Bodyguard-27

65.3K 1.4K 21
                                    

Nagkaka-gulo ang buong angkan ng mga Sarmiento ng malamang na-kidnap si Aphrodite.

Napa-uwi ng wala sa oras galing ng ibang bansa si Zion and Althea.

Maging si Zeus ay umuwi galing sa honeymoon.

"Zion, my daughter." Hindi napigilan ni Althea ang humagulgol.

Kahit gaano siya katapang, ibang usapan na pagdating sa mga anak at pamangkin.

Lumapit dito si Zion at niyakap ing mahigpit ang asawa.

"Shhhhh, we're going to find her love."

"Tito, tita, any news?" Humahangos na bungad ni Jenna Storm.

"What are you doing here Storm? nasa mission ka." Zion.

"Tito, mas importante si Ap kesa sa mission ko. And don't worry, I'm like BDO."

Kumunot ang mukha ni Zion. "BDO?"

Ngumiti si Jenna Storm. "I find ways, tito." Gaya niya sa commercial nito.

Lumapit si Jenna sa tiyahing si Althea at niyakap ang ginang.
"Don't worry,  tita we'll get Ap."

Sumunod namang dumating si Thor.

"Tito," Niyakap nito si Zion.

Bumaling ito sa kapatid na si  Jenna "Glad you're here, sis." ginulo nito ang buhok ng dalaga.

"Tita, don't worry bago sumikat ang araw, nasa atin na si Ap." Kay Althea ito lumapit at niyakap din ang ginang.

Tumango naman ang ginang. Alam niya ang kakayahan ng pamilya niya.

Even her daughter Ap kaya kahit papaano napanatag siya.

"Ma, pa!" Si Zeus naman ang ang pumasok.

Niyakap ni Zeus ang mga magulang.

"I'm sorry it's my fault, kung hindi sana Ap ang pinag take-over ko mission, hindi sana ito mangyayari."
Zeus, felt guilty.

Umiling si Zion
"No son, it's nobody's fault. It's our job."
Kung kanina ay kalmado si Zion ngayon ay madilim na ang aura nito. "Nagkamali sila ng binangga."

"Zeus, maghanda kayo ng mga pinsan mo. Pati na din ang mga ibang agents. Pick the most skilled ones. You need them for backup."

Tumango si Zeus.

"Copy, dad."

"Quen have you traced their location?"

"Yes, tito. They're heading to Batangas. Morales was just a kilometer away. Caius was 5 kilometers away he is moving with fast speed."

"Thor, Storm, pag-aralan niyo yung location. Make sure walang civilian na madadamay. I'll deal with the PNP. They want war?" He smirked. "We'll give them war." Mabalasik nitong saad.

"Althea, love stay by my side. I need you strenght." Malamlam na saad niya sa ginang

Sumunod naman ang ginang at niyakap si Zion ng mahigpit.

***

After an hour

"Tito, a remote area here in Tanawan, Batangas." Pagbibigay alam ni Quen habang nasa meeting ang buong Olympus Agency.

"Tito, tumatawag si Caius." Quen.

"Put him on speaker." Utos ni Zion.

"Quen tapped Morales phone. Tumatawag na sa kanya ang kidnappers. I'm with him right now." Imporma nito.

"Jenna, Thor and Zeus are on their way. The second car are the elites." Zion.

"Copy, tito." Quen.

"We are ready to leave too. Caius, tell Morales to answer to his phone." Zion.

"Hello Morales kumusta?" Tumawa itong parang demonyo.

"F*ck you Ong! I treated you like my own father!" Nang-gagalaiting sabi ni Dwayne.

Tumawa ulit ito "Well I guess I'm a great actor Dwayne."

"Why are you doing this? What do you want?" Sigaw ni Dwayne.

"Your company and you!" Nakakalokong tumawa ito "I want you dead! Para maibalik ko ang paghihirap na naranasan ko when my family died because of your father! Ang tagal kong hinontay ang pagkakataon ito."

"F*uck you! Anong kinalaman ng tatay ko sa pamilya mo?"

"Dwayne, Dwayne, Dwayne, be careful your words. Alalahanin
mo hawak ko ang isang taong espesyal sayo.. Ang galing mong mamili napakaganda ng dalagang ito.

"D*amn you, don't touch her or I'll kill you myself. Ako kailangan mo diba? Ako dapat ang kinuha mo!" Halos maglabasan ang litid ng leeg ni Dwayne. Samantalang madilim at nakakuyom ang kamao ni Caius sa tabi niya.

"Well that's the first plan Dwayne but I saw how you look at her kaya nagbago na ang isip ko. Isa pa napakadulas mo hindi kita matyempo tyempuhan. Masakit ba? Masakit ba na sayo nakasalalay ang taong mahal mo?!!!" sigaw nito pagkatapos parang baliw na tumatawa "My family died because of you're father, siya ang nakabangga ng kotseng sinasakyan namin sampung taon na ang nakakalipas. Namatay ang asawa at anak ko! Pero naabswelto siya. Hindi ako makakapayag na hindi niya pagbayaran kaya pinagplanuhan kong mabuti kung paano ako makakaganti! Then there you are palaging bukang bibig ng ama mo! Kaya naisip ko kung ikaw ang mapatay ko mas masakit sa ama mo!"

"Patayin mo ako kung gusto mo basta pakawalan mo lang si Ap!"

"Tskk not so fast Dwayne! mapag uusapan natin ang bagay na yan. Pumunta ka dito sa adress na ito, wala kang pagsasabihan lalo na ang mga pulis. Pag nakatunog ang mga tauhan ko boom! Sabog ang utak ng babaeng ito!"

"Fine I'll go!"

"Yan ang gusto ko sayo Dwayne madali kang kausap. Eksaktong alas-otso ng gabi! Don't be late or else say goodbye to your Ap!"

"No Dwayne wag kang pumunta dito papatayin ka nila!" sigaw ni Ap sa kabilang linya.

"Bye Dwayne alas-otso!" malademonyo ulit itong tumawa

"F*ck, f*ck, f*ck!"
Sunod-sunod na mura ni Dwayne ng maputol na ang linya. Hindi pa siya nakontento ay sinuntok niya ng sunod-sunod ang sasakyan.

"If something bad happens to her di ko alam ang gagawin ko."

"Walang mangyayaring masama sa kanya." mariing saad ni Caius.

Nakahinga ng maluwang si Zion at Althea, maging si Zeus at mga pinsan nito ng marinig ang boses ng dalaga.

Kailangan nilang mag-madali.



I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now