Bodyguard-22

71.5K 1.4K 76
                                    

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Dwayne na katulad niya ay nagbabaga ang mga mata nito sa galit.

Siya pa ang may ganang magalit?

Kalma lang Ap, kalma lang.

"Saan ka nagpunta?"
Malamig ang boses na tanong Dwayne.

Pinili niyang manahimik baka kung anong masabi niya sa lalake.

Umuwi na ba ang chaka doll nitong jowa?

"Kung makikipag-landian ka, make sure hindi ko makikita."

"Landian?"

"Playing innocent, sweetheart?" Nang-uuyam na saad nito. "I saw you and Caius, happily eating weird orange colored dun sa kanto. Kaya pala bigla kang nawawala."

Nagpanting ang pandinig ni Ap.

"Kumain lang, nakipag-landian na? Eh anong tawag mo sa magka-kandong habang naghahalikan?"

Nagpuyos sa galit ang kalooban niya ng maalala ang nakita.

"What do you mean?" Nakakunot noong sambit nito.

Blangkong tingin lang ang sagot niya dito. Ayaw niyang makipag-diskusyon ng ganito ang nararamdaman dahil baka kung ano pa ang masabi niya sa binata.

"F*ck, you installed hidden camera in my office."

It was a confirmation hindi patanong na saad nito

Ngumisi lang siya ng nakakaloko. "In 10 minutes you have a meeting with Mr. Cojuanco, sir"

"Cancel that d*amn meeting, hindi pa tayo tapos mag usap."

"Wala na tayong dapat pag-usapan."

"I said cancel that d*mn meeting, Miss Sarmiento!"

Halos maglabasan ang ugat sa leeg na sigaw nito.

She rolled her eyes at sinunod ang inuutos nito.

Matapos niyang makipag-usap sa secretary ni Mr. Cojuanco ay nakangising bumaling siya dito.

"Satisfied sir?"

Padabog na inayos niya ang mga gamit. Isinukbit niya ang bag. There's no use staying here.

Kakausapin niya si kuya Zeus na magpalit sila ni Cauis ng posisyon. Siya na ang magma-manman sa paligid.

"Where do you think you're going?"

"Makikipag-landian, sasama ka?"

Narinig niyang nagmura ito at walang babalang hinawakan siya sa kamay at hinila palabas.

"Bitiwan mo ako, ano ba. Baka kung saan-saan mo inihawak ang kamay mo."

Nasarapan ka din ba sa kanya?

Pinilit niyang makawala sa malabakal nitong kamay. Ewan ba niya pagdating sa lalakeng ito nabo-bobo siya pagdating sa self defense.

Pwedeng pwede naman niyang itong patulugin isang hawak lang sa leeg nito ngunit hindi niya magawa.

Nanlalaki ang mga mata ng mga empleyadong nadaanaan nila. Ngunit agad ding yumuyuko dahil sinasamaan sila ng tingin ng topaking boss.

Maya maya ay nakarating na sila sa parking lot. Dali-dali nitong binuksan ang kotse nito.

Binitiwan siya at marahan siyang itinulak pasakay sa passenger seat. Pagkatapos ay umikot na ito papuntang driver's seat.

"Saan tayo pupunta?"

Hindi ito umiimik at patuloy lang itong nagdrive.

"Can I borrow your phone?"

Nakakunot noong tumingin ito sa kanya "Sinong tatawagan mo?"

"I'll call Caius, naiwan ko ang cellphone ko sa mesa dahil sa may topak ang isa diyan at bigla bigla nalang nanghihila."

"No!"

Halos mawasak ang eardrums niya sa sigaw nito.

"But I need my phone, for petes sake!" ganting sigaw niya dito.

Ano bang nagyayari sa lalakeng ito?

Siya ang galit diba?

Bakit ito nakiki-epal?

Mariing siyang napapikit at hinilot niya ang sintido dahil kumirot ito.

Hindi muna siya nagmulat ng mata, baka sakaling mabawasan.

Hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog siya.

Naramdaman niyang para siyang nakalutang sa ere.

She was about to panic ng maamoy niya ang taong may buhat sa kanya. Hindi siya agad nagmulat ng mata, pinakiramdaman niya ang paligid. Malamig ang hanging dumadapo sa kanyang balat. DInig niya ang mabining paghampas ng mga alon.

Wait paghampas ng alon?

Iminulat niya ang mga mata.

"Where are we? Anong ginagawa natin dito?"

He just smirked "Stay still sweetheart, kung ayaw mong mahulog"

T*ngn*, matagal na akong nahulog sayo.

Habang pangko siya ni Dwayne ay pumasok sila sa isang kalakihang two storey beach house. Inilapag siya nito sa sofang naroroon.

"Anong gagawin natin dito?" ulit niya sa kanyang tanong habang nakataas ang kilay kay Dwayne.

"Nagpapasama ka kanina diba?"

Maikli nitong saad at umupo sa kanyang tabi.

Umisod siya palayo dito hindi siya makakapag isip ng matino kung malapit ang binata.

"Saan?" naguguluhang sambit niya.

Ngumisi ito ng makahulugan

"Napaka ulyanin mo naman, sweetheart."

Umi-iling sumandal ito sa sofa at inilagay sa batok ang kanang kamay at mariing tumitig sa kanya.

"Sabi mo maglalandi ka diba? Isang bagay lang ang sisiguraduhin ko sweetheart."

Umusod ito palapit sa kanya.

Halos magkandaduling na siya sa lapit nito. Isang pulgada nalang ang pagitan ng kanilang mga labi.

Bumilis ang tahip ng kanyang dibdib at wala sa sariling pinadaan niya ang dila sa nanunuyong mga labi. Nakita niya kung paano nag-apoy ang mga mata ng binata sa pagnanasa. Mahina pa itong nagmura.

"Ako lang ang lalandiin mo." Anito at walang babalang sinakop ang kanyang mga labi.

Halos tawagin niya lahat ng sant.

Pakenteyp tong lalaking to nakakawala ng katinuan.

Waahhh tulungan niyo ako, ilayo niyo po ako sa tukso.

Ngunit wala siyang ginawa para pigilan ang binata sa halip inikot niya ang mga kamay sa leeg nito at ginantihan ng mas mapusok na halik si Dwayne.

Ngunit wala siyang ginawa para pigilan ang binata sa halip inikot niya ang mga kamay sa leeg nito at ginantihan ng mas mapusok na halik si Dwayne

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I heyt U Ap! Kunwari ka pa bibigay ka rin naman pala hihi

Shy___

























I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now