Bodyguard-8

89K 1.9K 40
                                    

Hinahalo ni Ap ang niluluto ng may biglang magsalita sa kanyang likuran.

"Are you done? I'm starving."

Napadikit tuloy ang braso niya sa kaserola dahil sa gulat

"Awwww, f*ck syet." Sigaw niya sabay lapag ng sandok.

Hinablot nito ang braso niya "Hindi ka kasi nag-iingat." Sinipat ang kanyang brasong namumula na.

Bahagya siyang napakislot ng maramdaman ang init na nagmula sa kamay nito

"Sino ba kasi ang nanggugulat?" Nakanguso niyang sabi dito.

Syete ang hapdi huhu

"Wait here." Pansamantala itong umalis ng bumalik ay may dala ng ointment.

He gently held her arm at dahan-dahang nilagyan ang kanyang namumulang balat.

Napatitig siya dito.

Pakenteyp! Ang gwapo talaga ng mokong na ito.
Nakapambahay na ito, ibang iba sa itsura nito kanina habang naka-suit but deym.
He still looks dignified even with his slippers on.

Bumilis ang tahip ng kanyang dibdib ng tumingin ito at nasalubong niya ang matiim nitong titig.
Parang na-hipnotismo siya ng dahan-dahan nitong inilapit sa kanya ang mukha.

Isang hibla nalang ay magdi-dikit na ang kanilang mga labi ng may maamoy siyang nasusunog.

"Ang niluluto ko."

Napatili siya.

Mabilis siyang tumayo at tinignan ito.
Nalukot ang mukha niya ng makitang halos mangitim na ang nilaga.

Nilaga ba? Parang naging adobo na eh.

Napatapik siya sa noo

Napakislot siya ng lumapit din ito at sinilip ang niluto niya.

"Pwede pa naman, sa ilalim lang naman ang sunog."
Bahagya pang nakaangat nag dulo ng labi nito. Nagbabadya ng ngisi.

Lumayo ito sa kanya at nagsimulang ayusin ang mesa.

"Sir ako na, maupo ka na nalang."

Inagaw niya ang pinggan at itinuloy ang ginagawa ng lalake.

Siya na na din ang nagsandok ng kanin at ulam.

Ang lalake naman ay tahimik lang na sinusundan ng tingin ang bawat kilos niya. Bigla tuloy siyang nailang.

"Let's eat." Aya nito.

Makita ko lang na busog ka busog na din ako.

Bulong niya habang pinagmamasdan itong kumain.

"What?" Dwayne.

She felt her cheeks burned. Napalakas pala ang pagkakasabi niya.

"U-hm sabi ko sir, kakain na ako. Baka kasi ubusin mo."
Palusot niya.

Pakenteypt talaga oh!

Napa-padalas na ang pagmumura niya sa isip dahil sa lalaking ito.

Kapag nalaman ito ng kanyang ina ay makakatikim siyan ng kurot sa singit.

Di niya mapigilan ang sariling pagmasdan ito while he's sexily chewing his food.

Gusto tuloy niyang mangarap na maging kutsara nalang.

Dahil sa nangyari sa opisina ng binata isang pasya ang nabuo niya.

Dito muna siya matutulog sa penthouse para mabantayan ang boss.

Kahit mahigpit ang siguridad ng buong building ay ayaw niyang maging kampante. Mahirap na, mukhang halang ang kaluluwa ng kung sino mang taong gustong pumatay dito.

Hindi pa nila matukoy kung sino, ngunit kumikilos na siya. Na sa kanyang kuya Quen na ang impormasyon maging ng mga empleyado ni Dwayne.

Napahigpit ang hawak niya sa kanyang kubyertos, sisiguraduhin niyang hindi magtatagumpay kung sino man ang mga ito.

Kahit sa impyero ay hindi niya aatrasan kung sino mga ito.

Ap was walking back and forth while talking with his brother on the phone.

Kinwento niya dito ang mga nangyari.

"F*ck! kailangan niyong mag ingat sis."

"Don't worry kuya, I can handle this. I'll stay here muna."

"That's the best thing to do, I'll talk to him later."

Ilang minuto din silang nagusap ng kapatid niya bago nito pinutol ang tawag.

She bites her lips out of frustration, sa isang linggong pamamalagi niya sa opisina ng binata wala pa naman siyang naengkwentrong kahina-hinala.

Ang delivery boy palang at muntik na siyang masalisihan.

Napatingin siya sa pintuan ng kwarto ng binata ng lumabas ito.

"You can go home Miss Sarmiento."

Tumaas ang kilay niya.
"I'll sleep here, sir."

He glared at her.
"Sleep here? No need, I can manage."

Hindi lang ang ulo nito sa baba ang matigas. Pati ulo nito sa taas.

Hindi siya nagpatalo sa matalim na titig ng binata. " Really?

"Sa tingin mo pagkatapos ng nangyari kanina makakatulog ako ng mahimbing sa bahay ko? My job is to protect you. Whether you like it or not, I'm staying."
Pinal na sabi niya sa binata.

He smiled sarcastically. "Then suit yourself."
umupo ito at binuhay ang tv.

Kalma lang Ap, kalma.

Napatingin siya sa suot, she's still wearing her office attire. At hindi siya makakatulog ng hindi naliligo. Lumiwanag ang kanyang mukha ng may maisip siyang idea. Kinuha niya ang cellphone at nag-dial ng numero.

"Oh, kailangan mo bruha?"

"Love pwede favor?" Malambing niyang saad.

"Tse! shatap bruha kinikilabutan ako sayo." Tili ni Ricky.

She burst out into laughter. Kinagat kagat niya ang labi para hindi ulit mapahalakhak.
"Love, padala naman ng damit oh, ite-text ko sayo yung address."

"Fine, but in one condition. Stop calling me love nakakadiri ka talaga Ap. Hindi ako tibo." Malanding wika nito sa kabilang linya.

She instructed Ricky kung ilang pares ng damit ang ipapadala nito.
"Thank you love, lab you." Panga-asar pa niya dito bago pinutol ang linya.
Nai-imagine niya ang mukha ng bruhang diring-diri sa mga pinagsasabi niya.
Kaya hindi niya mapigilang mapa-bungisngis na agad napawi ng mapatingin siya kay Dwayne.

He was frowning.
Halos magbuhol na ang mga kilay nito sa pagkakasalubong.

Problema ng isang ito? Moody.





















I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now