Bodyguard-28

64.9K 1.4K 62
                                    

"Nasaan ako?" Iginala ni Ap ang mga mata sa paligid.

Nasa loob siya ng abandonadong lugar.

Nagkalat ang mga gamit sa paligid.

May mga ipis at daga din siyang nakita.

Sinubukan niyang kumilos ngunit hindi siya makagalaw dahil mahigpit siyang nakagapos.

Napamura siya! Agad na naglumikot ang kanyang mga mata baka sakaling makakita ng matulis na bagay na maaring gamitin niya para mawala sa pagkakagapos.

Nasa ganun siyang estado ng may mga kalalakihang pumasok

"Gising ka na pala, ganda." nakangising bungad ng isa at may pagka maniac siyang pinasadahan ng tingin.

"Berto, tawagin mo si Boss."

Sumunod naman ang tinawag na Berto.

Maya-maya ay pumasok ang sinasabi nilang boss.

"Kumusta Ap, iha?" Nakangisi nitong saad.

"Anong ibig sabihin nito Mr. Ong? Pakawalan niyo ako dito parang awa niyo na!" Umarte siyang natatakot

Kapag nakawala siya dito, patawarin siya ng mga magulang. Kahit tinuruan siyang gumalang sa matanda ay babalian niya ito ng buto.

Lumapit ito.
"Shhhh wag kang matakot, iha."

Hahaplusin sana nito ang pisngi niya ngunit agad niyang naiwasan kaya humalakhak ito.

"Alam mo iha, kapag napatay ko si Dwayne pwede kitang buhayin. Sa isang kondisyon magiging akin ka." Pinasadahan nito ng tingin ang kanyang katawan.

Tumalim ang mga mata ni Aphrodite. "Patayin mo nalang din ako. Hindi ako papatol sa uugod-ugod na matandang kagaya mo! Pwe!"
Hindi na siya nakatiis.

Nanlisik ang mga nito at sinampal siya.
"Pwes pagsasawaan muna kita bago kita isusunod kay Dwayne!"

She smile sarcastically. "Siguraduhin mong mapapatay mo kami Ong!"
Hindi niya ininda ang dugong umagos sa kanyang mga labi dahil sa pagkakasampal nito. "Kung hindi, ako ang papatay sayo."

Humalakhak ang matanda. "Matapang ka din iha, hindi ka nga basta-basta katulad ng sinabi ng mga tao ko."

Ngayon nga ay kausap nito ang binata. Hindi niya maiwasang matakot para dito.

"No Dwayne huwag kang pupunta dito papatayin ka nila!"
sigaw niya.

Alam niyang alam na ng pamilya niya kung nasaan siya ngayon.

Sana huwag ng isama ng mga ito ang binata.

"Ap, sweetheart?"

"No, huwag kang pumunta dito!"

Hindi siya makakapayag na may mangyaring masama sa lalake.

"Bye Dwayne, alas otso!" Ani Ong bumaling ito sa kanya.

"Huwag kang mag alala hindi ko muna siya papatayin agad. Kailangan niya munang pirmahan ang mga papeles na nagsasalin ng kanyang kompanya sa pangalan ko" ngumisi itong parang demonyo.

"Bantayan niyo yan ng maigi! Kapag nakatakas lagot kayo! Papasabugin ko mga bungo niyo." Sigaw nito

"Yess bossing!"

***

Dumating na ang pamilya ng Sarmiento sa Batangas lulan ng tatlong sasakyan.

Nauna ang kapatid at mga pinsan ni Ap.

Sa pangalawa ay mga hindi pamilyar na mukha. Nakadamit ng kagaya ng pamilya ni Ap.

Ang pangatlo ay ang mga magulang ni Ap at asawa ni Zeus

I'm His BodyguardWhere stories live. Discover now