Bodyguard-32

62.7K 1.2K 58
                                    

Nilunok ni Ap ang kanyang pride at tinawagan si Dwayne.

Kagat-kagat ang labi habang hinihintay niyang mag-ring ang cellphone nito.

Syete Ap, anong ipapalusot mo?

Parang tangang bulong niya sa sarili.

Napamura siya ng unattended ito.

Ipinasya niyang puntahan nalang si Dwayne sa kompanya nito.

Gusto niyang makita ang binata bago siya umalis dahil hindi na sila nagkaroon ng oras.

Para kasi itong bulang nawala pagkatapos siyang i-rescue.

One last try.

One last cry.

Bago pa siya tuluyang mapakanta ay pumasok siya sa office nito.

Malinis ang mesa ng lalake. Tila hindi ito pumasok.

Inilabas niya ang cellphone pero napamura siya ng disabled na ang security cam nito sa loob.

Ang penthouse naman ni Dwayne ang isinunod niyang puntahan.

"Manong napansin niyo po ba si Mr. Morales?" Baka alam ni kuyang guard.

"Opo mam."

Nagkaroon ng pag-asa si Ap.

"Nakita ko ho siya, mga 8:00 am, kasama po ni ser yung gerlpren niya."

Mga limampung bala ata ang bumaon sa kanyang dibdib dahil sa sakit na naramdaman.

Sapul na sapol.

Hindi na niya nakuhang magpasalamat sa kuyang guard.

Mabilis siyang nagtungo sa kanyang sasakyan.

Pagkapasok sa loob ay pinakawalan niya ang mga luhang kanina pa gustong bumuhos.

T*ngina!

Kahit kailan, paa ang Morales na iyon.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak.

Namumugto na ang kanyang mga mata ng tumigil siya.  

She can't go home like this.

Binuhay niya ang makina ng kanyang sasakyan.

She doesn't know where to go.

Pero bahala na.

She turned off her phone. Even her tracker.

Gusto niya munang magpag-isa.

Dumaan siya sa 7/11 para bumili ng alak.

Baka sakaling makatulong na mamanhid ang puso niya at panandaliang makalimutan ang sakit kahit ngayon gabi lang.

T*ngina, bakit ba kasi wala pang naiimbentong pain reliever para sa heart ache?
Kahit mahal, she's sure magiging mabenta.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nagdrive.

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng matagpuan niya ang sariling huminto sa tabi ng dagat.

Sa tingin niya private ang lugar na ito dahil wala man lang katao tao.

Binitbit niya ang biniling alak at lumabas.

Napapikit siya ng sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin.

Pasalampak siyang umupo sa buhanginan.

Binuksan niya ang bote at nilaklak ito.

Nagtaka siya, bakit hindi mapait?

Napahawak siya sa noo ng mabasa ang label nito.

Hindi pala alak ang nakuha niya, coke pala.

Palpak na naman siya.

Gusto niyang ihagis ang bote ngunit binawi ito.

Baka makasugat pa ng iba, kaya ang chichiria nalang ang binuksan niya.

Meryenda lang sa tabing dagat ang peg?

Mauubos na niya ang coke ng ipinasya niyang maligo.

Napasigaw siya sa lamig ng tubig.

"D*mn you, Morales! D*mmn you! But f*ck, I still love you!"

Nasa leeg na niya ang tubig kaya napaubo siya.

She's a great swimmer.

There's nothing to worry.

Hanggang sa tuluyan na siyang lumubog at nilamon ng tubig at dilim.

Aangat na sana siya para sumagap ng hangin ng biglang may humablot sa kanya pataas.

"D*mn, are you planning to kill yourself woman?"
Galit na saad nito.
Isinampay siya nito sa balikat at binuhat paahon sa tubig.

Ibinagsak siya nito sa buhanginan.

"Who are you?" Naiinis na tanong niya sa lalaki.

Welengheyeng to, pinutol nito ang pagmo-moment niya. 

"Me?" Itunuro nito ang sarili.

"Ay, hindee. Ako." Turo ni Ap sa sarili.

"Ako lang naman ang may ari ng lugar na ito. Kung balak mong magpakamatay, lumipat ka sa iba. Huwag dito!" Pasigaw na saad nito.

Nagpasalamat si Ap sa liwanag ng buwan dahil nakita niya ang mukha nito.

He's handsome, alright!

He has perfect body too. 

Pakenteyp Ap, broken hearted ka na nga.
Nagawa mo pang tumingin ng abs.

Tinaasan niya ito ng kilay

"For your information Mr. Me! Wala akong balak magpakamatay! Hindi ba pwedeng naliligo lang?" 

"That's what you call naliligo lang? Ang tagal mong umahon?" 

Tumaas ulit ang kilay niya "So kanina ka pa nandito?"

"Obviously! Ako ang may-ari ng lugar diba? Pasigaw-sigaw ka pa nakakaistorbo ka sa pagpapahinga! Ang alak para sa tiyan hindi sa ulo." Bulyaw nito.

Teka nakakarami na tong lalakeng to sa kakasigaw.

Sample-an niya kaya ito ng flying kick sa treasure nito?

Umirap siya. "Sorry naman. Hindi ko naman alam na may tao, feel kong mag moment eh! Pakialam mo ba?" pabalang niyang sagot dito. "At alak? Haler, coke yan."

Napailing ito. "If I we're you, I'll  leave now. Bago pa ako mawalan ng pasensya at ipapulis ka."

As if natatakot naman siya.
"Fine, makaalis na nga. Salamat nalang Mr?"

"Caine Dela Merced." Nagawa  nitong magpakilala kahit nakasimagot. 

Sh*t parang si Dwayne lang.

Bigla siyang napangiti ng mapait ng maalala ang paasang lalake.

Gusto na naman niyang maiyak. 

Bumuntong hininga siya.

"Look, I'm sorry for barging into your peaceful place. Aalis na ako pasensya na sa istorbo"
She wanna give herself a clap dahil napigilan niya ang paggaralgal ng boses.

"Wait!" Pigil nito sa kanya sa akmang pagbukas niya ng sasakyan.

Pinahid niya ang patak ng luhang kumawala sa kanyang pisngi. Nagtatakang bumaling siya dito.

"Look I'm sorry for being rude too." Hingi din nito ng paumanhin.

A/N

Wahhh fafa Dwayne asan ka na ba?

Mukhang may nadagit na namang boylet si Ap!

Sino si Caine Dela Merced? Anong magiging role nito sa buhay ni Ap?

Shy___



















I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now