Bodyguard-30

62.5K 1.4K 37
                                    

"In exactly 10 minutes, papasok kami." Ani Quen kay Dwayne pagkatapos nitong ikabit ang device sa lalaki.

Tumango naman si Dwayne. 

"Goodluck, Morales."

Sa kabila ng takot para kay Ap ay pinilit niya ang sariling maging kalmado.

He nodded.

Nagtangis ang bagang niya.

That old man will pay

"Dwayne Morales?"

Paninigurong tanong ng isa sa bantay sa gate.

Tinutukan siya ng baril sa sentido.

Tumango siya.

Hinawakan siya sa magkabilang braso ng dalawang lalake at kinaladkad siya papasok ng gate ng masigurong wala siyang kasama.

"Bilisan mong maglakad, baka mainip si boss, todasin pa ang maganda mong jowa sa loob."
Nagtawanan pa ang mga ito.

He gritted his teeth.

Magkaka-sunod din na mura ang narinig niya galing sa pamilya ni Ap.

Dalawang pasilyo ang nilikuhan nila hanggang sa makita niyang nakatayo sa gitna si Ong.

Kasama ang kanyang dating kaibigan na si Noah.

"Dwayn, welcome to your grave, iho." Nakangisi nitong bungad.

"Noah my boy hindi mo ba babatiin ang iyong matalik na kaibigan?"

Ngumisi naman ng nakakaloko si Noah.

"Kumusta bro?"

Muli namang tumawa naman si Ong.

Tumalim ang kanyang tingin sa dalawa. Napakuyom ang kanyang mga kamao.

"Where's Ap?" Mariin niyang tanong. 

Tumawa si Ong. "Iho, masyado ka naman atang nagmamadali. Nagku-kumustahan palang tayong tatlo dito."

"Wala akong oras na makipag-kumustahan sa mga hayop na kagaya niyo!"

Sumenyas si Ong sa mga tauhan nito.

Hinawakan siya sa magkabilang braso.

Malakas siyang sinuntok sa mukha ng isa.

"Hayop? Ang ama mo ang Hayop!" Nanlilisik ang mga matang saad ni Ong.

"Berto, ilabas mo ang bihag. Nagmamadali na ang ating panauhin na salubungin si kamatayan!"

"Ano ba! Bitawan niyo ako!" Nagpupumiglas na sigaw ni Ap habang kinakaladkad ito ng mga tauhan ni Ong. 

"Ap, sweetheart!" Sigaw ni Dwayne.
Nagpumiglas siya.

"Dwayne, what are you doing here? Hindi ka na sana pumunta dito!" sigaw nito habang pilit kumakawala.

"Are you saying na pabayaan kita? T*ng*na, ako ang dahilan bakit ka nandito!"
Naiinis na saad niya sa dalaga.

Somehow he felt relieved dahil nakita niyang humihinga pa ito.

Ngunit agad na nagdilim ang kanyang mukha ng makitang putok ang labi nito.

"D*am you Ong what did you do to her?" Nangga-galaiting sigaw niya.

Humalakhak naman ito "Masyadong matalas ang dila ng babae mo iho, kaya yan ang napala niya."

"P*tang *na mo! Sabi mo, hindi mo siya sasaktan!" galit na galit na sigaw niya.

****

"Gate 3 cleared." Inporma ni Jenna sa mga kasama.

Sabay sabay pa silang nagmura ng marinig nila ang nanggagalaiting sigaw ni Dwayne.

"D*amn that old man sinaktan niya ang kapatid ko!" Galit na galit na sabi ni Zeus.

"Babasagin ko ang bungo niya!" Mariing sabi ni Thor

"Puputulan ko ang matandang yan!" Gigil na saad ni Jenna

"F*ck!" maikling mura lang ni Quen ngunit hindi lingid sa kanila na kahit tatahi-tahimik, ito ang pinakamapanganib.

Samantalang halos dumugo naman ang kamay ni Caius sa higpit ng hawak niya sa kanyang baril.

"Focus!" Awat naman ni Zion.

Kung siya ang masusunod, siya na mismo ang mawawasak sa pagmumukha ni Ong.

Wala itong karapang saktan ang prinsessa niya.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang asawang si Althea. Kinuha nito ang armalite.

"Love, what are you doing?" Natatarantang tanong niya.

"I'm gonna kill that assh*le!" Halos panginigan ng paa si Zion sa malamig na ekpresyon na mukha ng misis.

"Chill love, bahala na ang mga bata sa kanya." Pagpapakalma niya dito.

Napamura siya ng makarinig ng sunod-sunod na putok.

Mukhang nakita ng mga tauhan ni Ong ang isa sa kanila.

Nagkatinginan silang mag asawa.

"What's the situation?"

"We are ready to rock their world pa." Sagot ni Zeus

Mas maraming putok pa ang sumunod. 

***
Nagkatinginan si Ap at Dwayne ng marinig ang mga putok.

Nanlaki ang mata ni Dwayne ng makitang tinanggal ni Ap ang taling nakapulupot sa kamay nito.

Umikot ang dalaga sa ere at inagaw ang baril ng isang tauhan ni Ong.

Binaril ang mga lalakeng may hawak sa kanya.

Pinulot ni Dwayne ang isang baril at pinaputukan ang lalaking nasa likod ni Ap na akmang babaril dito.

Sa taranta ni Ong ay mabilis itong nagtago. 

Tumakbo si Ap palapit kay Dwayne at hinila ito pakubli.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Ap sa kanya.

Bilang sagot ay niyakap niya ng mahigpit ang dalaga.

Thank, God.

"I should be the one asking that sweetheart."

Hinaplos niya ang putok na labi nito at magaang hinalikan.

"Tinakot mo ako ng sobra."

Malamlam ang mga matang saad niya sa dalaga. 

Sumungaw muna si Ap sa kanilang pinagkukublihan at nagpapaputok bago sumagot kay Dwayne.

"Kanina pa sana ako nakalabas sa lugar na ito, kung hindi lang kita iniisip." Marahang turan niya at hinaplos ang mukha ni Dwayne.

Hinila ni Dwayne payuko si Ap at pinaputukan ang nasa likod nito.

Napangiti si Ap.

"Gumagaling ka ng magpaputok, sir."

Natatawang sambit niya dito ng makita niyang bumagsak ang lalake sa likod niya.

"Practice makes perfect!" Pabiro namang sagot ni Dwayne.

"Hey love birds, mamaya na kayo maglambingan. Madami pa tayong patutumbahin. Puputulan ko pa si Ong sa ginawa niyang pag-damage sa kagandahan mo, couz."

Singit ni Jenna na lumitaw sa kanilang harapan.











I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now