Bodyguard-15

76K 1.6K 9
                                    

"Iha, wanna see my garden?"

Pinaunlakan ni Ap ang paanyaya ng ina ni Dwayne.

Ang tatlong lalaki ay kasalukuyang nag-iinuman.

Habang ang kapatid ni Dwayne na si ate Deena ay pumanhik sa taas upang patulugin ang anak nito.

"Mahilig ka ba sa bulaklak iha?"

"Opo, pero hindi po sila mahilig sa akin ma'am" Biro niya dito.

Tumawa ito "Bakit mo naman nasabi iha?"

"Kasi po, kapag nagtatanim po ako namamatay. Mainit po siguro ang kamay ko ma'am."

Tumawa ng malakas ang ginang

"Woooooooww!" Hindi niya mapigilang mapabulalas.

Napakaganda ng garden ng ginang.

May pathway sa gitna na yari sa  bato. Sa gilid ay may mga ilaw papunta sa isang pavilion.

Hindi niya mabilang kung ilang klase ng bulaklak mayroon dito.

Napatingala siya sa bilog na buwan, nakadagdag ito sa nakakahalinang paligid. She was like in a fairy tale setting.

"Kayo po ang nagtanim ng lahat ng ito ma'am?"

Umupo sila sa may swing.

"Oo iha, ito lang ang libangan ko, lalo na kung busy ang mga anak ko."
Nakangiting sagot nito.

Madami pa silang napag-kwentuhan ng ginang.

She can't help but to miss her mom. I'll call her later.

"Iha, maiwan muna kita i'll just check the boys." nakangiting paalam nito.

Napapikit siya ng makaalis ito. I wish life could be this simple.

No goons, no blood, no danger.

Wala sa sariling napangiti siya ng muling magmulat at mapagmasdan ang kapaligiran.

Pansamantalang nakalimutan niya ang dahilan kung bakit siya nandito.

It felt so peaceful.

Naputol ang kanyang pagmumuni muni ng makaramdam siya ng mabigat na titig sa kanyang likuran.

Agad siyang napatayo. "Sir uuwi na po ba tayo?"

"No, I already called Caius. Told him we're gonna sleep here."

Napataas siya ng kilay. "Without even asking me?" Hindi na niya itinago ang inis.

But deep inside her she was nervous.

"Do I have to Miss Sarmiento?"

His jaw moved. "Are you afraid of me?"

"Of course not!"

She's afraid of herself.

Kinalma niya ang sarili, alam niyang nakainom ito.

"You're drunk sir, you need to rest" Mahinahon niyang saad.

"No, I'm perfectly sober Miss Sarmiento."

Bigla siyang naalarma ng lumapit ito sa kanya.

She need to escape from him immediately.

"Okay sir, good night."

"Not so fast Aphrodite"

Naririnig lang niya ang buong pangalan kapag galit ang ina niya.

Hinawakan siya sa braso at pinigilan siya sa pag-alis.

Nanulay ang maliliit na kuryente sa kanyang katawan dahil sa hawak nito.

Umupo si Dwayne sa swing at hinila siya pabagsak sa kandungan nito.

D*mn!

Tila hindi pa ito nakontento. Niyakap siya nito ng mahigpit.

"This is life."

Napapikit siya, yeah this is life.

She doesn't know, that being in someone's arms can make you feel this calm.

She wished, they could stay this way.

"Nahihirapan ka ba?" Basag ni Dwayne sa katahimikan.

Nagtataka siyang lumingon dito "Saan?"

"Protecting me?" Mapait itong tumawa.

"No."

Mas mahirap ng wala sa tabi nito.

"I feel useless." Mahina nitong saad.

"What do you mean?"

"I don't want you to risk your life for me."

But she wants to.

"That's my job." Maikli niyang sagot.

"You have great job in the US. Unlike here. Why not go back?"

Go back?

Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Atat lang na bumalik siya?

Why is he hugging her when he wanted her to go back?

A jolt of pain scrapped her heart.

Inis na binaklas niya ang mga bisig nito at tumayo.

"Bakit? Sawa ka na ba sa pagmumukha ko sir? Risking my life is part of my job, even it's not you, I'll do the same."

Madiin niyang sabi dito. She tried her best na hindi mabasag ang tinig.

"I'm sorry to inform you this, magtiis ka muna sa pagmumukha ko until my brother comes back. Then I'll be out of your sight."

Napamura siya sa bahagyang garalgal na tinig.

Mabibigat ang mga hakbang naglakad siya palayo dito.

Naka-tatlong hakbang pa lang siya ng maramdaman niya ang mga brasong mahigpit pumulupot sa kanya.

Gusto niya itong ibalibag at balian ng buto ngunit tila nanghina siya.

She'll admit it or not, this man is her weakness and strenght at same time.

Hindi niya namalayang nakawala na ang mga luhang kanina pa niya pinipigil.

"You don't need me? Then why are you holding me?" Puno ng pait niyang tanong dito. "You're making me confused."

Pinaharap siya nito. their gaze met.
His eyes seems telling her something.

But this time, she won't be fooled.

















I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now