Chapter 30

360K 9.5K 820
                                    

Chapter 30

Enchanted

"That sounds great, bro!" ani Zimmer matapos i suggest ni Axpfel na sa EK na lang kami magpunta.

"So guys ano?" tanong naman ni Paui.

Nagsitanguan sila pati na rin ako. Masaya ngang mag EK, kaso parang may iba sa pakiramdam ko.

Bumaling si Apxfel saakin.

"Kailan ka last nag EK?" he asked.

Natameme akong bigla. Gusto ko sabihin sa kanya na nito lang at si Dominic ang kasama ko... pero may kung anong pumipigil sa'kin.

"Guys let's grab a lunch muna!" biglang sigaw ni Dominic na pumukaw ng atensyon namin.

"Ahh... Oo nga gutom na rin ako." sabi ko naman.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi maganda ang nararamdaman ko!

Bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko ay may mali akong nagawa kahit na matagal na iyon...

At saka nagpunta kami sa EK ni Dominic noon bilang magkaibigan. Iyon lang.

Nag-order kami sa drive thru. Sa kotse na lang kami kumain para makarating na rin agad kami sa Enchanted Kingdom, dagdag pa kasi sa oras kung titigil pa kami para kumain.

Nakatulog ako sa balikat ni Apxfel at siya din sa may uluhan ko. Buti at pag gising namin ay nakarating na rin kami.

Hindi masyadong mahaba ang pila kaya naman nakapasok kami agad sa loob.

"Ang saya!" Zimmer exclaimed.

"Wala pa nga tayong nagagawa!" bulyaw ni Paui na ikinatawa naman namin.

Nakaramdam na rin ako ng excitement.

"Saan niyo gustong sumakay?" tanong naman ni Dominic.

"Sa ferris wheel!" suhestiyon ni Zoey.

Tatango na sana ako nang maalala ko iyong dati! Iyon ang sinakyan namin ni Dominic noon na masuka suka ako kasi sobrang taas tapos ang bagal!

For a minute, nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si Dominic sa akin. I can't help not to look back.

Hindi maganda ito... Parang may itinatago ako kay Apxfel. Ayoko ng ganito kaso hindi ko naman alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya.

Pumayag ang lahat na sumakay doon kaya wala na kong nagawa at sumama na rin ako.

We ride after ride. Ang saya dahil ang dami na naming nasakyan... At saka mga easy easy lang ang mga sinakyan namin. Buti na lang dahil takot ako sa mga extreme!

Nauhaw ako kaya bumili muna kami ng tubig ni Apxfel, habang ang barkada naman ay namimili kung saan kami susunod na sasakay.

"Are you happy, babe?" tanonf ni Apxfel sa akin habang hawak nito ang isang kamay ko.

"Syempre naman. Ikaw?" I said with a smile on my face.

I am sincerely happy.

"Of course. Basta kasama kita, masaya ako. Lalo na, first time natin na magkasama dito."

Pagbalik namin kila Paui ay nakapili na sila. Sa Rio Grande daw! Nako, diba iyon 'yung ride na mababasa ka?

"Wala tayong extrang damit!" sabi ko sa kanila.

"Oo nga pala." si Paui.

"Bili na lang tayo." Dominic suggested.

Pumayag naman ang lahat kay Dominci kaya naman pumila na kami sa Rio Grande.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon