Bodyguard-40

64.2K 1.2K 24
                                    

Alas otso na ng maihatid siya ni Dwayne sa kanilang bahay. 

Naiinis siya dahil hindi man lang nagtake advantage sa kanya ang binata.

Balewala ang effort niya sana nag-kimono nalang siya sa dinner nila.

Naikwento na niya dito kung paano sila nagkakilala ni Caine dela Merced. Madami itong tinanong sa kanya. Parang bumabawi sa lahat sa isang buwang hindi ito nagparamdam.

Kapag siya ang nagtatanong kung ano ang nangyari dito sa loob ng isang buwan ay agad nitong iniiba ang usapan.

Mas nadadagdagan tuloy ang inis niya sa binata. Inalalayan siya nito papasok sa kanilang bahay.

"Magbihis ka na magtitimpla na muna ako ng gatas mo." Tinanggal nito ang suot na suit at ipinatong sa kanilang sofa

Walang imik siyang tumalima dito. Rinig sa buong kabahayan ang tunog ng takong ng kanyang flat shoes dahil sa bigat ng kanyang mga hakbang.
Bwisit na bwisit siya kahit man lang halik sa pisngi wala? 

Pagpasok niya ng kwarto agad niyang ibinato ang kanyang sapatos sa gilid at basta nalang humablot ng negligee sa kanyang closet.

Saktong makapagbihis na siya ng makarinig siya ng mararahang katok sa pinto. Padarag na binuksan niya ito.

"Here" inabot ni Dwayne ang isang baso ng gatas.
"Where's your vitamins?"

Umupo siya sa kanyang kama "Nasa ibabaw ng mesa."

Lumapit naman ito sa mesa at kinuha ang vitamins niya.

Pagkatapos lumapit ito at umupo sa kanyang tabi. "Take this, para maging malusog kayo ni baby." Masuyong usal nito.

Halos hindi malunok ni Ap ang vitamins na inabot nito. Ramdam na ramdam niya ang init na sumisingaw mula sa katawan ni Dwayne dahil ilang pulgada lang ang layo nito sa kanya.

Nanigas siya kasabay ng pag party-party ng kanyang puso ng bigla siyang yakapin ng binata

"D*mn I miss this!" Humigpit pa lalo ang yakap nito pero iniwasan nitong maipit ang kanyang tiyan.

"I miss you." Anas nito.

Napapikit siya ng mariin. Naiiyak siya, she missed him too! Miss him so much! 

Napakasarap ng pakiramdam na mapaloob ulit sa mga bisig nito. Hindi niya tuloy napigilang mapasinghot. 

Inangat nito ang kanyang mukha "Why are you crying sweetheart?" Nag aalalang bulong nito.

"I mi--ss you too!" Parang sine, nagrewind sa utak niya lahat ng sakit at paghihirap na naranasan niya ng bigla itong hindi nagparamdam.

"I hate you!" Hinampas niya ito ng paulit ulit at tuluyan na siyang napaiyak.

"Bakit bigla ka nalang hindi nagpakita? Nawala ka nalang parang bula! Hinanap kita! Nagpunta ako sa opisina mo wala ka. Nagpunta ako sa penthouse mo wala ka. Sabi ni manong guard lumabas ka kasama ng girlfriend mo!. Pakenteyp naman oh Dwayne. Hindi mo ba alam gano kasakit sa akin yun?" Sumbat niya dito.

"Sobrang sakit, dito!" Turo niya sa kanyang dibdib

"Two years ago ganun na naman ang ginawa mo  Nawala ka ulit pagkatapos ng gabing yun " paulit-ulit niyang sinuntok niya ang dibdib nito.

"Pinilit kitang kalimutan habang nasa US ako  Pero nakakainis lang, hindi ka mawala sa isip ko. Then I saw you again at my brother's wedding, pakiramdam ko kahapon lang ang two years! I tri--ed. Sinubukan kong iwasan ka dahil ayoko ng nararamdaman ko. Natatakot ako. Pero sh*t lang. Pati pagkakataon pinagkakaisahan ako  Bigla nalang ako ang pumalit kay kuya bilang bodyguard mo." Humagulgol na siya

"Sanay ako sa humahagibis na bala pero noong may magtangka sa buhay mo. That was the first time I felt so scared. And that day I also realized one thing. Hindi kita makalimutan dahil una palang you already stole not just my virginity but this." Turo niya ulit sa dibdib.

 "Then it happened again. Ma--sama ba akong babae? Dahil kahit alam kong may girlfriend ka na paulit-ulit kong ibinigay sayo ang sarili ko sayo? Bwisit ka! Paasa ka kasi."

Niyakap siya ni Dwayne ngunit tinabig niya ito

"Kaya heto nagpapakatanga na naman ako. Kahit alam kong ikakasal ka na kay Zoe, pero pakenteyp! Masama bang pagbigyan ko ang sarili ko pati ang anak ko na makasama ka namin habang hindi ka pa kasal? Syete talaga. Pero wala akong magagawa eh, mahal kitang gago ka." 

She burst out! Hindi na niya napigilan ang sarili. Napahagulgol na siya ng yakapin siya ulit nito ng mahigpit. Maya maya ang mahihinang hikbi niya at malalalim na paghugot nito ng paghinga ang namayani sa loob ng kanyang kwarto.

Nararamdaman niya ang marahang paghaplos ng mga kamay ni Dwayne sa kanyang likod pati na din ang masusuyong halik nito sa kanyang noo.

"Umu-wi ka na gabi na." Pinilit niyang makawala sa mga yakap nito. Ngunit hindi ito pumayag sa halip inaangat nito ang kanyang mukha.

Muntik na siyang malunod sa emosyong nakapaloob sa mga mata nito. His eyes are red too may mumunting luha ang sumusungaw sa mga mata nito

"I'm sorry sweetheart. I'm so sorry." Maya-maya ay marahan ng yumuyog ang balikat nito.

"Sorry for causing you too much pain. I'm sorry for being a coward." Hinawakan nito ang mga palad niya at umiyak doon.

"Can you give me another chance?" Puno ng pakiusap ang mga tinig nito. "Can we start again please?"

"How about Zoe? Ikakasal na kayo diba?"

"There's no me and  Zoe!" 

"Sino pala ang papakasalan mo?" Nakakunot noong tanong niya dito

"In due time you will know sweetheart." Anito at masuyong nakatingin sa kanya.

Biglang kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib ayaw niyang mag assume pero pakenteyp lang! Umaasa na naman siya.

Pinunasan niya ang luha at lumabi. "Mamaya paasa ka na naman!"

"No, hindi na sweetheart  Magpapabaril ako sa pamilya mo kapag nangyari ulit yun."

"Okay." Nakalabi paring saad niya

"Anong okay?" 

"Oo na last na to huh, kapag bigla ka ulit nawala itutumba na kita!" Panakot niya sa binata. 

Mahigpit siyang niyakap ulit ng binata. "Thank you sweetheart!" pinaliguan ni Dwayne ng magagaang halik ang mukha niya. Hanggang sa makarating ito sa mga labi niya.

Dahan dahan at puno ng pag iingat siya nitong hinalikan. Umalpas ang kanyang ungol ng marahan nitong kinagat nito ang kanyang pang ibabang labi.

 They moaned in unison when their tongues met. Ang marahang halik ay naging malalalim. mapangahas.

Mapusok.

Napakapit siya ng mahigpit sa mga braso ni Dwayne.

Parang sinilaban ang kanyang buong katawan ng magsimulang humaplos ang kamay nito sa kanyang bewang pataas sa kanyang dibdib 
"D--wayne hmm." Impit siyang napaungol

 Dwayne groaned "They're bigger now." Anas nito at marahang hinuhulma sa mga kamay nito pagkatapos ay pinipisil ang tuktok nito.


A/N

Prrtttttt! hahaha time out!

Bibitinin ko ulit kayo guys sorry. hahahaha

Masakit kasi ulo ko

Bukas ulit guys! haha 

Shy___













I'm His BodyguardDonde viven las historias. Descúbrelo ahora