Bodyguard-14

80.2K 1.7K 62
                                    

Para aning si Ap na nakangisi habang sumusunod kay Dwayne.

Hindi parin siya maka get-over sa kilig.
 
One point Ap.

Nang bigla itong lumingon.

Huling-huli siya sa aktong parang nahihibang. 

"Bakit ang bagal mong maglakad Miss Sarmiento?"
Nakasimangot nitong sita.

Binilisan niya ang mga hakbang para makasabay dito.

Bawat madaanan nilang kasambahay ay yumuyuko.

Kulang nalang ay young master ang itawag dito.

May kaya sila sa buhay ngunit dahil sa negosyong mayroon sila sinanay sila ng mga magulang na mamuhay parang sa karaniwaan.

Dalawa lang ang kasambahay nila.
Si nanay Lisa ang nagpalaki sa kanila ni kuya Zeus at Quen.

Bata palang ng mawalan ng magulang si kuya Quen kaya ang papa at mama na niya ang nagsilbing mga magulang nito.

Si nanay Mona ang kanilang cook.

Bata palang sinanay na sila sa mga gawaing bahay.

Tinuruan sila kung paano ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Sparring at shooting ang bonding time nilang magpipinsan.

She learned how to become more independent ng magdesisyon siyang pumunta sa US ng hindi na ito magpakita matapos may manyari sa kanila ni Dwayne.

After her mission ay babalik na siya ulit sa US.

"Something wrong?" Tanong nito. Marahil napuna nito ang pag-iba ng timpla ng aura niya.

Bahagya niyang pinilig ang ulo "Wala, sir."
Konting tiis nalang.
Pilit siyang ngumiti. 

Maluwang ang ngiti sa labing sinalubong sila ng ina ni Dwayne.

"Iho, salamat sa Diyos at pumunta ka. Akala ko hindi ka na tutupad sa usapan."

Humalik si Dwayne sa noo ng ina. "Good evening, gorgeous."

"You brought this pretty lady with you, welcome iha." baling nito sa kanya. Hinalikan siya ng ginang sa pisngi.

"Good evening po, you look good yourself ma'am."
Nabawasan ang kanyang hiya. Hindi maikaka-ilang mabait ang ginang.

"Oh siya, let's go inside." Kumapit ang ginang sa kanyang braso iginiya siya papasok.

Gusto niyang mapaatras ng makita niyang meron pang ibang nakaupo sa marangyang hapag ng mga ito.

Bukod sa matandang lalaking kahawig ni Dwayne na nakaupo sa pinakagitna  ay may tatlong pares pang mga matang tumitig sa kanya.

Napakislot niya ng maramdaman niya ang mainit na kamay na kinabig sa kanyang bewang

"Relax, Miss Sarmiento, they won't eat you. But I will."

Bigla siyang namula, tengene ng lalakeng to. Kahit sa harap ng pamilya ay maniac.

Gusto niya naman.

Moody talaga ang mamang ito.

"Bro long time no see, masyado ka ng tutok sa negosyo mo at wala ka ng oras magpakita sa amin?"
Salubong kay Dwayne ng isang gwapong lalaking singkit ang mata. 

"Yeah right brodah, nagtatampo na ang pamangkin mo oh." Sabat ng isang babaeng may kahawig sa ina ng binata.

Nginuso nito ang batang babaeng nakaupo sa tabi nito.

Humalakhak ang binata. "Woah masyado niyo naman akong na-miss. I'm flattered."

Hala, marunong palang tumawa. Kala niya abnormal eh.

I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now