on, you are out of this mission."

Kapag Ap na ang tawag sa kanya ng pinsang si Quen ay seryoso na talaga o galit na ito.

"Zeus order. You've gone too far. And that's enough. Kami na ni Caius ang bahala. Alam na natin kung sino ang gustong pumatay sa kanya."

"No, kuya you can't do this to me!" Hindi na niya mapigilang magtaas ng boses.

"Do you think I'll just sit and watch you get hurt? Baka makapatay na ako sa susunod." Madiing wika nito at dumilim ang mukha ng sumulyap kay Dwayne.

Lumabas siya sa white room na gulong-gulo ang isip.

She doesn't want to stay out of this.

Kailangan niyang tapusin ang nasimulan.

Imbes na sumakay sa sasakyan ay ipinasya niyang maglakad.

Kailangan niya makapag-isip kung papaano makukumbinse ang kuya Quen at kuya Zeus niya na tapusin niya ang misyon.

Dahil doon ay hindi niya napansin ang itim na van na papalapit.

Huli na para lumaban o tumakbo, dahil may panyong biglang tumakip sa ilong niya.

Sa kanyang nanlalabong paningin narinig pa niya ang sabi ng isa sa mga ito.

"Bilisan niyo ipasok yan! Baka mabulisyaso na naman tayo. Papatayin na tayo ni boss!"

At tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman.












I'm His BodyguardOnde histórias criam vida. Descubra agora