Bodyguard-43

60.6K 1.2K 10
                                    

Ilang araw ng naiinis si Ap dahil bihirang magpakita si Dwayne sa kanya.

Ngunit regular padin itong nagluluto ng agahan niya.
Hindi nga lang niya ito naabutan.

Hindi tuloy niya maiwasang mag-isip na naman ng kung anu-ano. 

Bago siya tuluyang mabaliw napagpasyahan niyang maglakad-lakad muna sa mall at tumingin ng gamit ng kanyang anak.

"Ma'am ano pong gender ni baby?" tanong ng Sales lady sa tabi niya.

Nasa infant section siya habang tumitingin ng feeding bottles.

Ngumiti siya dito. "Wala pa, miss. Next month ko pa malalaman."

Nacu-cutan siya sa kulay na blue kaya halos lahat ng binili niyang gamit ay kulay asul.

Nang makaramdam ng gutom ay pumasok siya greenwich.

Bigla kasi siya nag-crave ng lasagna.

Pinili niya ang upuan sa pinaka-sulok.
Ngunit nanigas siya ng makita ang pamilyar na bulto ng isang lalake habang nakikipag-usap ito sa babaeng kilalang-kilala niya.

Nakatagilid sa banda niya ang lalaki ngunit hindi siya maaaring magkamali.

It was Dwayne and Zoe.

Walang ingay ang mga yabag na naglakad siya sa pinaka-malapit na mesa sa dalawa.

"Everythings okay.?" Nakangiting turan ni Dwayne

"Yup, sa simbahan nalang tayo magkita." Malambing sagot ni Zoe.

Nanginig ang buong katawan ni Ap.

Simbahan?

So all the time itutuloy pala ng mga ang kasal.

Pakenteyp!

May give me a schance pang nalalaman.

Namalisbis ang luha sa kanyang mga mata kasabay ng pagbagsak ng mga pinamili.

Napatingin tuloy si Zoe sa direksyon niya.

"Ap?"

Napalingon din si Dwayne sa likod nito at nanlaki ang mga mata.

Mabilis itong tumayo, bago ito makalapit sa kanya ay tumakbo siya palayo.

Good thing, she's wearing a flat sandals.

Hindi pa siya nakakalayo ng mahabol siya ni Dwayne.

Hinawakan siya nito sa mga braso.
"Sweetheart, let me explain."

Galit na iwinaksi niya ang kamay nito.
"Huwag mo akong hawakan." mariin niyang sabi.

"I thought— nevermind." Iwinasiwas niya ang kamay niya.

"It's not what you thi—" Minuwestra niya ang kamay para patahimikin ito

"Dwayne enough! Please enough!" Sigaw niya dito. 

She doesn't need any explanation. Kitang-kita ng mga mata niya. Rinig na rinig ng kanyang mga tenga! Ano pa bang e-explain nito?

"I've already given you the chance but d*mn Morales, you wasted it! I never wanna see your face again!" Sigaw niya. 

Then she started walking away with tears rolling down from her eyes.

Akala niya okay na ang lahat but pakenteyp!

Madaming namamatay sa maling akala!.

Nagtungo siya sa kanyang sasakyan at agad na pinaandar ito.

"Hold on tight baby! Its only you and me now."

I'm His BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon