Bodyguard-21

69.2K 1.4K 121
                                    

Pumara ng taxi si Ap, she was about to get in ng may pumigil sa kanya.

Kumuha ito ng pera sa bulsa at iniabot sa driver bago senyasan ito na umalis na.

"May nakita akong nagtitinda ng kwe-kwek diyan sa kanto."

She knew like her cousin Quen, Caius heard and saw everything too.

Tinanggal nito ang wireless headset sa kanyang tainga at ibinulsa. Kinuha din nito ang cellphone niya. Maybe he closed the app na gamit nila pang-monitor kay Dwayne.

Maybe he doesn't want her to watch and hear, kung ano mang milagro ang nangyayari sa loob ng opisina ni Dwayne.

Hinawakan nito ang kanyang braso at maingat siyang hinila papunta sa nagti-tinda ng kwek-kwek.

"It's on me."

Kung ibang pagkakataon lang ay magtatalon na siya sa tuwa.

Si Caius na mismo ang tumuhog ng kwek-kwek at fishball. Ng malagyan niya ito ng sauce ay iniabot sa kanya.

"Dig in."

Kahit walang gana ay isinubo niya ito. Napasinghot siya ng ma-imagine ang ginagawa ng mga ito. Nadagdagan ang pagsinghot niya ng mapaso ang kanyang dila.

T*ng in*, maineet.

Napaiyak na siya.

Kung bakit ba naman kasi isang lambing lang nito ay nakahanda na naman siyang masaktan?

Paasa din kasi ang g*go eh.

Kung babarilin sa luneta ang lahat ng marurupok, sigurado si Ap na siya ang mangunguna sa pila.

Hinayaan lang siya ni Caius, nakatayo na ito sa kanyang tabi at kumakain na din.

"Anong gusto mo? Sago at gulaman o iced tea?"

Itinuro niya ang sago at gulaman, dahil muntik na siyang mabulunan.

Naka-sampung kwek-kwek ata siya at sampung fishball.

She burped.

That made her feel a little better.

"Salamat."

Tumango lang si Caius.

Nagkatinginan sila ni Caius ng umilaw ang emergency button sa kanilang relo.

Sabay silang napamura at tumakbo pabalik.  Isinuot ni Ap ang headset.

Abot ang kaba niya ng walang marinig na boses ni Dwayne maging ni chaka doll.

Huwag naman naman sana.

Huwag naman naman sana. Mapapatay siya ng kapatid na si Zeus kapag nagkataon.

Mapapatay din niya ang sarili.

T*ngn* double dead ang peg niya.

Ang gusto pa naman niya kapag kinuha siya ng nasa taas ay mamatay siyang maganda.

"What happened kuya?"

"Took care of it. Saan ba kayo nagpunta?" Quen.

Si Caius ang sumagot. "Kumain ng kwek-kwek."

Narinig ni Ap ang malutong na mura ng pinsan.

"Bakit hindi kayo nag-aya? D*mn, I'm starving."

Narinig niya ang pagkasa ng baril. "Snipers?"

"Yeah."

"How many?" Hinawakan niya ang baril at lumabas sa fire exit. Tumakbo siya paakyat sa hagdan.

There she saw his cousin at kalmadong nakikipagpalitan ng putok. "Five, took down two."

Ikinasa niya ang baril at pinaputukan ang isa. Natumba ito. 

"Kinakalawang ka na ata kuya." Biro niya sa pinsan.

"Reserving it for you."

Sa kabila ng bigat ng puso ay natawa si Ap, minsan hindi napapansin ng kanyang kuya Quen na may itinatago din itong sense of humor sa katawan.

"Caius?"

Ang lalake na ang inutusan niyang magpunta sa opisina ni Dwayne.

Nakarinig siya ng lagabog at nabaling upuan.

"Sorry about that."

May narinig siyang tila nasaktan. "Only three, no sweat."

Natawa ulit si Ap.

Ang yayabang.

Ng makuha ng mga cleaner ang mga katawan ay nakahalukipkip na humarap sa kanya ang pinsan.

"Where's my kwek-kwek?"

Napanguso siya. "Forgot to take out for you, biglang umilaw yung emergency button."

Nasa taas pa sila ng pinsan kaya ngumuso siya. "Doon lang yung bilihan kuya."

"I don't have barya."

Isinuksok niya ang kamay sa bulsa para maghanap ng coins pambili ng kwek-kwek ng pinsan.

Ngunit wala siyang makapa. She forgot wala pala siyang pera.

"I don't have either."

Sumimangot ang kuya Quen niya.

"Caius?"

"Yes?"

"Do you have coins?"

"One-thousand-peso bill." Caius.

Napangiti si Ap. "Tara, kwek-kwek ulit tayo."

Caius Side

Lumamlam ang mukha ni Caius.

For years he kept his feelings hidden. He entered Olympus Agency for a selfish reason.

Her.

The moment he laid his eyes on her he's doomed. He did everything to get near her. 

Even though for her he doesn't exist.

He is not the man she loves and will never be.

He concedes.

He only wishes her happiness.

He only wishes her happiness

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Caius in the picture guys.

Hala hala away na itey! Ang Caius may pinaglalaban.

Pwede bang ako nalang si Aphrodite haba ng hair wala kang itulak kabigin sa dalawa.

Sissy maldita806 ang hawt din ni Caius oh.

Dwayne side will be posted at the right time.

Dwayne ba kayo o Caius? 

Shy___













I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now